KABANATA 27

155 2 1
                                    


Sabi nila kapag nag-focus ka sa dapat mong gawin makakalimutan mo ang ibang parte sa kung ano ang nangyari sa nakaraan. Na kapag marami kang nakasalamuhang tao, nakilalang bagong kaibigan, at nakapalagayan ng loob ay makakalimutan mo ang taong inibig mo noon. Pero bakit gano'n? Kahit ilang libong tao ang nakilala at nakasalumuha ko sa loob ng ilang taon ay hindi ko pa rin siya makalimutan? Ni hindi nagbago o nabawasan ang pagmamahal ko sa kaniya. Even an ounce, nothing changed. He's still here, stuck in my mind and heart. I'm still in love with him. No matter how hard I tried because it's been years since we broke up. I've been very busy for years and have no time to entertain another guy, but I always have time to think of him. Is that even possible?

Did he cast a spell on me so that I couldn't forget him?

I will not be a hypocrite, because I really tried to forget him. Talk to some guy, but nothing. No one can even surpass him. Kaya rin siguro hindi ko siya makita sa iba dahil... ibang iba talaga siya sa lahat. Siya lang ang nakapagparamdam sa akin ng mga pakiramdam na akala ko ay ilusyon lang ng iba sa relasyon. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko mahanap 'yon sa iba. Sa kaniya lang talaga. Pero anong magagawa ko, e hindi na nga 'ata kami p'wede.

Inilapag ko sa lamesa ang suot na jacket habang ang aking assistant ay nakatayo sa gilid ko habang may kino-contact.

"Hello, Miss Vea!" sigaw ng mga nasa labas ng coffee shop kung saan kami naroon. Hindi sila pinapasok dahil medyo aggressive sila.

Kumaway ako at ngumiti sa kanila. Hiyawang muli ang namutawi sa kanila dahil sa ginawa ko. Natawa ako dahil sa reaksyon nila.

I don't know how this happened. I became more famous after I got some international and local projects. I became an international model the moment I flew here in Canada. Malalaking brand na ang humahawak at humahatak sa akin. I also became more known because I do vlogging for a cause.

It's been... four years since I left Philippines. Nag-aral ako kung saan nag-aaral si Dane. We became each other's support. Kasi wala namang ibang magdadamayan dito kung hindi kami. Theo's been busy with his business together with his fiancee. Hindi ko lang alam bakit tumatagal pa ang engagement e, pareho naman 'ata nilang gustong makasal kahit na arrange marriage lang 'yon. But I think the girl's still studying, kaya siguro hindi pa sila nagpapakasal? Well, rich families' problem.

Then I remembered... I was in their shoes before. Hindi nga lang gaya ng sitwasyon nila na pareho silang sang-ayon.

Bago ako umalis ng Pinas ay nagmakaawa pa ako kay Mommy na huwag ituloy ang engagement party o maging ang kasal ko kay Ajax. I don't want to be married to someone I don't love. Lumuhod ako at nagmakaawa. Kahit pa nga nawawalan na ako ng pag-asa noon na pakikinggan nila ako ay hindi ako nagpatinag. Lumuhod ako, umiyak, nagmakaawa, halos halikan ko na rin ang paa ni Mommy huwag lang niyang ituloy ang kasal na binabalak niya.

Pumayag siya, pero noong narito na ako sa Canada ay halos wala akong laya. Maging ang pagbisita ko kay Dane ay bantay-sarado. Kailangan din ay seryosohin ko ang pagmomodelo na siyang pangunahing gusto sa akin ni Mommy. Dahil gusto niya ay ipagpatuloy ko ang dati niyang ginagawa at pangarap: ang pagmomodelo.

Ayos lang naman sa akin, basta pakinggan niya rin ako sa gusto ko.

Si Blade... ang huli kong balita sa kaniya ay pumunta na siyang Australia upang doon ipagpatuloy ang pangarap niya. He already told me that. Doon siya magtatrabaho at paniguradong... doon na rin siya makakahanap ng babaeng mamahalin niya at mamahalin siya. Na hindi siya huhusgahan ng pamilya.

Natupad na kaya niya ang pangarap niya? I hope so. I always pray for him to finally get his dream.

"Our car is already outside, Vea. We have to go since you will attend a ramp later." My assistant said as she get my things. I let her before standing and walking with her.

Luscious Man Series 3: Danrev Blade MontilloWhere stories live. Discover now