Chapter 25: Craft Style Competion Tournament

4 0 0
                                    

(5 days after)

Aiden POV

Limang araw ang nag-daan at ngayon ang araw ng pag-alis namin para sa nasabing competition.

Ang bawat klase ay may kan’ya-kan’yang karwahe upang makarating saaming destinasyon.

Ang bawat isa saamin ay nakasuot nang pang-royal na damit nang eskuwelahan.

Kasama ko ang anim rito sa karwahe at may kan’ya-kan’yang ginagawa habang ako heto nakatanaw lang dito sa bintana upang hindi mabagot dahil sa haba ng biyahe.

“Puwede pa naman tayo mag-back out.” Sabi ni Clementine na bumasag sa katahimikan namamayani sa buong paligid namin.

Tiningnan namin ito bago kami binigyan ng simpleng ngiti.

Samantalang minabuti kong tumingin muli sa bintana at hindi na sila pinansin.

Maya-maya lamang ay agad huminto ang karwaheng sinasakyan naming lahat kaya nabalik ako sa reyalidad.

“What happened?” Takang tanong ko.

Nag-kibitbalikat sila dahil sa tanong ko bago nag-pasyang bumaba kaming lahat upang tingnan kung bakit kami huminto.

Doon namin nakita na nandirito na pala kami at namangha kami ng makita ang malaking Arena at kita ang logo na C.S.C.T.

Agad kaming pinapila at kita kong ang dami rin palang sumali sa nasabing palaro.

Nang makapasok ay agad rin kaming pinaupo habang ang nasabing entablado ay nasa ibaba bale kung titingnan mo ay pataas ang mga upuan sa nasabing arena.

Nang makita ko na nakaupo na ang lahat ay agad kong nakita ang isang nilalang na umakyat sa nasabing entablado sa ibaba.

Babae ito ang mukha ay pusa habang ang katawan ay tao may buntot rin ito ng pusa nakadamit rin ito ng pambabaeng damit.

Bago niya itinapat ang mikropono sa bibig niya bago ito nag-salita. “Good day to all students in different Academys!”

“Ahhhh!!”

“Woahhh!!”

Sigawan ng lahat.

Itinaas nito ang kanang kamay nito sa ere bago muling nag-salita. “Para sa mga manlalaro ng C.S.C.T bawat isa sainyo ay sasabak muna sa ating evaluation or kung sino ang inyong magiging katunggali sa ating nasabing palaro ay may sampung bahagi ang bawat manlalaro na matitira sa huling bahagi ng ating palaro ay sila ang mag-lalaban-laban at ang bawat manlalaro na makikitang nakatayo sa nasabing laban ay siyang panalo!” Paliwanag nito saaming lahat.

“Ako si Misha, ang inyong magiging referee sa nasabing laro!” Pag-papakilala nito sa kan’yang sarili.

Nakita naming lumutang ito sa ere bago bumaba sa nasabing entablado.

May isang plat-screen TV ang nag-pakita sa i-taas bago ko nakita ang isa pang pusa na tulad sa nauna ay gano‘n rin ang tisura ngunit mag-kaiba ang kanilang suot.

“Salamat Misha! Good day students! Ako ang inyong mahal na MC sa nasabing palaro ang aking pangalan ay si Kezha! Good luck sa mga manlalaro na sasalang! Back to you, Misha!” Saad nung Kezha.

Muling tumaas sa entablado si Misha at muling nag-salita. “Sa bawat bahagi ay limang manlalaro ang mag-lalaban ang isang manlalarong makitang nakatayo ang siyang panalo at makakasali sa huling bahagi.” Paliwanag nito saamin.

“Para sa unang bahagi sila ang unang mag-lalaro!” Ani ni Misha bago itaas ang kanang kamay papunta sa plat-screen TV bago nag-rambol-rambol.

Ang bawat isa ay kinakabahan at nakatuon lamang sa ilalabas nang nasabing screen ng TV.

“Ting!”

Sa kanang bahagi ng screen ay isang babae estudyante mula sa Winter Academy at mukhang Class-S ang nasabing babae na agad ikinasigaw ng paaralan ng nasabing babae.

Habang ang kanang bahagi ng screen ay hindi parin tumitigil kung sino ang makakalaban nito.

Agad tumaas ang nasabing estudyanteng babae sa entablado na may ngisi sa kan’yang labi.

“Bago natin malaman ang magiging kalaban niya ay ating binabati ang bawat royalties na nandirito rin at manunuod. Ang buong Galvez, Velasco, Jimenez at iba pa!”

Nag-palakpakan naman ang lahat at doon ko muling nakita ang Tito nina Liam at Clementine kahit sina Mom nandirito rin.

“Ting!”

Nakita kung sino ang makakalaban nito and to my surprise it's me.

Napalingon naman ang mga kasama ko sa akin.

“Mula sa Griffinlor Academy!” Saad ni Misha sa mikropono.

Agad akong tumayo bago bumaba upang pumunta sa entablado.

“Tapusin ang batang ‘yan!”

“Class-S!!”

“Booo! Matatalo ka lang!!”

Iyan lang ang mga naririnig ko sa ibang manonood.

Nang makarating ako sa entablado ay lumapit saamin si Misha bago humarap sa buong paligid habang kami ng babae ay nakatingin sa isa‘t isa.

“Mula sa Winter Academy ang mag-lalaro ay si Bianca ang estudyanteng Class-S habang sa aking kanang bahagi ay mula sa Griffinlor Academy na si Aiden!”

“Ready na ba ang lahat?”

“Whoaahhhh!!”

“Simulan na!” Sabi ni Misha bago umangat sa ere at iwan kami.

Hindi matanggal-tanggal ang ngisi nitong Bianca sa kan’yang labi.

Bago nag-iba ang itsura nito mula sa magandang babae ay naging pangit ito habang ang maganda nitong ngipin ay naging matutulis gano‘n rin ang mga kuko nito.

Mabilis itong nag-laho bago sumulpot sa aking likuran.

“Katapusan mo na!” Sigaw nito sa pangit nitong boses bago subukan niyang itarak ang matutulis nitong kuko sa aking likuran.

Inangat ko ang kanang kamay ko nang kaunti habang nakatalikod sa kan’ya ngunit agad lumiwanag ang suot kong porselas na kulay pula.

“Aaaahhhh!!” Sigaw nito dahil sa sakit at hinawakan ang mga mata nito.

Bago ako nag-palit nang kulay ng mga mata ko bago humarap at sipain ito dahilan upang tumalsik ito.

“Naku! Nakita n’yo ba ‘yun mga kaibigan! Para bang prinotektahan siya nito ng nasabing liwanag ng porselas na suot niya!” Wika ni Kezha ang MC nang nasabing plaro.

Kahit ang mga manunuod ay nagulat rin din ang mga ito dahil sa nakita.

Sumugod ulit ito bago ko nilabas ang totoong anyo ko na ikinagulat nang lahat.

“He's a dominant alpha!”

“O.M.G!”

Sigaw ng lahat nang mga manunuod.

Mabilis rin akong sumugod bago itinarak ang kamay ko sa dibdib nang babae na ikinasinghap nang lahat.

Agad nag-bago ang itsura nito sa isang magandang babae bago lumabas sa bibig nito ang pulang likido.

Hinugot ko rin ang kamay kong nakabaon sa dibdib nito bago ako bumalik sa dati ko ring itsura.

Lumapit si Misha saamin na nanginginig.

“A-Ahmm.. a-ang nanalo sa unang bahagi ay si Aiden mula sa paaralang Griffinlor Academy!”

“Wooaahhh!”

Namulsa muna ako bago bumaba sa entablado at muling bumalik sa aking upuan.

Sa bawat bahagi ng palaro ay isinalang ang iba pa.

Nang makarating kaming lahat sa huling bahagi ng palaro ay tanging si Tyler ang nanalo at nakakuha sa nasabing premyo ng laro.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 04 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Moon Light (Moon Trilogy 3) {BL} [On-going]Where stories live. Discover now