Chapter 15: Questions

2 0 0
                                    

Calvin POV

Pag-katapos kumain ng hapunan ay minabuti kong puntahan ang aking anak sa silid nito ngayon lang kase niya ginawa ang hindi sumabay saaming hapunan kaya kinausap rin ako ni Mommy na kausapin ko ang anak ko dahil rin sa nag-sumbong ang kambal saamin.

Nang makarating ako sa tapat nang kan’yang pinto ang mahina akong kumatok bago ko narinig ang sagot nito.

“Bukas ‘yan.”

Dahan-dahan naman akong sumilip gamit ang aking ulo at nakita kong bukas parin ang ilaw nito bago ko nakitang dahan-dahan itong umupo sa kan’yang kama.

Pumasok ako bago isinara ang pinto ‘tsaka lumapit sa kinaroroonan niya pag-katapos ay umupo sa gilid nang kan’yang kama.

“Matutulog ka na ba?” Tanong ko rito.

Umiling muna ito bago ako sagutin. “No. Hindi pa po kase ako inaantok.”

Marahan akong tumango at tipid na ngumiti sa kan’ya.

Kita ko sa mga mata nito ang lungkot at para bang may gusto itong sabihin ngunit para bang ayaw nitong pangunahan ang kung anomang sasabihin ko.

“May problema ba? Nasabi kase ng kambal na tahimik ka raw ng maka-uwi kayo tapos nag-pahatid ka lang ng pag-kain mo.”

Nakita kong nag-aalinlangan ito kaya naman ay hinawakan ko ang kamay nito.

“Anak, kung may sasabihin ka man o problema ‘wag kang matatakot mag-sabi o mag-kuwento sa akin nandirito ako para makinig.” Muli kong saad sa kan’ya.

Bumuntong hininga muna ito bago ako sulyapan at muling ibuka ang bibig nito.

“Mom,”

“Hmm? Ano yun?”

“P-Paano po ako nabuo?” Nautal pa ito bago nag-baba ng tingin.

“Kase po.. sabi po ni Sir John kaya kami nabuo kung ang lalaking dominant alpha/Alpha at ang babaeng o lalaking Omega na mag-asawa ay nag-talik doon po kami mabubuo.” Paliwanag nito.

So, ang adviser ko dati ay guro rin pala niya at science teacher rin pala nila.

“So, may D-Daddy po ako?” Pag-tatanong nito.

Ito na nga bang kinatatakot ko ang dumating ang bagay na itatanong nito sa akin ang tungkol sa kan’yang ama.

“Aiden, anak—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng muli itong mag-salita.

“Sorry po kung itinanong ko ang bagay na yun Mommy. Hindi na po mauulit.” Nakayukong saad nito bago hinimas ang buhok niya.

“Bakit naman ako magagalit?” Tanong ko na ikinatingala nito at nag-tatakang tumingin sa akin.

“May karapatan kang itanong ang bagay patungkol sa iyong ama at hindi ako hahandalang kung kasiyahan mo ang kapalit no‘n.” Pag-papaliwanag ko rito.

“Really.” Ani nito at nakita ko ang excitement sa boses niya.

Ngumiti ako bago tumango.

Tinanggal ko ang porselas na suot ko sa kanang kamay ko bago isinuot ito sa kan’ya.

Taka ako nitong tiningnan kaya naman ay agad kong ipinaliwanag ang bagay na yun.

“Iyan ang bagay na ibinigay ng Daddy mo sa akin.”

“Asan po siya? Bakit hindi natin siya kasama?” Sunod-sunod nitong tanong sa akin.

“Sa pag-ibig hindi palaging masaya lahat at may kaakibat na problema at pag-subok pero sa kaso namin ng Daddy mo siguro may mga bagay na hindi para saamin.” Ani ko siguro ay may panahon upang sabihin sa kan’ya ang lahat.

“Tanda n’yo parin ba ang itsura niya? O kahit pangalan niya?”

Ngumiti ako at tiningnan ang anak ko.

“Oo.” Maikling sagot ko bago pinag-masdan ang mukha nito na para bang kaharap ko lamang siya ngayon.

Ngumiti ito sa akin.

“Maaari ko po bang malaman ang name niya Mommy?” Muling tanong nito sa akin.

Niyakap ko muna ang aking anak bago tumingin sa bintana nito at kita ang maraming bituin sa langit.

“His name is.. Zayden Eli Cortez Galvez.”

Mabilis siyang humiwalay sa akin na may gulat sa kan’yang mga mata.

“Galvez?” Takang tanong nito.

Ngumiti ako kasabay ng panunubig ng gilid nang aking mga mata.

“Nung araw na iyon at alam kong muli kayong nag-kita. Aiden hindi kita pipigilan makilala siya... may karapatan ka at may karapatan rin siya sa‘yo.” Wika ko habang tahimik na lumuluha.

Mabilis niya akong niyakap at rinig ko ang mga munti niyang hikbi.

Sorry dahil lumaki kang hindi siya nakilala.

Pag-katapos noon ay sinamahan ko siyang matulog habang nakayakap sa isa‘t isa.

Tiningnan ko ang natutulog kong anak at mahinang sinuklay ang buhok nito.

Gagawin ni mommy ang lahat kung kasiyahan mo naman ang kapalit nito.

“Pangako.” Bulong ko sa hangin bago halikan ang noo niya at saka ko pinatay ang ilaw at binuksan ang lamp shade na nakapatong sa drawer nito sa gilid nang kan’yang kama bago muling tabihan ito at pinikit ang aking mga mata.

Bago hinayaan ang sarili kong lamunin ng kadiliman.

Moon Light (Moon Trilogy 3) {BL} [On-going]Where stories live. Discover now