Chapter 14: It's science time!

1 0 0
                                    

Aiden POV

Miyerkules ngayon at ordinaryong araw para sa mga estudyanteng nag-aaral sa Griffinlor Academy.

May kan’ya-kan’yang pinag-kakaabalahan ang lahat habang ako heto at inabala ang aking sarili sa pag-tanaw sa bintanang katabi ko at walang balak makipag-kuwentuhan.

Hinihintay kase namin si Sir John ang aming science teacher at adviser rin namin siya kase ang sunod naming guro ngayong umaga.

Ilang oras ay agad rin nag-bukas ang pinto ng aming classroom at iniluwa naman nito ang gurong kanina pa namin hinihintay.

“Good morning, class!” Bungad nito saamin.

Sabay-sabay naman kaming tumayo lahat bago bumati pabalik. “Good morning, sir John!!”

Pag-katapos noon ay agad rin kaming pinaupo nito na siyang sinunod namin bago tahimik na pinagmasdan ito.

Agad siyang pumunta sa harap nang pisara bago hinawi ang kurtinang nakatabon rito.

Bumungad naman saamin ang larawan ng babae kung saan ay buntis ito sa isang larawan rin ng sanggol na nasa kan’yang sinapupunan.

“Okay class, listen carefully!” Ani ni Sir.

“Ang ating tatalakayin sa araw na ito ay kung paano tayo nabuo or kung paano nga ba mabubuo ang isang sanggol.” Pag-papatuloy nito sa harap nang klase.

Muli niyang hinawi ang isa pang kurtinang nakatabon sa isa pang pisara at doon bumungad saamin ang larawan ng isang sperm cell at isang lalaki.

“Ang lahat nang tao ay nang galing rito kung sa tinatawag nating sperm cell.”

Agad namang itinaas ni Leandro ang kanang kamay nito upang makita ito ni Sir.

“Yes, Mr. Vargas?”

Tumayo naman ito bago sumagot. “Eh, sir saan nang galing ‘yang butete na ‘yan?” Takang tanong naman nito na nag-pangiti sa gurong lalaki at sa pag-tawa ng buong klase.

“Mr, Vargas. This is not butete. This it's called sperm cell and ito ay nang gagaling sa lalaki.” Paliwanag ni Mr. John bago paupuin si Leandro na sinunod naman ng isa.

“Example, sa mag-asawa or sa parents n’yo. Kung mag-tatalik ang both person at sa oras na si lalaki ay umabot na sa kanilang sukdulan ay nailalabas na ng lalaki ang kan’yang sperm cell.”

“Habang si sperm cell naman ay mabilis na lalangoy papunta sa egg cell ng babae kung saan ay dito na ito mamamalagi at dito kayo mabubuo.”

“Astig naman no‘n Sir!” Ani ni Levon ang kapatid ni Leandro.

“Actually, hindi lang isang sperm cell ang inilalabas nang lalaki marami ito at siyempre isa kayo roon sa sinasabing racer or karera upang makarating sa finish line.”

“Ngunit sa mundo natin dito sa Noterra ang mga Dominant alpha at Alpha male ay tulad sa mundo ng mga tao na ang lalaki ay sila ang may kakayahan na mabuntis ang isang babae samantalang dito ay ang kayang mag-buntis ay ang mga female/male Omega gano‘n rin sa mga Dominant alpha female. Ngunit ang hindi o walang kakayahan na mabuntis/mag-buntis ay ang mga Beta.”

Pag-katapos nang klase kay sir John ay nandirito kaming anim sa cafeteria ng school.

Habang hinihintay namin sina Liam at Tyler dahil sila ang mag-o-order habang kami nina Daph at Clementine ang naiwan rito saaming mesa.

Ilang minuto ang aming pag-hihintay ng dumating ang dalawa na may bitbit na tray na may lamang pag-kain.

Masayang nag kuwentuhan ang lima habang ako ay tahimik at iniisip parin ang naging klase namin sa science.

Dumating ang klase sa hapon ngunit parang wala naman ang isip ko sa mga teacher na pumapasok at lalabas nang aming silid kahit nga ata mga tinuro nila ay hindi ko man lang nagawang intindihin.

“Aiden,”

Nabalik ako sa reyalidad nang mapag-tanto kong nasa loob na pala kaming tatlo ng isang karwahe.

Teka, kailan pa natapos ang klase namin?

“Huy!”

Mabilis kong nilingon ang kambal na nasa aking kaliwang bahagi.

“Huh?” Takang tanong ko naman sa mga ito.

Kita kong kumunot ang noo nila bago nag-salita si Daphne. “Anong huh? Hello! Kanina pa po namin ikaw kinakausap pero mukhang hindi mo kami pinapansin.” Pag-tataray na sabi ni Daph.

“Sorry, a-ano ba ‘yun?” Pag-tatanong ko.

“Are you sure na okay ka lang?” Si Dash ang nag-tanong habang seryosong nakatingin sa akin.

Tumango naman ako bago sumagot. “Oo naman.”

Mag-sasalita pa sana si Daph ng huminto at bumukas ang pinto ng karwaheng sinasakyan namin kanina pa bago ako naunang bumaba.

Na una na ako pumasok bago ako sinalubong ni Mommy.

“How's your school?” Bungad nito bago ako sinabayan sa pag-lalakad pataas sa second floor ng palasyo.

“Okay lang po.” Tipid na sagot ko rito bago naunang mag-lalad at pumasok sa kuwarto.

Pansin kong hindi na ito sumunod kaya tamad kong ibinagsak ang aking katawan sa malambot kong kama.

Hindi ko na nga alam kung ilang minuto na akong nakatitig sa kisame ng kuwarto ko.

“Tok-tok-tok”

Napabaling ang tingin ko sa direksiyon ng pinto.

“Prinsipe Aiden, pinapasabi po ng mommy n’yo na handa na po ang miryenda.” Sabi ng isang boses babae.

“Sabihin mo no need. Busog ako.”

Narinig ko ang mga yabag nitong papaalis sa aking silid bago muling nilingon ang kisame ng kuwarto ko.

Dumating ang gabi at ipinag-utos ko na lamang na itaas ang pag-kain ko para sa hapunan ng may pumuntang dama rito.

Nakasuot na rin ako ng pantulog at maayos na nakahiga sa malambot at malaki kong kama habang nakatanaw sa aking bintana na nakasarado at kita rito ang madilim na langit at punong-puno ng mga bituin sa langit.

Nasa ganoon akong sitwasyon ng makarinig ako ng mahinang mga pag-katok.

“Tok-tok-tok”

Nilingon ko agad ang pinto bago sumagot.

“Bukas ‘yan.”

Unti-unting bumukas iyon bago ko nakitang sumilip si Mommy gamit ang ulo nito.

Agad rin akong dahan-dahang umupo sa aking kama ng tuluyan itong pumasok sa aking silid.

“Matutulog ka na ba?” Tanong nito bago umupo sa gilid nang aking kama.

Umiling muna ako bago siya sagutin. “No. Hindi pa po kase ako inaantok.”

Marahan itong tumango at tipid na ngumiti.

“May problema ba? Nasabi kase ng kambal na tahimik ka raw ng makauwi kayo tapos nag-pahatid ka lang ng pag-kain mo.” Ani ni mommy sa akin.

Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin sa tanong niyang iyon.

Natatakot kasi akong ba ka magalit ito kung sakaling mag-tanong ako dito.

Moon Light (Moon Trilogy 3) {BL} [On-going]Where stories live. Discover now