Chapter 17: Basketball Practice

1 0 0
                                    

Aiden POV

Araw ng Miyerkules ngayon at wala kaming klase dahil sa biglaang seminar nang aming mga guro kaya napag-pasyahan namin na manuod nang basketball practice nina Tyler at Liam.

Nandirito kami ngayon sa gymnasium habang busy sa pag-lalaro ang nasabing varsity team nitong eskuwelahan.

Kaming apat ay nanunuod lamang dito sa i-taas.

“Tara baba tayo.” Aya saamin ni Clementine na sinang-ayunan lamang ni Daph kaya wala kaming nagawa ni Dash at sumunod na lamang sa mga ito.

Nang nasa baba na kami upang maupo sana ng may sumigaw isa sa mga player na nag-pa-practice ngayon. “Ilag!”

Nagulantang na lamang kami na saamin papunta ang bola ng basketball and to my surprise kay Dash ito lumanding na ikinabagsak naman ng isa sa sahig ng gymnasium.

“Kuya, are you okay?” Nag-aalalang tanong ni Daph sa kapatid.

Kita kong tumulo ang pulang likido sa ilong ni Dash at mukhang nahihilo ang isa.

Agad may lumapit saaming lalaki at masasabi kong may itsura ito bago ko nakitang walang kahirap-hirap niyang binuhat ang pinsan ko upang isugod sa clinic kasunod nito si Daph at Clementine.

“Ayos ka lang?”

Nilingon ko ang taong nag-tanong noon and it was Tyler na mukhang nag-aalala kahit pawis ito dahil sa pag-lalaro pero hindi ko nagawang sagutin iyon ng lumipat sa katabi nito ang atensiyon ko.

Si Liam iyon na halatang kita sa kan’ya ang lungkot habang tinatanaw ang apat na lumabas mula sa gymnasium.

Tumalikod ito bago dumiretso sa loob nang locker na meron rin ang gymnasium.

For the player lamang iyon ng marinig kong nag-bulungan ang ibang player na kasama nila.

“Anyare kay Liam?”

“Tinopak na naman ba yun?”

“Ewan.”

Samutsaring hirit nang mga ito at muling tinanaw ang taong iyon.

Hmmm? It's something wrong with him.

Hinintay kong makapag-palit ang dalawa bago kami pumunta sa clinic kung na saan sina Daph at Clementine ngayon.

Habang tahimik na nag-hihintay ay minabuti kong pag-masdan ang porselas na ibinigay sa akin ni Mommy na ibinigay sa kan’ya ng tunay kong ama.

Sino kaya sa mga Galvez ay aking ama never ko naman narinig kina Liam ang mga pangalan ng mga Tito nila.

“Sorry sa pag-iintay.”

Mabilis akong lumingon at nakita kong nandirito na ang dalawa.

Ngunit pansin kong parang wala sa mood si Liam.

Ang tahimik kase nito simula kanina pa ng lumabas kaming tatlo sa gymnasium dati kase siya ang super ingay kung mag-salita at hindi nauubusan ng kuwento pero ngayon para bang absent siya kahit kasama namin ito ngayon.

“Are you okay, Liam?”

Pansin kong nagulat ito sa biglaang pag-sasalita ko.

Minsan hindi kase ako pala-salita kaya hindi ko siya masisisi kung nakakagulat ang ginawa ko.

“O-Oo naman.” Ani nito bago ngumiti ngunit sinungaling ang mga mata nitong may lungkot na nakatingin sa akin kahit nakangiti ang labi nito.

Tumango naman ako at hindi na siya kinulit pa dahil alam kong itatago at itatago lang niya ang kung ano man ang problema niya.

Tinuon ko na lang sa daan ang aking tingin at tumahimik na lamang.

Samantalang sa clinic nang Academy ay hinihintay ng tatlong tao na magising ang binatang mahimbing na natutulog sa single bed nitong clinic.

Hindi naman iyon umabot ng ilang oras nang magising ito bago siya niyakap nang babae.

“Okay ka na ba?” Ani nito habang naluluha.

Marahan niyakap naman siya ng binatang kagigising lang at tinanguan na lamang ito.

Pag-katapos noon ay nag-pakilala ang isang binata sa kan’ya at ang taong nag-dala rin sa kan’ya sa lugar na iyon.

Humingi ang binata ng paumanhin sa nang-yari sa kan’ya na tinanggap naman ng isa at sinabing huwag itong mag-alala dahil wala na rin iyon kase nang-yari na.

Nag-usap pa ang dalawa bago muling humingi ng paumanhin lalo na sa kapatid nito na nginitian naman ng isa.

Maya-maya lamang ay nakita ko na rin ang logo ng clinic nitong school kaya naman ay wala na kaming sinayang na oras at binilisan ang pag-lakad.

Nang makapasok ay agad kaming sinalubong ng isang nurse na babae bago kami ngitian.

“What can I help you gentlemen?” Tanong nito saamin.

“Saan ang room ni Dashiell Ace Velasco?” Seryosong tanong ko naman.

Ngumiti ito bago sumagot. “Kaano-ano n’yo ang pasiyente?”

“Cousin.” Maikling sagot ko bago niya nilipat ang tingin sa likuran ko.

“Mga kaibigan niya po.” Rinig kong sagot ni Tyler.

“Okay sa room 02 sa dulo.”

Tumalikod na ako habang yung dalawa ay nag-pasalamat pa.

Nang makarating ako sa dulo at nakita kong may nakalagay na number sa harap nang pinto na ‘02’ ay agad kong pinihit ang doorknob bago buksan iyon at bumungad saamin ang apat bago ako sinalubong ni Daph.

“You here.”

“Hindi mo kasama sina Kuya?” Tanong bigla ni Clementine ng bumukas muli ang pinto kaya doon lumipat ang tingin nila.

Nilapitan ko si Dash na seryosong nakatingin sa akin.

“Musta?”

Hinawakan niya ang kanang kamay ko bago nag-salita. “I'm okay, Aiden. Don't worry about me.”

Moon Light (Moon Trilogy 3) {BL} [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon