Chapter 13

163 13 0
                                    

I staved my eyes off the window and darted it to Levi, who was humming a familiar song. I know what song it is; I just can't remember the title.

"I've been a fool, but strawberries and cigarettes always taste like you." Levi felt my gaze. He stopped singing to steal a glimpse of me.

"Bakit ka tumigil? Ituloy mo lang. I like your voice. The song suits you, too." I complimented him, but Levi only shook his head and chuckled, parang ayaw niya maniwala.

"If you're not an engineer and CEO of your company, you can be a celebrity, like a singer, an idol." Tinawanan lang ulit ako ni Levi pero seryoso ako. I can already picture his face posted on the biggest billboard in Edsa and c5.

"Sa may alfamart lang ulit?" tanong ni Levi nung papasok na kami sa arko.

Sasagot pa lang sana ako sa kaniya nang marinig ko ang pagkalam ng sikmura nito.

"Hindi ka kasi kumain nang maayos kanina."

"It's fine. Pagbalik ko na lang sa condo." Levi's stomach growled again; he was holding it at this point like doing that would make it growl less.

"Iparada mo na lang dito yang sasakyan tapos pasok ka sa bahay. Ipagluluto kita. Kain ka muna bago ka bumalik ng BGC—" Hindi pa ako tapos sa sinasabi ko rito. Nakalas na ni Levi ang seatbelt niya at palabas na agad ng pinto.

"Your house is cute." Tumingin ako kay Levi habang ang kamay ay pinapatong ang bag sa sofa.

"Is Sora asleep?"

"Nasa trabaho iyon." Levi removed his shoes, pipigilan ko sana siya pero natapos niya na ang paghuhubad non kaya hinayaan ko na.

"Gusto mo ng tonkatsu?" I looked at his direction. Levi looked well kept sitting on our sofa, but he looked so out of place, too, at the same time.

"Levi." He finally stopped looking around to pay attention to me.

"Gusto mo ba ng tonkatsu?" Sinara ko muna iyong freezer at chineck kung may kanin ba sa rice cooker.

"From the scratch?" He asked, "Hindi ka ba matatagalan non?"

Binuksan ko ulit iyong freezer at hinila mula roon ang isang pack ng tonkatsu ng cdo.

"Ah, yeah, that's fine."

"Okay, ipa-fried rice ko na lang din iyong sinaing ni Sora. Bahaw na kasi."

"Bahaw is fine," he replied, grinning cutely.

"Sige. Para makakain ka rin agad."

"Masarap." Natigil ako sa pagsasalin ng tubig sa baso niya.

"Processed food yan, Levi. Prinito ko lang naman iyan."

"Masarap iyong pagkakaprito mo." Tumanggo-tanggo na lang ako at hindi na nakipag-diskusyunan pa kay Levi. Tinabi ko na lang iyong baso ng malamig na tubig sa may plato niya.

Habang hinuhugasan ang pinagkainan ni Levi. Napansin ko ang panay-panay niyang paghikab. His eyes looked sleepy too, parang nilalabanan  niya na lang talaga na huwag iyon mapikit.

"Gusto mo bang dito na lang matulog? Malaki naman iyong higaan sa baba ng double deck, tapos may aircon din doon sa kuwarto, magiging komportable ka naman siguro kahit na papaano."

"Can you wake me up at 7 though? Kailangan kong umuwi sa Dasma at nine. Angkong is expecting me."

"Okay."

Salamat na lang talaga at malinis si Sora sa bahay. Hindi nakakahiya na patuluyin si Levi rito. Pagkatapos kong i-adjust ang aircon sa temperature na preferred ni Levi. Binalikan ko na iyon nang tingin. I saw him gently placing and hugging my megumi plushie.

Sought After (Manila Nights Series #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu