Chapter 9: P.E Time!

3 0 0
                                    

Aiden POV

Na ikuwento ng kambal ang mga nang-yari sa akin kahapon lalo na ang pag-aalala nina Mommy sa akin ng umuwi ako ng walang malay tao.

Ipinaliwanag naman daw ni Tyler ang lahat sa kanila kasabay ng paulit-ulit na pag-hingi ng paumanhin sa mommy ko.

So, siya parin pala ang nag-uwi sa akin?

Nag-lalakad ako sa hallway ng school at hindi ko kasabay ang kambal sa unang pag-kakataon dahil ang balak ni mommy ay hindi muna raw ako papasok at pagalingin ko muna ang pasang nakuha ko sa gilid nang aking labi.

Ngunit hindi naman ako sumang-ayon kaya wala rin silang nagawa kaya heto ako at mag-isang tinatahak ang hallway habang suot ang P.E uniform namin dahil P.E ang una naming subject.

Sinilip ko ang relong suot ko ng makita kong isang minuto na akong late kaya agad rin akong tumakbo papunta sa track and field dahil doon gagawin ang P.E namin kay Miss Sanchez.

Nakita ko mula sa puwesto ko ang pila nila na nasa lilim lamang ng isang puno bago ko binilisan ang takbo ng mapasulyap ito sa kinaroroonan ko.

“Mr. Velasco?!” Anya na siyang ikilingon ng mga kaklase ko na mukhang nagulat rin sa pag-dating ko.

Hinihingal na huminto ako bago itinukod ang dalawang kamay sa aking tuhod upang kumuha roon ng suporta.

Tumingala ako kay ma'am bago nag-wika. “S-Sorry.. I'm late...”

“Ang pag-kakaalam ko‘y bukas pa dapat ang pasok mo? Are you sure you okay?” Ani nito bago ako lapitan.

Tumayo ako ng maayos bago siya harapin at tumango.

“Okay, kung gano‘n. Sa grupo ka nina Alexander sasama.” Saad niya na itinuro kung saan sila nakapuwesto at doon ko nakita na kasali doon si Tyler na nakatingin sa akin.

Ibinaba ko ang gamit ko sa mga gamit na nakapaikot sa isang puno malapit sa kinalalagyan namin bago ako lumapit sa magiging grupo ko.

Ginawa naman namin ang activities sa P.E ng sama-sama bago ko maramdaman na may tumabi sa akin.

Nilingon ko ito at walang iba kun‘di si Tyler iyon.

“Ayos na ba ang s-sugat mo?” Ani nito ng hindi makatingin sa gawi ko.

“Yeah, thank you.”

Ramdam kong tumingin na ito sa akin habang nakatingin naman ako sa iba naming kaklase na abala sa P.E.

Pansin kong aalis na ito ng mag-salita ako upang matigilan siya.

“Maaari na kitang maging kaibigan.”

Mabilis pa sa alas kuwatrong lumingon ito bago ko sila lingunin na may gulat na reaksiyon.

“W-What did you say?” Utal nitong pag-tatanong sa akin.

“I don't want to repeat my words, Tey.”

Nagulat ito ng tawagin ko siya sa pangalan na gano‘n.

“Thank you, Ai.” Ani niya at walang pasabing niyakap ako bago nahihiyang pakawalan ako.

Nabigla ako ng may yumakap sa akin mula sa aking likod kaya nilingon ko ito at doon ko nakitang si Dash ito na may masamang tingin sa binatang kaharap ko.

“Stop that, Dash. His my best friend now.” Ani ko na ikinalingon nito sa akin na mukhang nagulat rin bago muling tiningnan ang isa ng masamang tingin.

Hinila naman agad siya ni Daph na nakangiti.

“Tara kuya ‘wag mo silang guluhin diyan.” Ani pa nito bago kumaway saamin samantalang ang isa ay masamang tingin ang pinukol sa kasama ko na kakamot-kamot lamang ng kan’yang ulo.

Pag-katapos namin sa P.E ay nandirito kaming dalawa sa likod nang isang building kung saan niya ako niligtas kahapon sa tatlong lalaking ng bully sa akin.

“Hindi ko expect na dahil sa pag-liligtas ko sa‘yo ay tatanggapin mo ang alok ko na maging mag-kaibigan tayo.” Turan nito sa akin na nasa tabi ko habang ako heto at nag-babasa ng librong parati kong dala.

Mabilis niyang kinuha ang librong hawak ko na ikinalingon ko.

Nakanguso ito bago nag-salita. “Kausapin mo naman ako oh.”

“Give it.”

“Ayaw ko.”

“Tey,”

Umiling ito bago itinago sa likuran niya ang librong iyon na agad kong sinubukang kunin kaso itinaas nito bigla ng mapaibabaw ako sa kan’ya ng mapahiga ito habang ang aming mga mukha ay ilang agwat lamang ang layo at isang maling galaw lamang ay mag-hahalikan na kami nito.

Parang huminto ang paligid ko at para bang kami lang ang tao sa mundo.

Sa hindi ma-ipaliwanag na dahilan ay bumilis ang tibok nang aking puso sa unang pag-kakataon kaya naman ay mabilis na akong umalis sa ibabaw nito bago siya unti-unting bumangon at ibinigay ang librong kinuha niya mula sa akin.

“S-Sorry,” Utal na hinging paumanhin nito sa akin.

Kinuha ko naman ang libro bago tumango at sumagot. “Okay lang. ‘Wag mo ng uulitin.”

Hindi alam ng dalawa na may nakatingin pala sa kanila na animo‘y kinikilig habang ang isang binata ay naka-busangot ang mukha nito.

Ang mga kaklase nila ay pasimpleng nakatanaw sa gawi nila na nakangiti dahil sa kanilang nasaksihan.

Maya-maya lamang ay napatingin ako sa likuran ni Tyler dahil may mga naririnig akong bungisngis ng makita ko ang mga kaklase namin na nakasulyap saamin ay nag-siunahan silang mag-si takbuhan paalis.

Napalingon naman si Tyler sa likuran nito bago nag-tatakang lumingon sa akin.

“Bakit?”

“Nothing. May mga chismosa lang.” Ani ko bago hininaan ang boses sa huling sinabi ko.

“Huh?”

Umiling ako ng mabilis bago tumayo at hilahin ito pa-tayo dahil ba ka ma-late kami sa sunod na klase.

Tinatahak namin ngayon ang hallway ng mapansin kong tahimik ito sa likuran ko.

Nilingon ko ito at nakita kong nakatingin ito sa ibaba kaya tiningnan ko naman iyon at nakita kong hawak ko parin ang mga kamay nito kaya mabilis kong tinanggal ito bago lumingon sa daan at humingi ng paumanhin bago mabilis na nauna.

Lihim na napangiti naman si Tyler dahil doon bago sinundan ang binatang iniwan siya.

Nang makasabay siya sa aking pag-lalakad ay mas minabuti kong huwag na lamang siyang lingunin dahil ramdam kong uminit ang aking pisngi sa hindi malamang dahilan.

Ang aking puso ay mabilis na tumitibok para bang tinakbo ko ang buong Edsa dahil sa bilis nito.

Ano bang nang-yayari sa akin?

Hindi namang ako ganito dati, ah?

Kailangan ko na sigurong mag-patingin sa doctor kung mag-kataon ba ka lumala pa ‘to, ayoko pa namang nag-aalala ang mommy sa akin.

Moon Light (Moon Trilogy 3) {BL} [On-going]Where stories live. Discover now