Chapter 24

125 9 3
                                    

Paglapat ng paa nito sa kalsada. Pumihit agad paharap sa akin si Levi at inabot ang kamay niya. Chuckling as I find him being overprotective of me and the baby cute. Hinawakan ko pa rin ang kamay nito at wala nang sinabing kahit na ano.

"Anong ginagawa mo?" Malaki ang mga matang tanong ko nang maglabas siya ng isang libo galing sa wallet.

"Magbibigay ng tip para sa konduktor at driver." Sagot niya. Pagharap ng konduktor pagkatapos mailabas ang dalawa naming maleta galing sa estribo binigay na ni Levi ang hawak na pera.

"Ano ito, boss?"

"Pang-meryenda po. Maghati na lang kayo ng driver. Salamat sa safe na pagda-drive," anito. Lumiwanag ang mukha ng konduktor. Paulit-ulit itong nagpasalamat kay Levi. Hindi pa nga siya tuluyang nakakapasok ulit sa loob ng bus. Narinig na namin na nagsisimula na siyang magkuwento tungkol sa one thousand peso tip na nakuha nito.

"Why?" Levi curiously asks. I closed my eyes for a moment and shake my head. Inangat ni Levi ang baba ko at pilit na pinagtatama ang mga mata namin kahit sadyang iniiwas ko na iyon sa kaniya.

"Tel, bakit ka umiiyak? Promise, we still have more kahit binigay ko iyong one thousand sa kanila." Levi lifted my chin again.

"Please, baby. Don't be upset with me anymore." Panunuyo nito habang hinihimas na rin ang tiyan ko.

"Hindi dahil doon." Kagat-labing humihikbi ako. Parang tanga naman kasi!

God, how I want to blame this on the pregnancy hormones...

"Then, why are you crying?"

"Ang bait mo," sabi ko. Humalakhak si Levi. Mahina kong kinurot ang braso nito. It didn't stop him from laughing though.

"You cried kasi nababaitan ka sa akin?"

"Barya lang sa iyo yung one thousand na binigay mo sa kanila pero sa mga taong iyon, ilang araw ng pang-baon ng mga anak at pang-bigas na rin nila iyon, alam mo ba?" Inayos ni Levi ang buhok ko. Those bambi eyes looked like they're sparkling as he watch me yaps.

"Ilang taon na akong bumabiyahe pero never sumagi sa isip ko na magbigay ng pangmeryenda sa mga konduktor. You're so considerate, Levi. Your integrity can easily make everyone seems small," I mumbled, totoo naman.

In the future, I wish for our child to be just like him.

Habang nag-uusap kami ni Levi sa gilid ng kalsada. Tumigil ang tricycle at sinigaw ng driver ang pangalan ko.

"Tel, kararating mo lang? Walang nabanggit si Tiya Marissa mo na dadating ka ngayong araw. Hindi ba alam ng Mama mo na uuwi ki?" tanong ni Tiyo Pio.

Tahimik lang na nakikinig si Levi sa amin, but I can feel his curiousity. Napadpad na rin sa wakas ang tingin ni Tiyo Pio kay Levi. Minata nito mula ulo hanggang paa si Levi at malapad na ngumisi.

"Nobyo mo? Tubong Manila, ano? Kakisig na binata," puri nito. Nangunot ang noo ni Levi, but the arched on his lips remained.

"Guwapo ka raw," bulong ko rito na tinanguan niya. Mas lalo pang nangiti si Levi. Kumapkap ako sa bulsa ng pantalon at hoodie na suot, hinahanap ang panyo ngunit wala roon.

"Halika na kayo. Ihahatid ko na kayo sa may atin," ani Tiyo Pio.

"Sige ho," tugon ko habang hinahanap pa rin ang panyo sa loob ng shoulder bag.

"Naiwan yata iyong panyo sa bus. Init na init ka na. Tumatagaktak iyong pawis mo," sabi ko kay Levi.

Hinubad niya lang ang jacket na suot at sinampay iyon sa may maleta.

Sought After (Manila Nights Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant