KABANATA 8

158 2 0
                                    

Our weeks and days went well and I feel like I am like a bubble floating in the air, living my life in its finest. Madalas nang pumunta talaga si Blade sa school ko at maghihintay sa akin. Minsan naman kapag may practice siya sa basketball ay ako naman ang pumupunta sa kaniya.

Pero kahit na pakiramdam ko ay masaya ako… may parte pa rin sa akin na malungkot, hindi masaya, at kulang. Siguro dahil nahahaluan ng lungkot ang saya ko. Dahil kapag masaya ako, nandiyan sina Mommy at Daddy para lang guluhin ang kasiyahan ko sa araw na iyon.

“You should be here tonight. Kung bukas ka pa babiyahe, Vea, male-late ka sa party ng Daddy mo!” namroblema agad ako dahil hindi pa ako tapos journals na ginagawa ko at ito pa ang ibubungad sa akin ni Mommy nang tumawag siya.

“Mom, may tinatapos lang po akong journal ngayon na kailangan kong ipasa ng 6pm today. Can’t you wait? Pupunta naman po ako. At isa pa, 4pm pa naman ang start ng party ni Daddy. If you really me there before that time, babiyahe ako mamayang gabi pa-Cebu. Tatapusin ko lang ‘to.” Napahilot ako sa sentido ko. My parent’s really a pain in the ass.

“Aasahan ko ‘yan.” Pinatay niya ang tawag kaya napabuntong-hininga ako dahil do’n.

Hindi ko na nai-text si Blade, nasa libarary ako at gumagawa pa rin ng journal na kailangan kong ipasa ngayong araw. Abala ako sa ginagawa nang umilaw ang cellphone ko at mag-vibrate ito. I put it in silence since I am inside the library. Nang makita ko ang pangalan ni Blade doon ay agad ko iyong sinagot.

“Hello,” I croaked.

“Where are you?” he asked.

“Uh, nasa library. Bakit? Nasa labas ka ba? Sorry, hindi kita mapapasok. Wait pupuntahan ki—”

“I’m fine here. I’ll wait. Matatapos ka na ba sa ginagawa mo? Are you busy?” sunod-sunod niyang tanong na nagpatigil sa akin. “Hindi ka pa kumakain.” that’s not a question. He knows I haven’t eaten yet.

“Tatapusin ko lang ito. Saglit na lang naman, e. Can you still… wait for a moment? I mean, baka abutin pa ng isang oras. Promise, tatapusin ko lang talaga.”

“Alright. Take your time. Don’t rush, okay? Hindi naman ako nagmamadali. Don’t pressure yourself.”

Napangiti ako roon. Binaba ko ang tawag at nagpatuloy ako sa ginagawa ko. I didn’t rush everything, just like what he said. I took my time without pressure. Hanggang sa matapos ako at maipasa sa faculty ang mga iyon ay magaan na ang kalooban ko. At last, I’m done.

Pumunta ako sa kiosk kung saan madalas siyang tumatambay habang naghihintay sa akin. That’s where sometimes other students hangout leisurely. Nang makita niya akong papalapit na ay tumayo siya at tumingin sa kaniyang relo. It’s already 5:40pm. Buti na lang talaga at nakahabol ako sa pagpasa.

“Hi, sorry to keep you waiting here.” nahihiyang saad ko.

“It’s alright,” he smiled.

“Tara na? Pagabi na saka baka gutom ka na.” He took my hand and smiled a bit.

My heart thumped loudly as I keep looking at our intertwined hands. He’s holding it gently. Like a porcelain thing.

“You looked so worn out today,” puna niya habang nakatitig sa aking mga mata.

I smiled, “na-stress lang talaga ako sa ginawa ko kanina.” but he looks doubtful. I smiled more to assure him I am okay, even though… I’m not. “Hali ka na, you should treat me today because I am stress.”

Hindi siya nakinig hihilahin ko na sana siya nang maunahan niya akong hilahin para sa isang yakap. Mainit at naglalambing na yakap. I don’t know why but… it somehow… comforted me. His warmth is giving that… strange feeling. Na para bang matagal ko na itong hinahanap, matagal na akong nangungulila, at matagal ko nang pinapanangarap. His embrace.

Luscious Man Series 3: Danrev Blade MontilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon