✭ LOVE DIVE 48 ✭

1 0 0
                                    


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

And I found myself na nakasakay ako sa motor niya, kasama siya. Ewan ko nga sa lalaking 'to bakit pa niya naisipan na mag-usap kami sa ibang lugar. Like, seriously, puwede naman sa labas ng ospital. And I don't know why that time, wala na akong pake kung ano man mangyari after ng ginawa namin. T-in-urn off ko nga phone ko. May tatawag ba? Alam ko namang galit sa 'kin si mama. For now, dito muna ako kasama si Mark.

Ito muna iisipin ko ngayon. Siya na lang muna. Kahit anong isipin at sabihin ng iba, kami na lang muna.

Actually, malaki talaga pasasalamat ko kay Mark kasi iba talaga nagagawa ng presensiya niya. As if he was born to make me feel calm. That time, nakasandal mukha ko sa likod niya, 'yong dalawang kamay ko nakapalupot sa leeg niya. Ayoko siyang pakawalan. Ayokong kumawala sa kanya.

Kanina pa kami nakaalis sa ospital. Ni hindi ko nga alam kung ano'ng oras na ba or kung nasaan na kami. Ang mahalaga lang sa 'kin ay kasama siya. Okay na okay na 'yon, basta magkasama kami.

Hininto ni Mark 'yong motor sa isang puno. Ang lilim doon. Nasa gitna siya ng mahabang daan. Sobrang laki ng puno at kaisa-isa lang 'yon. May open space. And for sure, open for public din. May isang family kasi kaming nakita na nagba-bond, kasalukuyang nagte-take ng selfies nila. This place? I don't think may may-ari.

Sumunod ako kay Mark at lumilim kami sa ilalim ng puno. May patubong grass din naman kaya I didn't need to worry na sundang umupo si Mark. Kahit na I was just wearning shirt and pajama, umupo pa rin ako.

"Matagal mo ng alam 'to? Ang presko rito," sabi ko sa kanya. Magkaharapan kami, nakaupo. Tumingala ako sa puno, nakita kong sumasayaw ang mga dahon nito. Dahil sa sobrang kapal n'on, konti lang 'yong sinag na araw na tumatama sa mga mata't mukha ko.

"Sapat ba ang presko para mawala init ng ulo mo sa 'kin?" natatawa niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya. Naka-crossed arms pa talaga itong lalaki na 'to.

"Seryoso ako, tapos gaganyanin mo lang ako? Pinaalala mo pa talaga kung paano mo ako nainis kanina," seryoso kong sabi sa kanya at sinabayan ko pag-crossed arms niya.

Hindi pinuputol ang tinginan namin, itinaas niya 'yong dalawang paa niya at ipinatong sa tuhod ang siko niya, nakasalumbabang nakatingin sa 'kin. Wala man lang pag-aalala sa mukha niya. "Kaya nga nandito tayo para pag-usapan natin. Halika rito, baby," sabi niya sa 'kin at gamit ang nakakainis na nguso niya, pinalapit niya ako. Dalawang beses pa nga 'yon tapos nang tiningnan ko lang siya, umisa pa siya.

Kasi, that time, naku-cute-an ako sa kanya. What a crazy feeling.

Natatawa lang naman siyang napailing, as if disappointed. Nakita ko siyang isinandal na lang niya ulo niya sa puno, kaya dahan-dahan akong tumayo at tumabi sa gilid niya. Nakita ko sa peripheral vision ko na ngumiti siya pero hindi nakatingin sa 'kin.

Without hesitation, sinandal ko ulo ko sa balikat niya. Ako ang nasa left side. And then suddenly, naramdaman ko kamay ni Mark kaya napatingin ako sa mga kamay namin.

"Itong lugar na 'to, baby, lately ko lang nalaman. Nadaanan ko," sabi niya kaya nakinig lang ako sa kanya at ipinikit ang mga mata ko. Nakaramdam ako ng kamay sa ulo ko, sinusuklay-suklay ang buhok ko. That gave an impression to my heart: as long as I'm with him, I'm safe.

Ang presko lang talaga rito. Kahit siguro umaga ako magpunta rito, hindi ako magrereklamo. Sobrang laki talaga noong puno at ang kapal ng leaves niya.

Naramdaman kong itinaas niya ang mga kamay namin at 'yong kanya, sinarado't bukas niya. "Kung maghihiwalay tayo, baby, ipaglalaban mo talaga ako?" tanong niya bigla, kaya iminulat ko mga mata ko.

Love Dive (LOVE TRILOGY #3)Where stories live. Discover now