Part 51

77 8 7
                                    

"Athena! Ready na kayo?" Tanong ni Kenneth, ang kilala ni Athena sa lugar

"Oo. Saan ba tayo magsisimula?" Tanong ni Athena habang namumulot ng mga maliliit na kahoy sa paligid ng tent para gawing bonfire mamaya

"Mas mabuti sigurong magsuot ka ng jacket dahil mukhang aambon."

Pumasok si  Athena para kumuha sana ng jacket sa kanyang napakalaking backpack sa loob ng tent.

Naroon si Ken sa loob ng tent inaayos ang magiging higaan nila mamaya.

"Excuse me, may kukunin lang ako." Sabi ni Athena

"You want me to go out?" Tanong ni Ken

"No need. Kukunin ko lang naman ang jacket ko." Sabi ni Athena

"I see."

Habang hinuhukay ni athena ang kanyang bag ay narealize niya na napakaliit pala netong tent para sa kanilang dalawa.

Iniisip niya ngayon kung tama ba ang desisyon niyang matulog sila ng sabay sa tent. 

Nakuha na ni Athena ang jacket at dali-daling lumabas. Hindi naman kumibo si Ken, patuloy lang ito sa pag-ayos ng tent.

Habang ikinakabit ni Ken ang ilaw sa loob ng tent ay narinig niya si Athena

"Thanks, Ken!"

Nagtaka ang binata dahil naroon naman siya sa loob. Ngumiti si Ken akala niya kinakausap ni Athena ang sarili.

Nagpapraktis siguro to kung paano ako kausapin mamaya. Parang baliw.

Mas lalo siyang nagtaka kung bakit patuloy pa rin si Athena sa pagsaalita at tila may kausap nga ito sa labas. Kaya naisipan niyang tignan kung ano ang ginagawa ng dalaga.

Nakita ni Athena na sumilip si Ken sa labas ng tent.

"Ay syanga pala, si Ken." tinuro ni Athena si Ken

Napilitang lumabas si Ken para ipakilala ang sarili sa lalaki.

"Ken, this is Kenneth, Kenneth, si Ken."

"Nice to meet you po sir." sabi ni Kenneth

"Same." matipid na sabi ni Ken giving Athena "that" look

"Ay teka, kukunin ko lang yung bag ko, balikan kita kaagad Athena." sabi ni Kenneth

"Ok Ken, hintayin kita dito."

So, ito pala ang Ken na kinakausap ni Athena. Tsk, akala ko kung ano na! Ba't Ken ang tawag ng babaeng yon sa kanya? 

Naputol ang pag-iisip ni Ken ng lumapit si Athena sa kanya.

"Ken, alis muna kami. Pupuntahan lang namin yung actual location."

"Kayong dalawa lang?" tanong ni Ken

"Ha? Anong ibig mong sabihin? Siya ang nakakaalam ng lugar Ken."

"Sasama ako."

"Huwag na, baka mapano ka pa doon. Dito ka na lang. At tsaka baka pagalitan ako ni Ate Maris pag malaman niya na pinahihirapan ka dito."

"Kahit di mo siya masyadong kilala?"

"Ken, ano ba sa tingin mo ang gagawin namin don? Nakatrabaho ko na si Ken-Kenneth dati at trabaho ang ipinunta ko dito. Kung hindi ko to magagawa, papagalitan ako. As I've said before, may hinahabol tayong schedule." Athena said

"Kaya nga hayaan mo kong sumama. Project ko to kailangan ko rin makita ang location." Palusot ni Ken

Wala nang magagawa si Athena kundi ang hayaang si Ken sumama. Afterall, it is his project. Dapat may say siya sa lahat. Gusto niya na lang matapos to para makabalik na agad sila sa Manila.

When our Worlds CollideWhere stories live. Discover now