✭ LOVE DIVE 37 ✭

1 0 0
                                    


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

Ang tahimik talaga. Kaya naitaas ko 'yong dalawang tuhod ko at yumakap ako habang nakayuko.

"Hey, everybody! Punta muna kami sa balcony, ha? Alam n'yo na, selfie lang kami nito. Tita, huwag n'yo kaming iwanan, ha? Okay lang kung iwanan n'yo ang babaeng 'yan," rinig kong sabi ni Kate. Napatingala ako sa kanya, noong nagtama mga mata namin, agad lang naman niyang ipinaling 'yong ulo niya. Seryoso ba siya? Galit ba talaga siya? As best friends, normal na lang sa amin 'yong ganito, walang galitan, agad namang naaayos, eh.

"Katie, dalian n'yo nang makapag-breakfast na tayo. Hindi pa rin tayo nakapag-swimming!" sagot naman ni mama. So hindi pala sila nakapag-swimming. Dahil ba sa amin ni Mark? Dahil ba sa 'kin?

Yumuko ulit ako. Napatingin ako kay Mark na nakaupo lang talaga, that time, hindi pa rin ako tinitingnan. I expected him na kampihan niya ako, na samahan niya ako, tulad ng sinasabi namin palagi sa isa't isa. 'Di ko tuloy mapigilan huwag damdamin 'yon.

Umahon ako at bumaba na. Pumantay 'yong mga katawan namin ni Mark. Tumingin pa ako sa kanya, hoping na tingnan man lang niya ako. But he was just there. Kahit na noong nakatayo na ako't nalagpasan siya, he was just there.

I was hoping na may maramdaman akong yakap sa likod ko, pero wala. Malapit na nga akong makalabas, eh.

"Mark, pakisamahan yung anak ko," rinig ko sa likod ko. I pretended na wala akong narinig at lumapit na kung nasaan 'yong keycard. Noong time na ilalagay ko na 'yong kamay ko, 'yon 'yong time na napahinto ako nang naramdaman ng kamay ko 'yong kamay ni Mark, inagaw sa 'kin 'yong keycard. Tumingala ako sa kanya, ni hindi man lang siya nakatingin sa 'kin. Pero . . . alin ang dapat kong pakinggan?

Naglakad ako nang mabilis nang mabuksan niya na. Para hindi ko siya makasama. For sure, mangungulit na naman 'to.

"I-iniiwasan mo ba ako, 'a?" tanong niya, sa tabi ko. Talagang pumantay siya sa 'kin kaya mas binilisan ko pa lakad ko nang hindi man lang siya tinitingnan.

"Mag-ingat ka naman, uy. Baka mapano ka, hindi pa naghilom ang sugat mo," sabi pa niya. Pero mas binilisan ko lang paglalakad ko.

"Bakit mo ako iniiwasan?" sabi niya at hinarangan ako. Inilagay ko kamay ko sa harap ko para hawiin 'yong katawan niya palayo sa 'kin.

Lumayo naman siya para bigyan ako ng daan. "Wala. Gusto ko lang."

"Gusto mo lang? Na iwasan ako, 'a?" hindi makapaniwala niyang tanong.

Tumigil ako at hinarap siya. "Ano ba'ng pakielam mo, woy? Mamatay ka ba kung hindi ka pinapansin?" I sarcastically said, naka-crossed arms, nakatingin sa mga mata niya. Pero hindi rin nagtagal 'yon, naglakad na ulit ako. Malapit na ako sa elevator, konti na lang!

Pumwesto ako agad sa harap para pindutin 'yon. Buti nasa fourth floor. Malapit naman na, puwede naman ako maghintay. Saglit lang naman. Patience, please.

Pagkatapos ng ilang mga segundo, I just found myself na umikot 'yong katawan ko at bumagsak 'yon sa wall ng elevator at nasa harap ko na si Mark. Malapit sa 'kin, nakatingin sa mga mata ko.

"Ano?" mataray na sagot ko, nag-crossed arms pa nga ako habang nakatingala sa kanya. Tapos he started placing his right hand against the wall, na nakatingin pa rin sa 'kin.

Pero hindi siya sumagot, nilagay niya 'yong isang kamay sa kabila, katapat ng balikat ko.

"'Y-yong elevator, bababa na ako!" sabi ko.

But he was just there, nakatingin sa mga mata ko, parang anytime lalapain niya ako. Nilagay ko kamay ko sa dibdib niya, para sana itulak siya pero nag-bounce back 'yong kamay ko kasi . . . bakit ang bilis naman noong tibok ng puso niya?

Love Dive (LOVE TRILOGY #3)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin