Chapter 11: Project

2 0 0
                                    

Aiden POV

Apat na araw na ang nag-daan ng matapos ang araw ng mga puso sa apat na araw rin na nag-daan ay napansin kong umiwas si Tyler na siyang ipinag-taka ko lalo na ng aming mga kaklase.

Ito kase ang unang mangungulit sa akin ‘tsaka palaging nakadikit at nakasunod minsan.

Na hindi nito ginawa na ipinag-taka ko.

Inisip ko rin kung may nagawa ba ako nung mga nakaraang araw pero kahit anong isip ko ‘y wala naman akong mahagilap na sagot.

Minsan pa nga ay binisita ko siya sa kanilang palasyo ngunit tanging mga magulang lamang niya ang humarap sa akin kung minsan naman ay ako na ang lalapit sa kan’ya ngunit ito na rin ang unang iiwas lalo na kung mag-kakasalubong kami sa hallway ay siya na rin ang mag-iiba ng daan.

Nandirito ang lahat sa loob nang silid at busy ang lahat nang grupo dahil ngayon ang araw na ipapasa namin ang aming project kay ma'am Emily ang History subject namin ang gurong nag-bigay ng gawain nung unang araw ng pasukan.

Maya-maya lamang ay bumukas ang pinto bago iluwa ang gurong kanina pa namin hinihintay.

“Sit down muna, class.” Anya bago ibinaba ang gamit na dala nito sa table na nasa harap nang pisara.

“May absent ba?” Tanong nito bago kunin ang class records sa kan’yang bag.

“Ma'am wala po.” Si Ariana ang sumagot na nginitian naman ng babaeng guro.

“Okay. Mukhang handa kayo. O siya, pumunta sa harap ang isa sa mga member n’yo upang bumunot nang number kung sino ang unang mag-sasalita rito sa harap.

Si Liam ang tumayo sa grupo namin bago ito bumalik saaming puwesto.

“Pang ilan tayong sasalang?” Tanong ng kapatid nitong si Clementine.

“Pangatlo.”

“1, 2 and 3 lamang iyan. Kung sino ang mauuna ay ayusin na sa harap ang kanilang presentation.” Utos ni Ma'am.

Nakita kong tumayo ang grupo nina Tyler.

Kung gano‘n sila pala ang unang mag-sasalita.

PowerPoint presentation ang ginaw rin pala nila.

“Good morning to all and we are group 1!” Si Ariana iyon.

Agad namang nag-start ang ginawa nilang PowerPoint presentation agad nag-flash roon ang tanong na ‘what is love?’.

Ang bawat grupo ay iyon lamang ang tanong at bawat miyembro naman nito ang mag-papaliwanag kung ano nga ba para sa kan’ya ang tanong na ‘yon.

Agad namang nag-forward si Ariana bago nag-salita. “Love is all about selfish feelings and fickle emotions, but the word gives us an entirely different definition one that is not self seeking, ang with stand time and trials.”

Sumunod si Levon.

“Love is not just about passion, but about a promise.”

Pag-katapos nitong mag-salita ay si Tyler ang sumunod rito bago ko nakitang tumingin ito sa gawi ko.

“Love is when you care a lot about someone or something and want them to be happy. It's like having a warm, fuzzy feeling inside.” Paliwanag nito sa harap nang klase bago umiwas nang tingin sa akin.

Si Alexander ang sumunod rito. “Love is friendship, full of joy and enjoyment. Love is more expressing and giving respect to each other.” Bago ito yumuko.

Si Allison ang huling mag-sasalita sa kanilang grupo.

“Love is composed of single soul in habiting two bodies.”

Moon Light (Moon Trilogy 3) {BL} [On-going]Where stories live. Discover now