KABANATA 13

197 6 1
                                    

I don’t know why but after I closed my eyes and felt his embrace on me, I fell asleep. It felt comfortable in his arms. It felt so warm. I felt so safe being in his arms. I never felt this way before… with my past relationships. Blade is really different. In all aspects. That’s I am falling hard. So hard that it could break me if he can never reciprocate it in time.

He likes me, yes. But he never said he’s feeling more than that. Would it stay that way until he’s tired of me? I am overthinking but I think… I should trust him… I should trust this relationship’s process. That maybe he’ll fall for me in time.

Nagising ako kinaumagahan nang may marinig na nagsasalita. I can feel Blade’s chest vibrating as he speak.

“Mom, I told you I’m not in my condo right now…” his bedroom voice filled my ear. He’s talking to his mom at this hour.

Baka nalaman ng mommy niya na hindi siya umuwi sa condo niya kagabi? That’s why she’s checking on him right now. But at this hour?

Hindi ako gumalaw at nagmulat ng mga mata pero hindi na rin naman ako makabalik agad sa pagtulog. Hindi pa maliwanag, so baka madaling araw pa lang. Is it 5am or 4am?

“No, I’m not!” pigil niyang sigaw habang nararamdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa balikat ko. “I’m not in the hotel with some random girls, mom. I’m not like that.” He groaned frustratedly. “I’m in my girlfriend’s condo, mom. And we did not do anything but sleep here in peace.” He whispered. “She’s sleeping beside me,” then I felt his lips on my forehead. “Yes, mom. I’m sure you’ll like her. Yeah… Mom, she’s a bit busy right now, I don’t want to pressure her. She has… too much in her plate. I’ll tell her… yeah, I will inform her that you want to meet her.” I stilled at his last sentence.

His mom… wants to meet me?!

Medyo mahaba pa ang napag-usapan nila at hinila ulit ako ng antok kaya hindi ko na narinig pa ang mga sinasabi ni Blade.

Nagising muli ako sa malambot na bagay na dumadampi sa aking labi, pisngi, panga, at noo. Dahan-dahan ay nagmulat ako ng mga mata at agad na bumungad sa akin ang maamo at guwapong mukha ni Blade. I instantly smiled at him. I hugged him and nuzzled his neck. I want to sleep more!

“Good morning,” he greeted.

Mas lalo kong binaon ang mukha sa kaniyang leeg at inamoy-amoy pa ito. Damn! I can’t get enough of his manly scent.

“Baby, it’s already seven in the morning. You need to wake up and prepare…” natatawang sambit ni Blade na mas lalo kong ikinahigpit ng yakap sa kaniya.

“Five more minutes, please…” I whispered hoarsely.

Pinagbigyan niya ako. At nang lumagpas na sa limang minuto ay pinilit na niya akong bumangon. Ah! Parang mas gusto ko na lang na hindi ko siya katabi para nagigising ako nang maaga. Kaysa sa ganito na mas pipiliin ko na lang na matulog maghapon kasama siya!

Nakatulala ako nang umupo sa hapag. Siya na ang handa ng agahan namin. Dinala muli ng butler niya ang uniform niya papunta rito. Ang guwapo niya lalo sa uniform niyang pang-crim. Kulay navy blue iyon na medyo hapit sa kaniya na mas lalong nagdepina sa ganda ng hubog ng katawan niya.

Inilapag niya ang pinggan sa harap ko. It already has a french toast, a sunny side up egg, a bacon, and a hotdog. Heavy eater siya kaya nagluto rin siya ng fried rice, may tocino rin siyang niluto pero mukhang hindi ko na kakainin ‘yon dahil sa nakalagay sa plato ko ay mabubusog na ako. He even made a coffee for me.

“Thank you,” I said in a small voice, still sleepy.

“Always, my baby.” Parang nabuhay ang puso ko dahil sa narinig sa kaniya. Napanguso ako at nagsimula nang kumain nang tahimik.

Luscious Man Series 3: Danrev Blade MontilloWhere stories live. Discover now