Chapter 5

221 13 0
                                    

Kinapa ko ang ilalim ng unan kung saan ko madalas iniiwan ang cellphone bago matulog sa gabi. Kaya lang wala iyong doon. Iniisip na baka nasagi ko lang iyon habang tulog kung kaya't nawala ito sa tipikal na puwesto. Nagpatuloy ako sa pagkapkap. Nang hindi ko pa rin iyon nahanap. Napilitan na akong imulat ang mata. Realization hit me like a truck, pero parang mas sinasagasaan nang rumaragasang truck ang pagkababae ko.

I looked around. Gray, black, and brown are the primary colors in Lee's bedroom. His masculine look runs through his room and its interior design. The choice of color and furniture were unlike him, at least not the Lee I'm familiar with, because every minute detail of this room was the exact opposite of the soft and sunshine cutie I know.

Natigil ako sa pagmumuni-muni nang marinig ko na naman ang ringtone ko. Bitbit ang comforter na ibinalot ko sa hubad na sarili. Pinulot ko ang cellphone na naiwan sa sahig at natabunan ng pencil skirt na suot ko kagabi.

"Tangina, buhay ka. Lord, thank you, amen," sambulat ni Sora. Nai-imagine ko itong nagsa-sign of the cross.

"Tel, hayop ka. Nasaan ka? Bakit hindi ka umuwi? Huwag mong sabihin hindi pa tapos iyong boss mong sermunan ka tungkol sa satin at silk skirt na iyon?" Dahil sa sinabing iyon ni Sora. Napa-check ako ng oras at nang makita na bente minutos na lang at alas otso na. Dali-dali kong binabaan ng phone si Sora.

Isa-isa kong dinampot ang mga damit na nasa sahig. Bumukas ang double door sa likuran ko. Lee came out wearing a navy blue robe, his hair messy and dripping. Even with the distance that we have, I could smell his body wash.

Tangina, ang sexy ng amoy! Amoy heaven, parang siya!

Humalakhak siya nang matigilan ako at hindi na nakakilos pa ulit.

"Why did you stop like you were caught red-handed for something?" Mas lalong sinakop ng halimuyak ng body wash nito ang ilong ko.

"You're planning on sneaking out. Aalis ka ng hindi nagpapaalam sa akin," paratang nito. Umayos ako ng tayo at pumihit na paharap sa kaniya.

"Hindi." Lee gave me a look that made me admit the truth.

"But only because I'm late for work, Mr. Morelli will kill me."

"Did you receive any call or text from Elaia?" tanong niyang nagpataka sa akin. Binalik ko ang tingin sa cellphone.

"Wala ngang kahit na ano."

"I took care of it. Consider this a little break. I know you need it. Working for Soren is mentally shocking."

"Kilala mo rin ang boss ko, and you're so casual about him."

"Soren Morelli is my friend. Now that he knows you're strung to me, he'll be nicer to you."

Nanlaki ang mga mata ko, "Hindi. Ayaw ko."

"So, you want Soren atrocious to you?"

"Hindi rin," I replied, "If Mr. Morelli will be nice to me. I want it to happen because I did something great that made me deserve his kindness if he has any."

"I'll be the bearer of the bad news, Tel. The chances of Soren giving you a vintage Chanel if you ask him is more likely to happen versus receiving a compliment from him even if you did an excellent job at work." Napanguso na lang ako dahil sa narinig.

"Kung ganoon kailangan kong maghanap ng therapist. May kilala ka ba?" Pabiro kong tanong sa kaniya.

"I know an effective way to distress," Lee trailed.

Makasalanan talaga ang mga mata. Pagsabi niya non ay kusang bumagsak ang tingin ko sa pagitan ng mga binti niya.

"Seryoso ba iyan? Tinitigasan ka pa rin? Hindi ka ba napapagod?"

Sought After (Manila Nights Series #1)Where stories live. Discover now