Chapter 16

161 12 0
                                    

Sa isang iglap, pagkatapos kong marinig iyon kay Levi ay nawala ang kalasingan ko.

"Hindi pa ako handa sa isang relasyon. Hindi ko priority ang pagbu-boyfriend," I said with an intention to remind Levi in case he had forgotten, pero ang labas ay parang sarili ko na ang pilit kong pinaalalahan non.

"And you have a fiancee, Levi."

"I'll only have a fiancee when you say yes to my wedding proposal."

"Ano? Ginagago mo ba ako? Kakakita ko pa lang sa fiancee mo kanina!"

Mahinang tumawa si Levi, "Aww. Were my baby jealous with Niji?" Nilipad ng hangin ang buhok ko na inipit din agad ni Levi sa likod ng aking tainga para malinaw niyang makita ang mukha ko.

"Niji is out of the picture now, Tel. She is engaged to someone else, and their baby is on the way." Levi's chin puffed as a ruffled smile pulled his lips.

"At hindi kita ginagago."

"Ano lang?" Asik ko rito, iniripan pa siya.

"Magkaka-fiancee lang ako kapag umo-oo ka na." I rolled my eyes away from Levi to the dark sky, chanting in my head that I shouldn't fall for his hopeless romantic schemes and empty promises.

He's a chinese, there is no way his elder would let us marry. Kung ilalaban ni Levi na ako ang pakakasalan niya. Itatakwil siya ng pamilya niya.

I gasped internally.

Iyon ang kailangan kong gawin! I need to take Levi, the Yuchengco's heir, from his family, without the Yuchengco's heir that they had been training all his life. That forsaken family will soon meet their fall.

Humarap ulit ako kay Levi at wala sa sariling napaatrsa nang makita kung ano ang iniipit ng hintuturo at hinliliit nito.

"Levi, para kang gago! Huwag mo nga akong binibiro ng ganiyan."

Levi took my hand and carefully placed the engagement ring on my palm.

"Wear it once you're ready for me. I want you to wear it and come to me. Sigurado na kasi ako, matagal-tagal na rin. Tangina, ikaw talaga," Levi whispered tenderly; even his cursing sounded romantic.

"At pag ayaw sa akin ng pamilya mo?"

"Pag ayaw nila sa iyo?" Balik tanong niya sa akin. Ako ang pinag-iisip kung ano bang dapat kong gawin.

"Kukunin na lang kita sa kanila. Doon tayo sa probinsya namin. Ayos lang naman sa iyo di ba? Simpleng buhay?" Levi bit his lips, holding back a grin, kaya lang ay sobra-sobra ang kilig na nararamdaman niya at hindi na rin nito napigilan pang ngumiti.

"Magtatrabaho ka sa bukid. Magsasaka. Tapos hahatiran kita  ng pagkain sa tanghali." Ilang segundo akong nag-focus sa pang-mayaman nitong kutis.

"Mangingitim ka roon." I fixed his hair to get a good angle of him kahit na lahat ng angulo nito ay maganda talaga.

"Guwapo ka pa rin naman kahit maitim ka na. Tall, dark, and handsome. Maraming maghahabol sa iyo, marami-rami akong makakaaway roon sa probinsya."

"Celeste, are you proposing to me?" He asked. Natigilan ako at saka pa lang din napagtanto na tunog mas excited nga ako na pakasalan siya.

Lumunok ako at dahan-dahang binawi ang sarili mula sa gulat na lumatay sa aking sistema.

"I am not. Tinatakot kita para magbago ang isip mo."

"Walang makakapagpababo." Levi closed his eyes in embarassment pagkatapos niyang mabulol, "Walang ma-ka-ka-pag-pa-ba-go ng isip ko, Tel. I'll marry you. If you want to live in the province, we will. Kahit pa nakakamay lang tayo pagkakain. Okay lang sa akin."

Sought After (Manila Nights Series #1)Where stories live. Discover now