Chapter 28

130 9 0
                                    

"I still think that hiring a caterer is too much. It's just my friends, Tel." Tel stopped rummaging through our cabinet for fitting clothes to wear today.

It's not her first time meeting my friends. Hindi ko alam kung bakit siya natataranta nang ganito.

Nilapag niya ang floral dresses sa kama pagharap sa akin.

"Yung mga jina-just friends mo na iyan Levi ay ang siyang bumubuo ng top one percent ng Pilipinas."


"And?"

"What do you mean and? Dinala mo sila sa bukid! Anak mayayaman ang mga iyon. Hindi sila sanay rito. Maski nga yata ang makakita ng putik ay hindi pa nila na-experience!" I couldn't help but laugh. Paglapit ko kay Tel ay kusa na ring pumulupot ang braso ko sa bewang nito.

I kissed her head, and sniffs her hair. Gustong-gusto ko talaga ang amoy ng buhok niya.

"They'll be fine. They all wanted to be here. Hindi ko naman sila pinilit." Celeste narrowed her eyes to me. Ayaw maniwala.

Tinaas ko ang kanang kamay, swearing to her the truth and nothing but the truth.

"At baka nakakalimutan mo naman asawa ko. Hindi lang sila ang anak mayaman. I came from a wealthy clan too, but I can manage." Tel fondly brushes my hair with her fingers. Maya-maya lang ay napako na ang tingin nito sa adam's apple ko. Lumunok siya. Biglang mamula ang mga pisngi nito at lumayo sa akin.

Lately, madalas kong napapansin ang pagsulyap-sulyap nito sa adam's apple ko. Almost like she wanted to do things with it.

"Sinabihan mo na rin naman sila sa magiging sleeping arangement di ba?" tanong niya.

Tel already asked me that. Sinagot ko na rin naman iyon pero dahil hindi magkanda-mayaw sa mga iniisip ay nakakalimutan niya nang nakakalimutan.

"They're fine with the banig and sleeping bags."

"Even Soren?"

"Diyan na lang natin patulugin sa kama si Soren tapos iyong isa pa. Basta kung sinong gustong tumabi sa kaniya." Tel pointed at the floor, "Dito tayo sa sahig."

Her suggestion came out as a shocker. Kahit walang laman na kahit na ano ang bibig ay para akong nabulunan.

"Baby, hindi rin ako sanay matulog sa sahig, ha? and you're pregnant." Paalala ko rito.

"If you want to make sure that my friends are comfortable in their sleep. Puwede tayong bumili ng bagong mattresses sa bayan mamaya."

"Oh, tapos? Pag nakaalis na sila? Anong gagawin natin sa sandamakmak na higaan, Levi?" Tel nagged cutely.

Kapag hindi na matigil ang bunganga niya gaya ng ngayon. The urge to just slam my lips with her to shut her up began to drowns my head.

"Ano? Di mo rin alam?"

"I don't know? Pamigay natin sa kapitbahay." Marahan kong binaba ang kamay ni Tel na pinisil ang ilong ko.

"Ay talaga namang mga suggestion yan pang-mayaman. Dami-dami mong pera, no?"

"Tel, marami naman talaga," I said to her, with no intent to boast. I still don't understand why my wife thinks we're dirt poor.

Pinili ko lang na sa probinsya na tumira with her, but the last time I checked and even with no inheritance from Angkong and Papa. I'm still worth billions.

"Yabang," she said.

Malakas akong natawa.

"Huwag kang magrereklamo pag nag-demand ako sa iyo ng push present." Banta niya.

Sought After (Manila Nights Series #1)Where stories live. Discover now