Prologue

1.1K 29 0
                                    

"AT 25, Levi Yuchengco became the youngest chairman and CEO of a publicly listed company in the history of the Philippine Stock Exchange when LYC Engineering had its initial public offering in 2019 with a value of ₱2.7 billion. LYC Engineering was among the few select 200 companies that were able to list in the PSE—" Mabilis kong hinaklit ang notebook mula sa kamay ni Sora. Dahan-dahan itong pumihit paharap sa akin at saka namewang.

"Ilang beses ko nang sinabi sa iyo na huwag mong pinakikialaman ang mga gamit ko," inis na turan ko rito. Tatalikuran ko na sana ito nang marahan niyang hinila ang iilang hibla ng buhok ko.

"Talaga bang sumama ka rito sa akin sa Manila para maghanap ng trabaho o para mapalapit diyan sa Levi Yuchengco na yan at nang magawa mo na iyang binabalak mong paghihiganti?

"Para magtrabaho, at maghiganti na rin." Inirapan ako ni Sora. Isa-isa niya nang inalis ang curler sa buhok.

"I'm all for this revenge shit. Suportado kita simula college tayo, pero Tel." Bumuntong-hininga si Sora, "Pa-dalawang buwan ka na rito sa Manila. Ayaw kitang i-pressure kaya lang grabe na yung ngawa ng wallet ko. Maganda lang ako at makinis ang balat kaya mukhang mayaman, pero alam mo naman na sakto-sakto lang ang kinikita ko. Kapag hindi ka pa nakapaghanap ng trabaho, sa kangkungan na pupulutin ang ganda nating dalawa." Ngumuso si Sora at marahang pinisil ang mga pisngi ko saka pilit na pinagtapat ang mukha naming dalawa.

"How about we multi-task, ha, dear? Magtrabaho sa umaga at sa gabi mo intindihin ang oplan ipaghiganti si Tita Beatrice," anito sa akin. Nangunot ang noo ko.

"Sa gabi?"

"May nasagap akong impormasyon. Makakatulong para mapalapit ka sa anak ng lalaking yon, pero saka ko na ibibigay sa iyo, kapag natanggap ka na sa trabaho." Binitawan ni Sora ang mga pisngi ko at papasok na dapat sa cr nang haklitin ko ang braso niya.

I gently fluttered my eyes to make her give in, pero mahinang pitik sa noo ang natanggap ko.

"Hindi yan gagana sa akin."

"Paano kung matagalan pa bago ako makahanap ng trabaho? Alam mo namang hindi ganoon kadali mag-apply."

"May opening kami sa bar." Ngumisi na lang ako rito at marahan nang iniling ang ulo.

"Gaga, waitress hindi entertainer, alam ko namang hindi mo kaya iyong trabaho ko."

"Ayaw ni Mama, pero bahala na. Pag hindi pa rin ako nakahanap ng kahit na anong trabaho ngayong week. Tatanggapin ko na iyang sa Havoc." Dalawang beses na nag-flying kiss si Sora.

"Good luck." Kumawit na naman ako sa braso niya.

"A deal is a deal, baby girl. Kaya bitawan mo na ako kasi mali-late pa ako dahil sa iyo. Traffic pa naman ngayon, Friday," aniya.

Pag-alis ni Sora. Ni-lock ko ang pinto at dumiretso na sa kusina. Malalim akong bumuntong-hininga habang inaabot ang huling lata ng sardinas sa cup board.

"Putangina! Kung hindi dahil sa Leon Yuchengco na iyon, hindi magkakanda-letse letse si Mama. Sana anak mayaman ako, heiress na sa Le Rosey nag-aaral at kasama sa Le Bal des Debutantes." Agad akong na-distract ng text notification mula sa panggagalaiti.

"Pang-egg tart mo bukas. Kaonting rewad pagkatapos mong mag-apply, uwian mo rin ako, ha?" Napangiti na lang ako sa notes na kasama ng gcash transfer galing kay Sora.

Ala-sais pa lang ng umaga ay wala na ako sa bahay. Maaga akong umalis para marami-rami rin akong mapagpasahan ng resume. Ilang oras na lang at magdidilim na ulit.

Lawit na ang dila ko, masakit na ang mga binti at nagdudugo na ang mga paa dahil sa blister gawa ng heels. Sunod-sunod na lang akong napamura sa inis sabay hagod sa aking buhok nang makitang puno pa rin ang jeep na paraan, pangatlo na yon na ganoon.

Sought After (Manila Nights Series #1)Where stories live. Discover now