Chapter 29

129 9 0
                                    

Jacques looked away. Sinangga nito ang mga braso para harangan ang mukha at ng hindi na iyon matamaan ulit ng tubig galing sa hose na hawak ni Uno.

"Gentle, Juan! Don't you know what is gentle? Daanan mo lang!"

"Daanan mo raw, Kuya. Diinan mo ang pagdaan, ha?" Tumatawang sabi ni Ko-en sa pinsan habang pabalik-balik na pina-pan kay Uno at Jacques ang hawak na cellphone.

"It's dahanan mo lang, you stupid ass! You know what it's time to get your Filipino card revoke," sabat ni Kagan.

"Mas malaki naman kasalanan niyong mga hapon sa Pilipinas. The government should revoke your filipino card first! And send you back to Japan, mga mararahas na dayuhan!" Jacques shouted. Sunod-sunod itong umubo at tinalikuran ulit si Uno pagkatapos niyang itutok sa mukha ni Jacques ang hose na hawak dahilan para pasukan ng tubig ang ilong at bibig nito. Umubo si Jacques. He couldn't stop coughing and it looked like his lung would soon give out.

"Excuse me? Nakakahiya naman iyong 333 years na pananakop ng mga ninununo mo sa mga Pinoy? And don't get me started! Kalahi mo ang dahilan kung bakit namatay si Jose Rizal!" Ko-en rebutted.

I couldn't help, but laugh. The only reason why they were engrossed with history class before was because they uses those history information to diss each other, and even after we graduated. Hindi nila iniwan ang gawaing ito.

"Stop laughing, Levi! Damay ka rin dito. Akala mo ba walang atraso ang lahi mo sa mga Pinoy? Tama na kayo kakaangkin sa West Philippine Sea!" Jacques shouted again.

Napipikon dahil sinasadya talaga ni Uno na patamaan siya ng tubig sa mukha. Jacques stepped forward, wanting to wet Uno too. Binitawan ni Uno ang hose, preparing to escape from Jacques, but he had forgotten what Ko-en's best at.

Ko-en tossed his phone to Koa. Dinampot ni Ko-en ang hose at binasa na rin ang pinsan. Uno, stood still, arms down straight. Mariin itong pumikit at hindi na umalma pa.

"This is why I hate you! Traydor ka! Nasa dugo mo iyan, palibhasa hapon!" Sigaw ni Uno. Hinabol nito si Ko-en. Soon, they were dragging Koa with their mess and childish play. Ilang saglit pa ay nadamay na rin ako sa pagbabasaan nila.

"Anong nangyari rito?" Tel worriedly ask seeing the six of us dripping, and muddy.

Soren who was with her to get Tel's measurement for the wedding gown sighs.

"Tinakasan na naman sila ng bait," Soren said to Tel. His eyes widened when he saw Ko-en threatiningly charges towards him with those menacing eyes.

"Tigilan mo ako—" Hindi na natapos ni Soren ang sinasabi. He run away from Ko-en, but Koa had caught him on his arm. Back hugging Soren. Sinangga ni Koa ang braso para hindi matamaan ng tubig galing sa hose ang mukha ni Soren nang basain na ito ni Ko-en.

Screaming and cursing the hell out of Ko-en and Koa. Nang makawala si Soren ay dumampot iyon ng putik at hinagis kay Ko-en. Ko-en ducked faster, dodging it.

"Tangina niyo! I just washed my face!" Nakapikit at gigil na pagwawala ni Jacques na siyang tinamaan ng tipak ng putik.

"Get this off! Para kayong mga tanga! Ipapakain ko sa inyo ang mga putik na ito!" Kumikiwil sa pandidiring pagbabanta ni Jacques. Laughing out loud, Uno walked towards him. Maingat na pinahid ni Uno paalis sa mukha ni Jacques iyong putik at binawi ang hose kay Ko-en para tulungan na itong maghilamos.

"Kukuha ako ng towel. Sandali lang," sabi ni Tel.

Each time one of our friend eyed Jacques. Sinasamaan niya ito ng tingin.

Sought After (Manila Nights Series #1)Where stories live. Discover now