✭ LOVE DIVE 51 ✭

2 0 0
                                    


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

Kagaya ng napag-usapan namin, hindi talaga kami natulog ni Mark. After sa tahimik na open space na 'yon, nagpunta kami sa convenience store para magpalipas ng oras. Usually nga, kapag gusto kong magpalipas ng oras, there's always this desire na madaliin 'yong oras, but that time, gustong-gusto ko itong bumagal. I know kasi na matatapos din 'tong moment na 'to. If only I could stop the time, I would freeze it without hesitation. Basta lang makasama ko siya.

"Baby, after nito, ano'ng plano mo mangyari?" tanong sa 'kin ni Mark, nasa loob kami ng convenience store. 'Yong baba niya, nakapatong sa magkasalikop na mga kamay niya, as if nagdadasal siya.

Tumingin ako sa kanya. "Puwede bang huwag muna 'to pag-usapan?" I really don't want to talk about it yet. Kahit nga isipin man lang. Darating din naman sa point na 'yon. That time, I wanted that moment just for the both of us.

"Sorry, pero nag-alala rin kasi ako sa inyo ng mama mo," sagot naman niya at simpleng ngumiti. At naiintindihan ko 'yon. Kahit hindi niya ipaalam, nararamdaman ko 'yon. About kay mama, ayoko muna isipin. Love muna, not overthinking. Besides, I know na sasamahan naman ako ni Mark.

"Nag-reply ba si mama?" tanong ko sa kanya. Kinuha naman niya phone niya at tumingin sa 'kin.

"Hindi, eh," sabi niya at umiling. "Gusto mo i-text ko ulit? Puwede naman nating siyang tawagan bukas."

"Hayaan na lang muna natin. Babe, gaya ng sabi mo, tayo na lang muna. Let's enjoy this!"

"Baby, gusto ko lang malaman mo na kasama mo ako sa lahat, 'a? Kapag may problema ka, may gumugulo sa 'yo, puwede mong i-share sa 'kin. Kahit busy pa ako. handa akong makinig lagi," sabi niya mayamaya, kaya napatingin ulit ako sa mga mata niya.

"Ang sweet naman ng boyfriend ko," nakangiti kong sabi sa kanya, sumalumbabang tumingin sa kanya nang pa-side. Nakita kong lumawak 'yong ngiti niya tapos napapikit pa ang mga mata. Ang cute naman nitong lalaking 'to!

"Lagi akong tinatamaan sa mga sinasabi mo, 'a?" sabi niya pagkatapos imulat ang mga mata.

"Maybe it's natural for you to feel that way, boy! Kilala na noong puso mo 'yong boses ko," natatawa kong sabi at itinaas 'yong dalawang paa ko at niyakap 'yon.

"Kilalang-kilala nga. Kilalang-kilala ka nito."

"Ano'ng pangalan niya?" inosente kong tanong sa kanya.

"Baliw, pinatagal mo pa talaga? Kailangan mo pang mag-isip, woy?"

"Pasensiya, pasensiya," natatawa niyang sagot.

"Sinadya mo!" sabi ko, siya namang baliw, tumatawa lang. "Ano nga kasing pangalan?" tanong ko ulit.

"Celine."

"'Yan lang?"

"Celine na maganda. Sobra! Celine na mahal na mahal ko, sobra!" proud naman niyang sabi. Nakangiti kong tiningnan 'yong palad niya na nakatapat sa puso niya.

Napatingin naman ako sa labi ni Mark nang ngumuso. Nagpalipat-lipat 'yong tingin ko sa mga mata niya at kung saan niya itinuturo ang labi niya. "Baby, ano nga kasing pangalan?" sabi niya. The way niya sabihin 'yon? Gaya-gaya siya!

Katulad niya, itinapat ko rin palad ko sa puso ko. "Mark. Mark na nakakainis pero mahal ko."

Grabe, I really never expected myself to be like this. Rinig na rinig ng palad ko ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko. Ito pala 'yong power ng love, 'no? Para kang lumulutang sa ere, ang gaan-gaan lang ng lahat sa 'yo. Na kahit siguro magulo at madilim buhay mo because of some external events, parang wala lang mga 'yon kasi alam mo, as always, there is love to light up your life— ever-present in this eternal now.

We spent the dawn together. After staying in the convenience store, once again, we explored the unknown by enjoying the thrilling ride with him. What a magical feeling to be on the same ride with Mark! It even felt like we were in a movie about liberation and the headlights of the cars we were passing by were there to capture our moment of liberation. Perhaps, this love, is a love revolution.

٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

Love Dive (LOVE TRILOGY #3)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ