✭ LOVE DIVE 52 ✭

2 0 0
                                    


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

'Kala ko si Mark lang magpapakaba sa 'kin. But not that time. Para akong nasa hot seat. Even though alam kong kasama ko si Mark, sa tabi ko, kinakabahan pa rin ako. Maybe kasi iba rin 'yong impact kasi this not just about me anymore. It's about us.

Umuwi kami around 7 A.M. Nadatnan naman si tita Lorna sa labas, nagwawalis. Sobrang awkward, especially noong bumamaba ako sa motor, kahit hawak-hawak naman ni Mark kamay ko. Ang taas talaga ng conscious levels ko that time because of tita Lorna. Nagmano ako sa kanya, si Mark din nagmano bago niya ako sinamahan sa harap ng gate namin.

He even said, "Magiging ayos din lahat, baby."

Then nabigla na lang ako noong nakarinig ako ng katok sa kuwarto ko, plus 'yong boses ni Mark. Eh siyempre, nagulat ako bakit siya na sa amin, kahihiwalay lang namin. I was so excited pa naman after ko magpalit nang mabilis na shirt, I even wore pajama, at ang lawak pa ng ngiti ko. Only to find out na nasa labas din pala sila: tita Lorna at mama. Pinagigitnaan nila si Mark. Sa right side ni Mark si Tita. That time, tumingin ako kay mama na nakatingin na rin pala sa 'kin and then without tearing our gaze, she started tapping the sofa.

Holding my breath, dahan-dahan akong lumapit at umupo. And just like that, as if kaming dalawa ni Mark, nasa hot seat.

"M-ma, bakit n'yo po kami pinatawag?" tanong ni Mark. I even held my breath kasi narinig kong nautal si Mark. And naramdaman ko sa kamay ko na mas hinigpitan niya 'yon kaya tumingin lang ako sa gilid ng mukha niya.

"You guys know what is the reason," pagsagot naman ni mama. And I tried so hard na huwag akong tumingin kay mama. The way kasi niya sabihin 'yon ang seryoso at may diin.

"Sandali! Mag-almusal nga muna kaya tayo?! Ano tingin mo, mare?"

"Mare, huwag mong bini-baby ang mga 'yan. May pag-uusapan tayo."

"Na paghihiwalayin n'yo kami? 'Yon gusto mong sabihin, Ma? No," sagot ko at nakatingin na sa mga mata niya. Nang hindi pinuputol ang tingin namin, sumandal lang sa sofa si mama at nag-crossed arms.

Itinaas ko mga kamay namin ni Mark at pinamukha kay mama. "Ito, kung ano mang meron kami ni Mark, sa amin lang. Kahit magulang namin kayo, wala kayong karapatang magdesisyon para sa amin."

"Celine, hija, alam namin iyan. Napag-usapan na namin 'yan ng Mama mo," rinig kong sagot naman ni tita Lorna kaya napatingin ako sa kanya. Ramdam ko pa rin na nakahawak kamay ni Mark sa akin. Ano'ng napag-usapan na nila? Binalik ko tingin ko kay Mark na nakatingin na rin pala sa 'kin, nginitian lang naman ako ni Mark.

"Ano po yung napag-usapan, Ma?" rinig kong tanong ni Mark. And I know that time, sobrang attentive ng mga tenga ko just to wait a response from tita Lorna.

"Kayo pa ring dalawa. Sino naman kami ni mare para pigilan namin kayong sumaya, 'di ba?" sagot ni tita Lorna kaya tiningnan ko siya. Nakita kong ngumiti siya, nagpalipat-lipat 'yong tingin nito sa amin ni Mark. Nakita ko pa na nakahawak si tita sa braso ni Mark.

"Talaga, Ma? Baby, sabi ko sa 'yo, eh!"

And that time, I decided na tingnan si Mama, only to find out na nakataas 'yong kilay niya sa 'kin. She even rolled her eyes. Confusion breathed into my system.

"Ang nais lang sana namin ni mare ay malaman kung ano ba talaga nangyari."

"Ma, hindi ka galit kay Mark?" sabi ko, tinaasan din siya ng kilay.

Once again, she rolled her eyes at me. "Hindi kita pinakinggan. Sorry, anak. Sorry, ha?"

"Nasaan ang sincerity?" I sarcastically said.

Then I felt na lumapit sa 'kin si mama at sumandal sa balikat ko. My back and my tummy were embraced by her arms.

"Sorry hindi ka pinakinggan ni Mama. Anak, can you share with us what really happened? We want to clear this confusion."

"Nandito kami para pakinggan kayo, mga anak. Mga anak namin kayo. Gusto naming malaman para maayos na ang lahat at mawala ang alala namin," segunda naman ni tita Lorna.

I can't. It's embarrassing.

"Baby, sabihin mo na. Okay lang," rinig kong sabi ni Mark. Umahon naman si mama pero nakatingin sa akin. Naramdaman ko na hinaplos ni Mark kamay ko at pinakahigpitan ang hawak doon.

"S-si Mark . . . mahal ko siya," tanging nasabi ko.

"Alam na alam namin 'yon, sweetie. 'Di ba, mare!"

"Tama! Masarap ang umibig!" Tumawa naman si tita Lorna. But that didn't help.

"Baby, nandito ako kasama mo," sabi ni Mark kaya tiningnan ko siya. Nakita ko 'yong ngiti niya.

"Fine. Oo na. Whatever!" I started.

"Yehey!" si mama, kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Yeheyyyy!" gaya naman ni tita Lorna. Mag-bestfriend nga sila!

Narinig ko naman tawa ni Mark kaya naaasar ko siyang tiningnan. Napatakip lang siya ng bibig niya. Umupo ako nang maayos at kumuha ng hininga.

"Nag-overthink ako! Satisfied na kayo?"

"More details please . . . " Kanino pa ba? Kay Mama!

"Tita, hindi ko nasabihan 'yang anak mo na sinamahan ko si Kate na mag-mall. Then I found out na may texts sa 'kin si Mark asking kung bakit hindi ko siya sinabihan na hindi pala ako papasok. Ang expected kaya. Siyempre, as a girl, nag-overthink ako na baka maging problem 'to sa amin," sabi ko at kumuha ng hininga. Nakita kong tumayo si mama at pumwesto sa harap ni Mark at nag-crossed arms. "Then hindi pa nag-reply sa 'kin si Mark and I believe gets n'yo naman kapupuntahan ng sinasabi ko, right?"

"Yes, hija, babae kami!"

"So, 'yon, nag-overthink nga ako na baka galit si Mark. Hindi kasi siya nag-reply! I meant, hindi siya nag-reply not because galit siya sa 'kin, 'yon lang talaga naisip ko. Then I and Mark talked, hindi niya pala narinig text ko since nagda-drive nga siya. But ako, pinuntahan ko sa univ namin, nagmadali talaga. Hindi ko siya nahanap, kaalis lang daw kaya nagmadali ulit ako, hanggang sa makarating ako sa palengke nagtatakbo-takbo para lang mahanap siya kahit hingal na hingal ako. Nang nahanap ko na siya, doon na ako nahimatay."

"Mark, bakit hindi mo naman ch-in-eck ang phone mo?!" rinig ko kay mama. Nakita ko namang tumayo rin si tita Lorna, tinabihan si mama at gumaya sa pag-crossed arms.

"Anak naman!"

"Ma, Tita, sorry na. Hindi ko talaga naramdaman."

"'Yon na ang story na gusto n'yong malaman. Okay na ba?" naaasar kong sabi sa kanila. Ang dalawa namang magkumare, ang lawak ng ngiti nila sa 'kin.

"Ang passionate naman palang umibig ng anak mo, mare!"

"Kanino ba 'yan nagmana?" sabi ni mama at pinalipad pa ang buhol. Ano pa ba, parang mga baliw na nagtawanan ang magkumare.

Humarap ako kay Mark.

"Proud ako sa 'yo, baby."

"Thank you for being here."

At ngumiti kami sa isa't isa. That time, there was no tension in the air anymore. Grabe! I never expected na magsasabi ako nang ganito sa mama ko at kay tita Lorna. Sa mama ko pa nga lang hirap na hirap na ako, pa'no pa kaya sa kanilang dalawa? Thinking about it, I'm grateful na-experience ko 'to at naayos na ang dapat maayos.

But that time, the universe was encouraging me to open up more with them.

And I did.

"Ma, Tita, gusto na naming bumukod ni Mark."

And I know it was something I can't take back and something I have to defend: this is our love.

٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

Love Dive (LOVE TRILOGY #3)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora