✭ LOVE DIVE 45 ✭

2 0 0
                                    


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

That time, alam ko na kung nasaan ako. Puting kisame.

Naramdaman ko na may nakahawak sa kamay ko. Thank you, Universe, ginising mo pa ako pero bakit naman ganito masasaksihan ko? Without wanting to disturb someone's sleep, pinakiramdaman ko muna ang paligid. Ang tahimik sa loob. Wala sina Mama?

Pinilit ko sarili ko na luminga. Sino kaya mga nakakaalam? Dahan-dahan akong bumangon, sobrang ingat na huwag matamaan ang alinmang part ng katawan niya. Kami lang dalawa ni Mark nandito. Ang tahimik niyang nakahiga sa paanan ko. I decided to touch his head at sinuklay 'yong magulo niyang buhok. That time, unti-unting nagmulat 'yong mga mata niya kaya napaatras ko kamay ko nang medyo. Mabilis naman siyang bumangon at hinawakan agad kamay ko.

"Baby, gising ka na! Okay na pakiramdam mo? May masakit pa sa 'yo, uy? Gutom ka na? Teka, kukuha ako!" sunod-sunod niyang sabi. Hinawakan ko siya sa balikat para pigilan siya sa pagtayo. Nagtataka niya akong tiningnan.

"Mark, okay na ako. Ikaw, kumain ka na? Nakatulog ka nang maayos? W-wala ka bang ibang gagawin?" sunod-sunod ko ring tanong sa kanya.

Inabot naman niya ang kamay ko para hawakan 'yon kaya napatingin ako sa mga kamay namin, bago ako tumingin sa mga mata niya.

"Kahit may gagawin ako, ikaw uunahin ko. Health mo kaya pinag-uusapan dito. Buhay mo. Buhay ko. Kaya uunahin kita," sabi niya, ramdam na ramdam ko talaga higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Ewan. I just felt bad kasi. 'Kala ko abala ako sa kanya.

Simple lang akong ngumiti sa kanya at luminga sa kuwarto. "Alam ni Mama?"

"Kailangang sabihin. Babalik daw," sagot naman ni Mark kaya napatango-tango ako. Ano sasabihin ni mama? What if magtanong sila, ano'ng sasabihin ko sa kanila? Nakatingin ako kay Mark habang iniiisip 'yon.

"Sino pang nakakaalam?" tanong ko sa kanya. I don't want other people to know. Okay pa kung within the family.

"Si Kate. Kapatid mo," sagot naman ni Mark. Sinundan ko siya ng tingin noong tumayo siya. Nagpunta siya sa gilid ng kama ko, may basket doon. Nakita ko 'yong likod niya.

"Galit ka sa 'kin?" tanong ko pag-ikot niya. Napahinto siya at tiningnan ko, as if nagtataka. Nakita ko sa kamay niya na may hawak siyang mineral water. Naglakad din siya palapit sa 'kin na hindi pinuputol 'yong tingin namin. Umupo ulit siya sa gilid ng kama ko.

"Gusto mong uminom, baby?" sabi niya.

"Hindi ka galit sa 'kin o ayaw mo lang sabihin?" tanong ko ulit.

"Bakit naman ako magagalit?"

"Hindi ko sinabi sa 'yo na hindi ako pumasok."

"Baby, hindi mo kasalanan na hindi ko alam. Naiintindihan ko na baka nakalimutan mo lang o kaya may ginawa pa kayong project o ano. Ayos lang 'yun. Ang mahalaga, ayos ka na," sabi niya. "Saka lagi naman kitang sinusundo kasi gusto kong makasabay ka, 'a? Kaya hindi ako galit sa 'yo, maliit na bagay lang 'yun."

"Maliit na bagay pero sa 'kin hindi," sagot ko.

"Baby, hindi ganun gusto kong sabihin, 'a? Sa 'kin oo. Kung sa 'yo, hindi, naiintindihan ko kaya sorry. Hindi talaga ako galit sa 'yo, promise!" Nakataas pa talaga 'yong palad niya.

"'Kala ko galit ka hindi mo 'ko ni-reply-an," sagot ko sa kanya. Uminom naman siya ng tubig habang ako tinitingnan siya.

"'Yun ba, yung phone ko kasi nasa bulsa ko. Teka, teka, baby, akala mo galit ako sa 'yo kasi hindi kita na-reply-an?" Natawa siya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Baby, nagda-drive ako kanina!"

Love Dive (LOVE TRILOGY #3)Where stories live. Discover now