Chapter 4: Mall

5 0 0
                                    

Aiden POV

Napag-kasunduan naming lahat na mag-mo-mall para sa pag-bili ng mga gagamitin namin sa pag-gawa ng project.

Pinayagan naman kami ng parents namin basta raw ay ‘wag papagabi.

Nandirito kami sa department store ng Mall upang bumili ng mga isusuot namin.

Pag-katapos ay agad rin namin itong binayaran sa counter ng Mall.

“Bale ₱3, 543 po lahat.” Sabi ng babaeng cashier saamin.

Agad naman naming binigay ang mga ambag namin at si Liam ang nag-abot nang bayad sa nasabing kahera.

Pag-labas namin ng department store ay nag-kayayaan kaming kumain sa isang food chain dito sa Mall.

Nang makaupo ay agad namang nag order si Liam kasama ni Clementine nalaman kong mag-kapatid pala sila.

Kami namang tatlo ang naiwan sa table habang inaantay ang dalawa na bumalik.

Hindi naman nag-tagal ay dumating ang dalawa at may bitbit na dalawang tray ng pag-kain bago kami nag-salo-salo.

Nag-kuwentuhan pa silang apat habang ako ay nakikinig lamang sa kanila at hindi na sumali.

Pag-katapos naming kumain ay nag-kayayaan na mag-ikot-ikot hindi rin nila pinalagpas ang pag-sho-shopping, mag-laro sa time zone at manuod nang cine kahit papaano ay nag-enjoy ako na kasama ang mag-kapatid na Galvez.

Doon ko lalong nakilala ang ugali nila makukulit pala at masayahi ang dalawa pero kahit ganoon ay hindi ko pa muna kayang ibigay ang tiwala kahit 1 year na kami dito sa mundong ito.

Maya-maya lamang ay huminto ang karwaheng sinasakyan naming lima at doon ko lang napansin na nandirito na kami sa tapat ng gate ng palasyo kaya naman ay bumaba na kaming tatlo habang ang mag-kapatid na Galvez ay naiwan sa loob nang karwahe.

“Oh, paano? Ipasusundo na lamang namin ulit kayo tomorrow para sa bahay nalang namin tayo gumawa?” Si Liam iyon na nag-tanong pa.

“Sure! Mag-papaalam ulit kami.” Si Daph ang sumagot habang kami ni Dash ay tahimik lamang habang bitbit ang mga pinamili namin.

“Bye!” Turan ni Clementine saaming tatlo habang kumakaway.

“Ingat rin.” Saad ni Daph bago kumaway rin.

Tinanaw namin ang karwaheng papalayo saaming puwesto bago tumalikod at pumasok sa gate ng palasyo na pinag-buksan ng dalawang guwardiya na nag-babantay dito.

Pag-pasok ay agad kaming sinalubong nina Mommy at Auntie Michael bago nag-kuwento si Daphne ng mga nang-yari buong araw sa Mall.

Agad naman akong nag-paalam na tataas na upang mag-pahinga dahil feeling ko ‘y napagod ako sa buong araw na ito.

Hindi ko na hinintay ang sagot nila bago pumanhik sa i-taas.

Wala namang nagawa ang mag-kapatid na Velasco lalo na ang pinsan nito dahil doon.

Sanay na sila sa ugali nito kaya nakakaramdam ng pangamba si Calvin dahil hindi man lang nakikipag-socialize ang anak sa ibang tao.

Tanging pag-kulong sa kuwarto at pag-babasa ng libro ang alam nito sa buong araw.

Lalabas lamang ito kung kakain or kukulitin siya ng kambal na makipag-laro sa kanila.

Kaya kahit ang buong tao sa palasyo ay kilala na ito at sanay na sila sa ugali ng bata.

Pag-sapit nang gabi ay nandirito kaming lahat ngayon sa dinning area habang walang kasawaang kinuwento ni Daph ang mga nang-yari saaming tatlo sa Mall kasama ang aming kaklase.

“Mommy, tomorrow po aalis ulit kami para gumawa na ng project sa bahay nina Tin.” Sabi ni Daph sa kan’yang ina na tatango-tango lamang sa sinabi nito.

“Basta behave lang kayo doon.”

“Opo!”

Teka, kailan pa naging Tin ang tawag niya sa babaeng iyon?

“Kayo ba ang pupunta doon?” Pag-tatanong ni Mom dito.

Umiling muna si Daph bago sumagot. “No po Tita. Actually po susunduin po ulit kami.”

“Basta enjoy yourself mga apo.” Lola said to us.

Tumayo ako dahilan upang sa akin tumingin ang lahat.

“I'm full. Good night everyone.” Ani ko bago halikan sa pisngi ang lahat except sa kambal bago umalis sa dinning area.

Walang nagawa ang lahat dahil sa inasal ni Aiden.

Tinanaw na lamang ni Calvin kung saan lumabas ang anak.

Moon Light (Moon Trilogy 3) {BL} [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon