Chapter 10: Chocolates

2 0 0
                                    

Aiden POV

Tatlong linggo na ang lumipas at sa tatlong linggong iyon ay mas nakilala ko ng husto ang aking mga kaklase lalo na si Tyler.

Marami na rin akong alam na ayaw at gusto nito na tulad sa akin ay gano‘n rin naman minsan pa nga ay hindi na kami napapag-hiwalay na dalawa.

Madalas rin itong tumambay sa palasyo o kaya minsan ay doon na rin natutulog at kumakain minsan pa nga napag-kakamalan siyang kapatid ko ng ibang tao rito sa school na ikinasisimangot nang binata.

Abala ang lahat sa araw na ito dahil kahit sino naman ay pinag-hahandaan ang araw ng mga puso.

Yes.

February 14 ngayon at ang buong Griffinlor Academy ay busy ngayon at ang buong paligid ay puno ng makukulay na bandiritas at ang bawat estudyante ay nakasuot nang colored coding na uniform meron ring mga booths na puwede mong salihan kasama ang mga importanteng tao sa buhay mo.

Ang lahat ay nandirito sa room habang ang mga mesa ay may mga bundok nang chocolates na ibinibigay ng mga kapwa estudyante namin at bonus na lang kung may mag-tatapat nang feelings sa mga taong nagugustuhan o nag-kakagusto sa‘yo.

Ako lang ata saamin ang malinis na mesa sa lahat kahit kasi ang kambal na katabi ko ngayon ay busy sa pag-kain ng chocolates.

Busy ako sa pag-babasa ng bigla namang may pumasok saaming room na ikinatigil at ikinatingala ko upang makita kung sino iyon.

“Naks, iba ka talaga Ler! Dami mong chicks.” Si Alexander iyon kasunod ang taong may bitbit nang hindi mabilang na chokolate sa kan’yang dalawang braso.

“Tama si Xander, pre. Ito pa nga yung iba oh.” Singit ni Hedrix na kasunod lang niya sa pag-pasok.

Nakita kong sumimangot ito dahil sa mga bully ng kan’yang mga kaibigan.

“Excuse me,”

Napalingon kaming lahat nang may mag-salita kung saan pumasok ang grupo nina Tyler.

Dalawang estudyanteng babae ito bago pumasok saaming classroom at nilapitan ang puwesto nina Tyler na nasa unahan sa may pisara nasa gitna kasi sila.

Yumuko ang ulo ng babae bago ibinigay sa kan’ya ang isang hindi kalakihang kahon na kulay pula na may pink na laso bago ito nag-salita. “Tyler Zane Cardinez Alegre! I like you!”

Naging tahimik ang buong paligid dahil roon hindi gumalaw ang babae habang ang kasama nito ay nag-hihintay rin ng tugon ng binata.

Rinig ko naman ang impit na tili ni Daph na katabi ko lamang para bang nanunuod lamang siya ng isang love story ng isang movie ng dalawang mag-kasintahan.

Isinara ko ng mabilis ang librong gamit ko sa aking kanang kamay bago tumayo sa aking kinauupuan na siyang nag-likha ng ingay na bumasag sa katahimikan namamayani sa loob nang silid upang sa akin mapunta ang tingin ng lahat.

“What' wrong Aiden?” Takang tanong ni Daph sa akin.

“Nothing.”

Bago ako umalis upang lumabas sa isa pang pinto sa likuran upang lumabas ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalabas nang mag-tanong muli si Daph.

“Saan ka pupunta?”

“Some where,” maikling tugon ko bago tuluyang lumabas.

Habang tinatahak ang hallway ay kita ang mga estudyanteng hindi mawala-wala ang mga ngiti sa labi dahil sa kakaibang kasiyahan ngayong araw.

Samantalang ako feeling ko boring ang araw na ‘to at nag-sisisi pa ako kung bakit pa ako pumasok.

Nakarating ako sa likod nang isang building kung saan madalas kaming tumambay ni Tyler dahil sa tahimik ang lugar na ito at hindi naman nadadaanan ng tao.

Mukhang kami nga lang dalawa ang nakaka-alam nang lugar na ito.

Muli kong binuksan ang librong hawak ko bago pinag-patuloy ang pag-babasa nito.

Nasa kalagitnaan ako ng may aninong humarang roon kaya naman ay napahinto ako bago maliit na ngiti ang sumilay sa labi ko at tingalain ang taong iyon.

Kahit hindi ko naman gawin ay alam ko kung sino ‘yun pero agad rin nag-laho ang ngiting naka-paskil sa labi ko ng hindi ang taong iyon ang inaasahan ko.

“Greyson?” Takang ani ko.

“Hi, Den-den.” Bati niya ng may maaliwalas na ngiti sa kan’yang labi.

Umupo ito sa tabi ko bago ko ibinalik ang tingin sa librong binabasa ko.

Wala pa ako sa kalahati ng kuwentong binabasa ko ng may isang kamay ang humarang doon na may hawak nang isang kahon na hindi naman kalakiha na may kulay light blue at pula naman ang lasong nakatali rito.

Nilingon ko siya na may pag-tataka bago muling tiningnan ang bagay na hawak nito.

Unti-unti kong kinuha iyon kasabay ng isang malambot na bagay ang aking naramdamang dumapo sa aking kaliwang pisngi na siyang ikinatigil ko rin.

Maya-maya lamang ay humiwalay iyon bago ko siya haraping muli.

“H-Happy Valentine's Day, Den-den.” Saad niya ng may maliit na ngiting nakatingin sa akin bago nag-baba ng tingin kasabay ng isang malalim na buntong hininga.

“Gusto kong lang sabihin na... I like you. No, I want to tell you that.. I love you, Aiden.” Turan niya habang seryosong nakatingin sa akin.

Ngumiti ulit ito.

“I don't know kung saan at paano nag-simula maybe yung una nating pag-kikita, pag-uusap... itong nararamdaman ko para sa‘yo hindi ko alam kung kailan nag-simula kung paano kita nagustuhan. Den-den, i swear, p-pinilit kong pigilan pero wala eh.. sa mga linggong nag-daan pinilit kong takasan kung ano nga bang nang-yayari sa akin pero one day gumising na lang akong.. mahal na kita. Gusto ko na palagi kitang nakikita, nakakausap.” Paliwanag nito sa akin.

Habang sa isang sementong pader ay may binatang nakasandal roon at sa kanang kamay nito ang isang kahon na hugis puso na may kulay pula gano‘n rin ang laso nito habang nakikinig sa dalawang taong nag-uusap at maingat na umalis bago ibulsa ang hawak nitong kahon.

Nang makarating sa silid ay agad naman lumabas ang binatang si Alexander ng makita siya.

“Ler,”

Tumingala ang binatang bagong dating ng marinig nito ang pangalan.

Nilapitan naman siya ng taong tumawag sa kan’ya bago siya nito inakbayan.

“Saan ka ba nag-punta Tyler? Kanina pa kaya namin ikaw hinahanap nga pala may mga bagong chocolate na naman ang dumating para sa‘yo.”

“Kayo na lang ang kumain.” Walang ganang sagot nito sa kausap.

Agad namang lumabas nang room si Hedrix na nakasalubong pa ang binatang hindi man lang siya binati bago nilapitan si Alexander.

“Huy, anong nang-yari doon?”

Nag-kibit balikat naman ito bago sinagot ang kaibigan. “Ewan ko nga  eh kung anong nang-yari ro‘n?”

Pati ang dalawa ay nag-taka sa inasal nang binata dahil ngayon lamang nila itong nakitang naging ganoon.

Moon Light (Moon Trilogy 3) {BL} [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon