Chapter 12: Clinic

3 0 0
                                    

Aiden POV

Wala akong mahanap na sagot kung bakit ganito ang pakikitungo niya sa akin.

Hindi ko alam pero bakit sa ginawa niya nasaktan ako?

Hindi naman dapat ‘di ba? Oh ba ka naman ganito ang feeling na may itinuturing na best friend?

“M-May... May ginawa ba ako para iwasan mo ako!?” Ani ko na siyang ikinatigil nito sa pag-lalakad.

Kahit nanlalabo ang paningin ko dahil sa unang beses na umiyak ako para sa ibang tao ay kita ko parin itong nakatayo at nakatalikod sa akin.

“S-Sabihin mo n-naman, oh. Hindi y-yung n-nangangapa ako ng d-dahilan kung bakit mo ‘ko i-iniiwasan!” Saad ko kahit nahihirapan dahil sa pag-iyak.

Unti-unti kong nakita na lumingon ito sa akin at kita kong gulat ang mga mata nitong nakatingin sa akin ngunit agad rin iyong nag-bago at napalitan ng isang malungkot na pumaskil sa mga mata nito.

“Tey, sabihin mo naman k-kung anong kasalanan ko...” Ang nakiki-usap kong sabi rito.

“S-Sorry...” Wika nito sa mahinang tinig sapat upang marinig ko.

Napatigil ako sa pag-iyak nang maramdaman kong niyakap niya ako ng hindi ko man lang namamalayan na nakarating na ito sa puwesto ko.

“Sorry for being a jealous best friend of yours... sorry.” Saad nito habang nakayakap sa akin.

Nag-taka ako sa sinabi nito.

Saan siya nag-selos?

Nang mag-kaayos ay pareho kaming nakaupo habang nakasandal sa punong nag-bibigay lilim sa kinalalagyan namin.

Pareho kami tahimik at pinapakiramdaman ang bawat isa.

Naramdaman kong pinatong nito ang ulo sa aking kanang balikat kaya nilingon ko iyon bago ko nakitang nakapikit ang mga mata nito.

‘Tsaka ko lang na pag-masdan ang mukha niya sa malapitan.

Mahahabang pilikmata, matangos na ilong at ang manipis nitong pulang labi na bumagay sa kan’ya kaya hindi na ako mag-tataka kung bakit maraming estudyante rito sa Griffinlor Academy ang gustong maging kasintahan ang lalaking katabi ko—

“Are you done staring at me?” Biglaang sabat niya bago nag-tagpo ang aming mga mata.

Mabilis ko itong iniwas bago siya sagutin. “Ako? Tititigan ka? Tsk! In your dreams.”

Narinig kong mahina itong tumawa na siyang ikinapula ng pisngi ko.

“It's okay for me. Mas gusto ko pa nga na ikaw na lang ang tumitig sa akin ay ayos lang.” Ani nito bago ko maramdaman na umalis ito sa pag-kakahiga sa balikat ko kaya ay agad rin akong lumingon sa puwesto nito.

“Pinag-sasabi mo d’yan? Hindi nga kita tinititigan!” Ang naaasar kong sagot sa kan’ya.

Nakita kong nag-kibitbalikat ito bago sumagot. “Okay sabi mo, eh.”

Ngayon naman ay nag-pasya kaming bumalik na sa room habang tinatahak naming dalawa ang hallway ay bigla na lamang akong nakaramdam ng hilo sa hindi malamang dahilan.

“Ai, are you okay?” Nag-aalalang tanong ni Tyler nang nilingon niya ako dahil siguro ay napansin ako nitong hindi na sumabay sa pag-lalakad.

“I-I'm okay.. nahihilo lang—” hindi ko na ituloy ang aking sasabihin ng nawalan na ako ng balanse.

“Aiden!”

Iyon na lang ang narinig ko bago nag-dilim ang buong paligid.

Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata at puting kisame ang unang nabungaran ko.

Moon Light (Moon Trilogy 3) {BL} [On-going]Where stories live. Discover now