Chapter 13: We meet again (part 2)

1 0 0
                                    

Aiden POV

Dalawang araw ang naging pahinga ko at dahil Sabado ngayon at walang pasok ay napag-kasunduan namin na puntahan ulit sa palasyo ang mag-kapatid na Galvez na agad rin kaming pinayagan.

Nandirito kaming lima sa garden ng palasyo habang nag-ku-kuwentuhan ng makaramdam ako na maiihi kaya agad akong nag-paalam bago ibinigay ni Liam ang direksiyon ng Cr rito sa kanilang palasyo.

Nang makapasok sa palasyo ay may nakasalubong akong damang babae na pinag-tanungan ko kung saan ang Cr nang palasyo na agad naman akong sinamahan bago iwan.

“Flash!”

Pag-katapos kong mag-bawas ay agad rin akong nag-tungo sa sink upang mag-hugas nang kamay.

Inayos ko rin ang damit ko bago lumabas nang may mabunggo ako ng ikina-out of balance ko bago pumikit dahil alam kong tutumba ako.

Naramdaman kong may humawak sa kanang palapulsuhan ko upang hindi ako tuluyang matumba.

Agad kong idinilat ang aking paningin ng mag-tagpo ang kulay itim naming mga mata ng taong iyon.

Doon ko lang na pag-masdan ang kabuoang mukha ng taong iyon.

Ang pag-kakaalam ko‘y pangalawang kapatid ito ng ama nina Liam bale Tito nila.

Inayos ko ang aking pag-tayo bago yumuko ng kaunti upang mag-bigay galang rito at muling tingnan ito.

“Sorry po.” Seryosong pag-hingi ko ng paumanhin rito.

Yumuko ito ng kaunti upang mag-pantay kami.

Doon ko lang natitigan ng maayos ang kabuoang mukha nito at doon ko lang nakita na para bang kaharap ko lang ang aking sarili sa salamin.

Maingat niyang dinala ang kamay nito sa aking pisngi.

“Ano nga palang pangalan mo ulit?” Malumanay nitong pag-tatanong sa akin.

Hindi ko magawang maging malamig sa taong kaharap ko kahit pangalawang pag-kikita at unang pag-uusap namin ito ay sobrang gaan ng pakiramdam ko sa kan’ya para bang ligtas ako sa bisig niya.

“Aiden. Aiden Cassius Velasco po.”

Nakita kong lumambot ang tingin nito at may munting ngiti ang sumilay sa labi nito.

“M-Maaari bang mayakap ka?” Tanong nito na para bang humihingi ng permiso.

Sa hindi malamang dahilan ay tanging pag-tango na lamang ang ginawa ko bago ko naramdaman na magaan niya akong niyakap.

Habang nasa gano‘ng sitwasyon ang dalawa ay may lihim na nakamasid sa kanilang dalawa isang lalaki at isang babae na mukhang masaya sa kanilang nakikita.

Tinugunan naman ni Aiden ang yakap nang taong iyon at hindi nito pansin na lumuluha na pala ang taong kayakap niya.

Nang bumitaw ang dalawa ay mabilis na pinahid nito ang parte ng kan’yang mata na ipinag-taka ko.

Napansin naman niya iyon bago mabilis akong ngitian.

Kita sa itim nitong mga mata ang kasiyahan at pangungulila na ipinag-taka ko naman.

Para saan naman kaya ang mga emosyon na ipinakita nito.

“Sige na, ba ka hinahanap ka na nila.” Ani nito na tinanguan ko na lang bago siya lagpasan pero muli ko pa itong nilingon na nakatanaw lamang sa akin kaya naman ay muli kong ipinag-patuloy ang pag-alis roon.

“Buti naman at dumating ka na.”

Nag-taka ako ng iyon ang ibinungad ni Daph sa akin.

Hindi ba niya narinig na nag-paalam ako?

“ ‘Di ba? Nag-paalam naman ako sa inyo?” Takang tanong ko rito.

“Oo nga pero nakatatlong oras ka kaya. Ano bang pag-ihi ginawa mo?” Tanong pa ni Daph.

“Akala nga namin na flash ka na eh.” Si Clementine naman ang nag-salita.

“Sorry, naligaw pa kase ako.” Pag-sisinungaling ko sa kanila.

“What?!” Sabay-sabay nilang hirit ngunit tanging si Dash lamang ang hindi kumibo at nakatingin lamang sa akin ng seryoso.

“Pinaliwanag ko naman, ah?” Wika ni Liam sa akin.

“Ang laki kasi ng palasyo n’yo.”

“Wow! Nahiya naman yung palasyo natin insan.” Si Daph iyon bago ako taasan ng isang kilay.

Kibit balikat na lamang ang itinugon ko sa kan’ya dahil kung sasagot pa ako ay hahaba pa ang lahat hindi pa naman ito nag-papatalo.

Inabala ko na lang ang sarili sa pag-kain na naririto bago muli kong naalala ang taong iyon.

Sayang naman at hindi ko man lang naitanong ang pangalan niya siguro naman ay may pag-kakataon naman na makilala ko ulit siya.

Sa hindi malamang dahilan ay maliit akong napangiti.

“Hoy! Anong ngiti iyan? Bago ‘yan, ah!”

Na wala iyon bago nilingon si Daphne na hinampas pa ang aking balikat.

“What? Me? Nakangiti? Sinong nakangiti? Ba ka namalikmata ka lang, Daph.” Ako.

“Dash! ‘Di ba nakita mo rin!? Kayo? Ngumiti siya, right?” Ani pa nito sa tatlo.

Nag-sitanguan naman ang mga ito bago tumingin sa akin.

Shit!

Bakit kasi ngumingiti ka?!

“Tsk!”

“I can't believe this! Ngumingiti ang pinsan ko!” Masayang sigaw pa nito bago niyakap si Dash na ngumiti sa gawi ko.

Mabilis akong umiwas nang tingin sa mga ito ng maramdaman kong uminit na naman ang pisngi ko.

Moon Light (Moon Trilogy 3) {BL} [On-going]Where stories live. Discover now