Part 46

55 6 4
                                    

Nagsimula na ang promotion sa pelikula ni Angelo Peña. At dahil si Athena ang naghahandle sa lahat, parati silang magkasama ni Angelo. Simula ng away nila ni Ken, ay nagiging maingat si Athena pag kasama niya ang artista. Kung maaari niya lang itong  iwasan, ay umiiwas siya dito. Ngunit may mga pagkakataon talaga na hindi maiwasan ni Athena na magusap sila ni Angelo. 

Wala naman siyang problema sa pakikipagkaibigan sa artista, sadyang ayaw niya lang na pag awayan nila ng nobyo si Angelo. Hindi nga maintindihan ni Athena kung bakit mabigat ang loob ng nobyo kay Angelo dahil napakasaya niya namang kasama at mabait ito sa lahat ng staff.

"Athena! Kain na tayo!" sigaw ni Angelo

Mayroon silang photoshoot ngayon para sa isang magazine at interview sa isang sikat na TV host para ipromote ang pelikula ni Angelo. Kaya kahit mabigat sa loob niya na magtrabaho ay wala naman siyang magagawa dahil isa ito sa paraan para ma promote ang hinahandle niyang artista at makuha ang inaasam asam niyang promotion.

"Mauna na kayo, susunod lang ako sa inyo." sagot ni Athena at dumerecho na sa hallway papuntang opisina.

"Thena!" 

Lumingon si Athena kay Angelo na naghahabol sa kanya.

"Oh Angelo, may problema ba?"

"Wala naman, may itatanong lang sana ako sa iyo."

"Ano yun?" Tanong ni Athena

"May problema ba?"

"Ha? Problema? Bakit?" Tanong ni Athena

"Nahahalata ko kasi na parang umiiwas ka saakin." Sagot ng binata

"Ikaw talaga, wala! Marami lang kasi akong iniisip at kailangan gawin." Palusot ni Athena

Hindi niya naman pwedeng sabihin na pinagbabawalan siya ng nobyo na makipag usap kay Angelo. Kaya nagdahilan lang ito para tapos na ang usapan.

Hindi niya nga rin maintindihan kung bakit ganyan lang ang galit ni Ken sa artista. Pero dahil mahal niya ang nobyo at ayaw niya ng gulo ay umiiwas na lang siya.

"Oh sya, kailangan ko pang bumaba para makapag coordinate ako sa mga artists para sa print ads mo. Alam mo namang medyo tight ang deadline" Paalam ni Athena

"Oh sige" sagot naman ni Angelo.

Nang makaalis si Athena ay sakto naman tumawag si Danica kay Angelo.

"Oh ano na?! Angelo nauubusan na ako ng pasensya!" pahayag ni Danica

"Pwede ba chill ka lang? Kailangan ko pang ipromote ang pelikula ko. At saka, ginugulo ko naman ah."

"Pwes! Hindi yun sapat! Baka hindi pa matuloy ang pelikula mo kung ipaglalantanran ko dito ang involvement mo sa...."

"Fine! You win Danica! Hindi ko maintindihan ba't si Athena ang pinupunterya mo eh wala naman siyang kinalaman dito."

"Dahil siya ang gusto ni Ken! Teka, don't tell me nagugustuhan mo na rin siya?!"

O-of course not! Ang sinasabi ko lang wala siyang kasalanan dito, ba't siya ang parurusahan mo?"

"Basta gawin mo lang ang pinapagawa ko."

"You're crazy!" Ang tanging nasabi ni Angelo at binaba na niya agad ang telepono.

Hindi naman mahirap ang pinapagawa ng pinsan niya sa kanya, pero parang ang bigat sa pakiramdam. Maybe because Athena doesn't  deserve this.


----------------


"Ken, focus!" sabi ni Stell 

When our Worlds CollideWhere stories live. Discover now