Chapter 5: First encounter

3 0 0
                                    

Aiden POV

Nandirito ako sa living area ng palasyo habang bihis na bihis kasama ang mommy habang ang kambal nasa kuwarto pa nila at binibihisan ng kanilang ina.

Maya-maya ay narinig ko na may mga yabag ng paa ang papasok dito saaming kinalalagyan.

“Sabi kasing mag-alarm ka! Alam mo namang may pupuntahan tayo.” Boses iyon ni Daph na halatang inis sa kung sino.

“Tsk! So, kasalanan ko pa na hindi ako nag-alarm?” Boses naman iyon ni Dash na halatang hindi rin papatalo sa kapatid.

Dahan-dahan akong nag-taas nang tingin ng makita ko silang pumasok habang nag-tatalo samantalang nakasunod lamang ang ina nila habang sinusuway rin ang dalawa.

“Enough.”

Kita ko namang nag-pukulan muna ang dalawa ng masasamang tinginan bago nag-iwas nang tingin.

“Are you two done fighting about alarm clóck?” Turan ko sa kanilang dalawa sa malamig na boses na agad naman ibinaling ng lahat ang attention sa akin.

Dahan-dahan naman akong tinanguan ng kambal nang may isang damang babae ang pumasok sa living area kung na saan kami ngayon.

Yumuko muna ito ng bahagya bago kami harapin.

“Nandiyan na po ang karwahe mula sa Delan Kingdom na galing sa bayan ng Theolia Dynasty.”

Pag-katapos nitong ipaalam iyon ay agad rin itong umalis.

“Oh, narinig n’yo ‘yon? Nandiyan na pala ang sundo n’yo.” Saad ni Mommy bago kami nag-silabasan.

Nang makasakay ang tatlo sa nasabing karwahe ay tinanaw na lamang sila ng mag-kapatid na Velasco samantalang tanging si Daphne lamang ang kumaway sa dalawa habang ang dalawang batang lalaking kasama nito sa loob ay nakatanaw lamang sa dalawa.

Hindi ko alam kung ilang oras kaming nasa loob nang karwahe ng matanaw namin sa dulo ang Delan Kingdom kung saan napapalibutan ito ng mga bulaklak na sunflowers na siya namang ikinatili ni Daphne.

“Kyaaahhh! Ang ganda!”

“Please, just minimize your voice, Daphne!” Suway ni Dash dito.

Gan’yan s’ya binubuo niya ang pangalan ng kapatid pag-asar na ito samantalang inikutan lamang siya ng mata ng babae.

Ibinaling ko na lang ulit sa maliit na bintana ng karwaheng sinasakyan naming tatlo ang aking paningin.

Tama si Daph ang ganda nga at hindi masakit sa mata kung titingnan ito.

Agad namang huminto ang sinasakyan naming karwahe bago kami pag-buksan ng pinto ng kung sino.

Saaming pag-baba ay doon kami sinalubong ng mag-kapatid na Galvez at ng dalawang babaeng dama bago naman kami papasukin sa loob.

“Tara at ipapakilala namin kayo sa parents at sa mga Tito's, Tita namin.” Sabi ni Liam habang hawak ang aking kanang kamay at hila ako samantalang ang kambal naman ay hila ni Clementine.

Maya-maya lamang ay agad kong narinig sa ‘di kalayuan ang mga kuwentuhan at tawanan ng mga iba‘t ibang boses nang kung sino.

Saaming pag-pasok ay bigla na lamang nag-salita si Liam dahilan upang makuha nito ang atensiyon ng lahat.

“Daddy, Mommy!”

Ang kaninang ingay ay natigil dahil doon.

Doon ko nakita ang iba‘t ibang mukha ngunit may isa sa kanila ang nakakuha ng aking attention para kasing nakita na namin ito sa kung saan nina Dash at Daph.

Moon Light (Moon Trilogy 3) {BL} [On-going]Where stories live. Discover now