Chapter 2

236 14 0
                                    

I squinted my eyes and lightly shook my head after Sora shoved me away from the gas range. Pinatay niya iyong kalan saka marahang pumihit paharap sa akin.

"Kanina pa nagwawala iyong takure. Hindi mo ba naririnig? Nasa harap ka lang." Sora sratched the space between her eyebrow.

"Hindi siya maalis sa isip ko, Sora." Nilapat ko ang kamay nito sa dibdib ko.

"Naririnig mo ba? Sabi niya Lee, Lee, Lee!"

"Anong gagawin ko?" Inabot niya ang peanut butter at nagsimula nang magpalaman habang parang anino niya akong nakasunod lang sa kaniya.

"Sora, tulungan mo na ako. Send advice kasi hindi ko talaga alam ang gagawin ko."

"Bakit ako?" Natatawang tanong nito sa akin habang humihigop ng kape.

"Ewan? Dahil sa chosen field mo? Mas kilala mo dapat ang lahi nila? Alam mo ang galaw ng utak nila?"

"Baka ma-discourage ka lang pag bumoses ako. Huwag mo na akong hingian ng opinion at insight. Mag-marinate ka lang sa ganiyang feelings." I grabbed her arms, stopping Sora from taking another bite.

"I can take it. Hindi ko kokontrahin sasabihin mo. Men are your expertise, so, go ahead and tell."

"Men doesn't know kindness. Hindi sila nagbibigay ng pabor, maliban na lang kung may inaasahan silang kapalit—"

"Baka iyong mga lalaki lang na nakasalamuha mo, So. Parang hindi naman ganyan si Lee."

"Tingnan mo ito." Ngumisi ako sa kaniya at sinenyasan ito na ipagpatuloy na ang sinasabi niya.

"Putangina!" Halos malaglag na ang bagang ko sa sahig, "Sinasabi mo ba na Lee wants to uhm me?"

"Fuck you, yeah? That's what I thought nung gabing nakita kitang umuwi bitbit iyong Manolo Blahnik heels, pero two weeks na hindi pa rin siya nagpaparamdam sa iyo. Hindi mo nga ma-tiyempuhan sa condo niya." Nanlaki ang mga mata ni Sora. Dinampot niya iyong laptop at nag-log in siya sa social media account ko.

"I-message na lang natin. Anong name niya?"

"Lee." Mabilis na tinipa ni Sora ang tatlong letra. Nang hindi ko na iyon madugtungan ay malalim itong bumuntong-hininga.

"Iyon lang? Hindi niya sinabi anong surname niya sa iyo? Are you even sure that Lee is his real name?"

"Anong gusto mong gawin ko hingiin ko passport niya para ma-confirm kung ano talagang name niya? He said Lee, and I believe him. Tangina kasi ng mukha parang lahat nang sasabihin, kahit na kagaguhan ay parang truth, and nothing, but truth ang labas."

Mahinang pinitik ni Sora ang noo ko.

"Tama na iyan. Hindi ba't first day mo ngayon? Girl, hindi pa ba nagsi-sink in sa iyo na pag hindi ka pa kumilos ngayon. The traffic in Manila will jeopardize your first day at work?"

Mahina akong napamura. Inagaw ko mula sa balikat ni Sora ang towel na kakakuha niya lang naman mula sa drying rack at tumakbo na papasok ng cr.

Dahil limang minuto na lang ay mali-late na ako at halatang nilaspag na ako ng polusyon ng kalakhang Manila, sa loob ng elevator ko na lang ni-re-apply iyong lipstick.

"What the hell were you thinking coming to the first day of your work late?" Sumipat ako sa wrist watch na suot.

"9 am ang start ng working hours, 8:57 pa lang. Maaga ako ng 3 minutes?" Elaia snorted a laugh, and then her face became serious in a blur.

"Soren Morelli ba ang pangalan mo?" Naguguluhan akong umiling.

"Sino naman iyon?" Elaia stopped on her track. She made a face simular to when someone is having a cardiac arrest.

Sought After (Manila Nights Series #1)Where stories live. Discover now