Chapter 7: Can you be my best friend?

2 0 0
                                    

Aiden POV

Nang makapasok kaming tatlo sa classroom ay agad namang lumapit si Ariana saamin bago itanong ang nang-yari saamin sa Delan Kingdom.

So? Nakarating na pala sa kanilang lahat ang nang-yari kahapon saamin doon.

Nauna na lamang akong pumunta sa aking upan at iniwan ang kambal sa harap nang pisara kasama ang mga kaklase namin na tinatanong sila.

Mas minabuti kong tumingin na lamang sa bintana at pag-masdan ang mga estudyanteng parang langgam na nag-lalakad sa ibaba ng may tumabi sa akin pero hindi ko yun nilingon dahil sure akong si Daph iyon.

“Ai,”

Nangunot ang aking noo ng marinig kong tinawag niya akong ‘Ai’ na ipinag-taka ko.

Kailan pa niya ako tinawag na gano‘n?

Nilingon ko ito ng nakakunot noo at doon ko lang na pag-tantong she's not Daphne.

“Tyler.” Bulong ko sapat upang marinig niya dahilan upang makita ko ang maganda nitong ngiti.

Wait? What did I say?

“Ikaw lang ata saatin ang hindi nakikihalubilo samantalang tingnan mo sila nag-kukuwentuhan pero ikaw nandito sa likod nag-iisa.” Saad niya bago nilingon ang lahat na nasa harapan at nag-tatawanan while us nandirito lamang sa likod bago niya ibalik sa akin ang tingin.

“I don't like to socialize to others.” Malamig at seryoso kong turan dito bago ibalik sa bintana ang tingin.

“Kung gano‘n... can you be my best friend?” Pag-tatanong nitong muli sa akin.

“Tulad nang sinabi ko sa‘yo noon. Don't waste your time for me.” Sagot ko ng hindi nababago ang ayos ko mula kanina.

“I know, iyan parin ang isasagot mo sa akin pero hindi ako yung tipo ng taong susuko na lang basta-basta makuha lang yung tiwala mo.” Turan nito at mahihimigan ang determinasyon nito sa boses.

Walang emosyon ko itong nilingon ng makita kong nakangiti ito sa akin.

“Ikaw ang bahala basta binalaan na kita.” Malamig kong tugon sa kan’ya bago muling ibaling ang tingin sa bintanang katabi ko.

“Guys! Listen!”

Napalingon ako bigla sa harapan at doon ko nakitang nakatayo sa gitna si Ariana.

“Wala tayong teacher ngayon dahil may biglaang emergency meeting raw sila.” Anunsiyo nito saamin.

“So, buong mag-haon walang klase?” Pag-tatanong nung Levon kay Ariana.

Masayang tumango naman ang babae rito.

“Yown!” Hiyaw bigla ni Allison at nakipag-apir pa doon kay Savannah.

“Edi, puwedeng gumala?” Tanong naman ni Alexander na napatayo pa.

“Kayo bahala. Pero gano‘n parin uwian natin.” Sagot at paliwanag ni Ariana dito.

“Edi ayos! Tara na!” Sabat naman nung Leandro bago hinila si Zane.

“Hoy, Ler! Tara gala!” Si Levon iyon bago tumingin sa gawi namin.

Pansin kong ayaw sumama nito pero mukhang napilitan bago ito tumayo sa tabi ko at sumama sa kanila bago lumabas nang classroom namin.

Ang iba ay nag-silabasan na rin at nag-kan’ya-kan’ya na.

Maya-maya lamang ay lumapit ang kambal kasama ang mag-kapatid na Galvez.

“Aiden, tara labas rin tayo.” Aya sa akin ni Daph.

Wala akong nagawa dahil hindi ako titigilan nito.

Habang tinatahak namin ang hallway ay tanging ang apat na kasama ko lamang ang nag-ku-kuwentuhan habang nakasunod lamang ako sa kanila.

Hindi lang naman kami ang nasa labas meron rin mga estudyanteng kasabayan namin dahil nga walang mga teacher na mag-tuturo ay kabila‘t kanan ang mga estudyanteng nadaraanan namin.

Sa hindi inaasahan ay bigla na lamang akong may nabangga na kung ano dahilan upang mapaupo ako sa sementong sahig.

“Sorry,” rinig kong pag-hingi ng paumanhin nito sa akin bago ko nakitang inilahad nito ang kamay na tinanggap ko naman at tinulungan akong i-tayo.

Doon ko nakitang lalaki ito.

He's a brown side part hair na binagayan ng color olive green asian eyes habang ang mukha nitong v-triangle shape he's eyebrows is soft arch then his  a reddish heart shaped lips hindi rin nag-pahuli ang hugis aquiline nitong ilong samantalang her skin color is warm porcelain.

“Aiden! Okay ka lang?” Ani ni Daph at sinipat ako.

“I'm okay.” Seryoso kong tugon.

“Sorry again. By the way, I'm Greyson Kai Valencia Pascual and I am 18 years old.” Pag-papakilala nito sa akin bago ilahad ang kamay na tiningnan ko.

“Aiden. Aiden Cassius Velasco.” Pag-papakilala ko rin bago tinanggap ang kamay nito na nasa ere parin bago bawiin iyon.

Napansin kong tumingin ito sa aking likod.

“Kayo pala ‘yan Liam at Tin-tin.” Ani nito.

So, kilala niya ang mag-kapatid na ‘to?

“Hi, Reyson!” Si Clementine ito at tanging ngiti lamang ang natanggap niya kay Liam.

Tumingin ito sa kambal na siyang nag-pakilala naman.

“Daphne Rose Velasco and this is my twin Dashiell Ace Velasco.” Si Daph ang nag-pakilala sa kanilang dalawa.

Agad naman niyang inilipat sa akin ang tingin bago sa kambal.

“We're cousins.” Maikling sagot ni Dash kay Greyson na tatango-tango lamang saamin.

Ngunit agad kong naibaling sa ibang direksiyon ang aking tingin ng mag-tagpo ang mga mata namin ni Tyler sa ‘di kalayuan kasama sina Leandro.

Doon ko nakita sa mga mata nito ang iba‘t ibang emosyon bago ito tumalikod at umalis palayo na ipinag-taka ng mga kasama nito at agad sinundan.

Hindi ko alam pero may parte sa akin na gusto ko siyang sundan at mag-paliwanag pero para saan?

“Sige, aalis na ako its nice to meet you. Den-den.”

Napalingon ako dito ay nakakunot noo dahil sa itinawag nito sa akin.

“Ang haba kase kung Aiden ang itatawag ko sa‘yo at sure akong iyan ang tawag ng iba sa‘yo kaya para maiba naman.” Paliwanag nito bago kumamot sa kan’yang ulo bago umalis.

“Oh, tara na sa garden guys.” Biglaang sabat ni Liam saamin.

Hinila na lamang ako ni Daphne na agad ko na lang pinabayaan dahil wala naman akong magagawa.

Nang makarating ay agad kaming umupo sa isang bench dito at ibinaba ang aming mga gamit bago ibinaba nila ang mga pag-kain na binili nila kanina sa cafeteria bago kami pumunta dito.

Hinayaan kong mag-kuwentuhan silang apat habang ako heto ay nag-babasa ng libro habang kumakain.

“Uy! Join ka naman saamin.” Si Clementine ang kumuha sa atensiyon ko dahilan upang tingnan ko siya ng seryoso bago ito naiilang na ngumiti sa akin.

“Oo nga naman Aiden!” Sabat naman ni Daph.

“Sumama na nga ako at nag-dedeman pa kayo.”

Ngumuso na lamang ang dalawa habang tumawa na lamang si Liam dahil doon ngunit tahimik lamang si Dash na nakatingin sa akin.

Ibinalik ko naman ang tingin sa librong hawak ko at pinag-patuloy ang pag-babasa nito at hindi na sila pinansin pa.

Moon Light (Moon Trilogy 3) {BL} [On-going]Where stories live. Discover now