KABANATA 16

122 4 0
                                    

Hindi ko na alam kung saan ako dinala ng mga paa ko. Hanggang sa tumingala ako sa isang gusali… kung saan alam kong may bukas na bar sa ganitong oras. Maaga pa. Tiningnan ko ang aking relo at nakitang ala-una pa lang at paniguradong kaunti pa lang ang pumupunta sa lugar na ito sa ganitong oras.

“Too early to be broken,” I whispered to myself before entering the premises.

Huminga ako nang malalim nang bumukas ang elevator at nasa tamang palapag na ako. Hindi nga ako nagkamali at kakaunti pa lang ang taong nag-iinom doon. Hindi ko alam kung saan ako pupwesto kahit na may mga bakanteng upuan naman. I chose to rent a VIP room for myself. Ayaw kong may makapansin sa akin doon. At kung makatulog man ay ayos lang dahil may room.

“This way, ma’am.” The waiter said before guiding me to one of the VIPs here. Pumasok ako roon at agad na um-order.

“I don’t know some specific liquor, but… can you give me three different hard liquor?” halata ang gulat sa mukha ng waiter pero tumango lang din nang makitang seryoso naman ako sa order ko.

I actually don’t look like a teenager, or a nineteen-year-old girl, because of my appearance and my long legs. I look like a full grown woman. Kaya madalas ay hindi na rin napapansin o nagtatanong kung ilang taon na ako. And because of the industry I am in, I knew how to dress up like other woman do. Simple lang ang suot ko pero hindi ako mapagkakamalang bata.

Nang mailapag ang order ko ay agad akong nagsalin no’n sa aking baso. Pagkalagok ko ay agad na bumalatay ang hapdi at anghang ng alak na ‘yon sa lalamunan ko.

But I still couldn’t forget what I’ve heard earlier. Pabalik-balik sa isipan ko lahat ng narinig ko.

Is that true? I was just a bet?

Pero… mukhang wala naman sa hitsura ni Blade na mangloloko siya ng babaeng… kagaya ko.

And Ranjay… magsasalita ba siya ng gano’n kung hindi niya talaga alam o hindi narinig? Hindi man lang itinanggi ni Blade ang sinabi nito. He was just silent and listening to whatever Ranjay’s saying.

I feel like it’s all true. That… I was just a bet.

Masyado ba akong tanga? Masyado ba akong desperada sa mga pinaggagawa ko? Para lang mapansin niya, ako na ang nanligaw. Para lang mapagbigyan niya, ako na ang nag-aaya sa kaniya ng date. Which is really weird, for me as a girl to court a guy, to ask him out, to desperately wait for him outside his school, to still pushed myself to him even if he doesn’t like me, that he’s always ignoring me.

Bakit nga ba ngayon ko lang napagtanto na… parang ang bilis nga naman. Na sa kabila ng mga ginawa ko sa ilang buwan, isang linggo lang akong hindi nagpakita sa kaniya no’n, biglang nagbago ang ihip ng hangin. He courted me.

“Ang tanga mo, Veatrice. Nauto ka.” I chuckled to myself. “Lagi ka na lang talo sa mga lalaki. Lagi ka na lang… naloloko.” Umiling ako at uminom muli.

Hindi ko alam kung ilang oras na ako roon, ang alam ko lang ay nakadalawang bote na ako ng alak. Medyo malalaki ‘yon pero naubos ko. Nasa pangatlong bote na ako at mulat na mulat pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit pero natutulala ako at iniisip ang lahat.

He doesn’t like me. He clearly said that to me from the very beginning. He said I’m not his type. Madaldal, maingay, makulit, modelo, maarte. After what I have said to him… sinabi ko na lahat sa kaniya, pero ganito pa rin ang kinalabasan: talo pa rin ako.

Huminga ako ng malalim at nakita ang pag-ilaw ng cellphone kong nakalapag sa ibabaw ng table. It’s his nth time call now. Wala akong sinagot sa mga tawag niya. I even read his message, pero hindi ako nag-reply. I let him do that.

Luscious Man Series 3: Danrev Blade MontilloWhere stories live. Discover now