Chapter 1: First Day Of School

10 1 0
                                    

(1 year after)

Calvin POV

Abala ang lahat ngayong umaga dahil ngayon ang unang araw ng pasukan ng mga bata.

Si Kuya Michael ayun nasa kusina at nakikitulong sa pag-luluto kahit pa sinasabihan ito ng mga kasambahay dito sa palasyo na hindi na kailangan pang tumulong ito dahil ba ka sila raw ang malagot kina Lolo at Lola pero kahit ganoon ay hindi nag-patinag ito dahil gusto niyang tumulong lalo na sa pag-hahanda ng babaunin ng mga bata sa pag-pasok.

Pag-pasok ko palang sa may kusina ng palasyo ay bumungad na sa akin ang mga kasambahay at si Kuya.

“Prinsipe Michael, kami na po riyan. Ba ka po kami mapagalitan ng Lolo n’yo—”

“Manang Lydia, don't worry po. Akong bahala kay Lolo.” Sagot naman ni kuya rito ng mapunta ang atensyon nito sa akin.

“O, gising ka na pala?” Bungad nito dahilan upang mapalingon ang ibang dama na kasama nito bago yumuko ang ulo upang mag-bigay respeto sa akin.

“Prinsipe Calvin, nandiyan na po pala kayo. Gusto niyo na po bang kumain?” Si Manang Ida ang nag-tanong sa akin bago ako lapitan.

Ngumiti muna ako bago ito sagutin.

“Hindi na Manang Ida. Hindi pa naman ako gutom.”

“Nga pala. Yung mga bata gisingin mo na at ba ka mahuli sa pag-pasok.” Biglaang sabi ni Kuya Michael sa akin.

Agad kong nilingon ang kapatid ko dahil doon bago ko naalala na first day of school nga pala nila kaya naman ay agad na akong lumabas ng kitchen area at hindi na nakapag-paalam sa mga ito.

Nang makarating sa pangalawang palapag ng plasyo ay agad akong nag-tungo sa silid nang kambal na katabi ng silid nina Mommy at Daddy.

Kumatok muna ako bago pinihit ang doorknob nang kanilang pinto bago ko iyon silipin.

Pag-silip ko ‘y nabigla naman ako dahil nandirito rin ang aking anak at pansin kong nakabihis na ang tatlo sa kanilang uniform kung saang eskuwelahan sila papasok.

Napalingon ang mga ito bago ako ngitian ni Daphne ngunit seryoso lamang akong tiningnan nina Dashiell at Aiden.

Pumasok ako bago isinara ang pinto ng silid nang kamabal at lumapit sa kanilang tatlo.

“Hello po Tita Calvin at good morning po.” Masayang bati ni Daphne sa akin.

“Hello. O, okay na ba kayo?” Tanong ko sa kanila.

“Opo!” Ani ni Daphne bago nag-tatatalon.

“Dashiell, ikaw okay kana ba?” Tanong ko dito bago ito lapitan.

Hindi na ako mag-tataka kung tatango o hindi ito mag-salita dahil lagi itong tahimik at seryoso na minana nito sa kan’yang ama.

“Okay na po, Tita Calvin.” Ani nito bago ako yakapin na ikinagulat ko.

Sa kanilang dalawang mag-kapatid si Daphne ang sweet, malambing, madaldal at nakikihalubilo sa buong tao dito sa palasyo ngunit kapaliktaran nito ang kambal niyang si Dashiell.

Si Dashiell naman ay tahimik, seryoso, cold at hindi nakikisalamuha sa iba pero malambing pag-dating sa kan’yang ina.

Nabigla ako ng sumagot ito sa tanong ko ng hindi ko inaasahan bago ko ito tugunan ng yakap.

Nilapitan ko naman ang aking anak na si Aiden na tahimik lamang kaming pinagmamasdan.

“Ikaw? Okay ka na ba?” Tanong ko bago ko ito pinagmasdan kung meron pa ba akong aayusin sa kan’yang suot na uniform.

Moon Light (Moon Trilogy 3) {BL} [On-going]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang