Part 19

45 8 0
                                    

Nakalapag na ang eroplano sa Bacolod at marahang ginising ni Ken si Athena.

"Thena, andito na tayo sa Bacolod." sabi ni Ken

"Landed na ba?" tanong ni Athena

"Yup."

"Hindi ko naramdaman. Sorry nakasandal pala ako sa yo." sabi ni Athena

"Ok lang."


Hinintay muna nilang dalawa na makalabas halos lahat bago kinuha ni Ken ang kanilang mga bagahe. 

Bumaba na rin sila kaagad.

Nagkita-kita na sila lahat sa loob ng airport. Pagkalabas nila sa Arrival area ay naroon na ang coaster na magdadala sa kanila patungong hotel.


Hindi na tumabi si Athena kay Ken. Kundi tumabi ito sa isang staff ng grupo na nasa harapan nina Ken nakaupo.

Katabi ni Ken ngayon si Stell at sa mga oras na yon ay pinaguusapan na nila ang gagawin nila para sa gaganaping concert.

Habang nagsasalita si Pablo ay nakatingin naman si Ken kay Athena. Iniisip niya eksena nila kanina sa eroplano.

"Hoy Ken, narining mo ba ang sinabi ko?" tanong ni Pablo

"Ay sorry hindi eh, pakiulit please."

"Ang sabi ko, bukas na lang tayo mag pa-practice. Magpahinga na lang muna tayo ngayong gabi." ulit ni Pablo

"Ok, sige." sagot ni Ken

"Mukhang natutulala tayo ngayon ah." tukso ni Stell kay Ken

"Anong pinagsasabi mo?" 

"Sus Ken! Halatang halata ka, sa totoo lang."

"Ang ano nga?"

"Type mo si Athena noh?" bulong ni Stell kay Ken

"Hindi ah! Ikaw ha, gumagawa ka ng kwento."

"Paalala lang Ken, may boyfriend na yan. Baka ikaw lang ang masaktan sa huli."

"Wala nga. Tsaka pakialam ko kay Athena? Kahit sampu pa ang boyfriend nyan, wala akong pakialam."

"Ikaw lang ang nakakaalam ng nararamdaman mo Ken. Basta ako, hindi pa kita nakita na nagkaganyan sa isang babae." sabi ni Stell


------

Nakarating na rin sa wakas ang grupo at ang mga staff nito sa isang sikat na hotel sa Bacolod. Binigay na isa-isa sa kanila ang kanilang mga kwarto. Kasama ni Athena ang isang babaeng stylist. 

Maaga natulog ang lahat dahil maaga pa maguumpisa ang practice at blockings nila. Bukas na rin uuwi si Athena para maka attend siya ng concert sa susunod na araw. 


--------


"Guys, bababa na ako ha! See you tomorrow!" paalam niAthena sa mga kasama niya sa room

"Bye Athena!"


Lumabas na si Athena sa kwarto niya. Bitbit niya ang isang maliit na backpack at isang maleta na puno ng pasalubong para sa kanyang pamilya.

Habang naglalakad siya papuntang elevator ay bumukas ang pinto ng kwarto nina Josh at Stell. Lumabas si Josh ng kwarto nila na nakabihis na at mukhang papunta sa breakfast buffet.

"Thena, punta ka na ba ng Iloilo? tanong ni Josh

"Good morning Josh! Maya-maya pa, kakain muna ako ng breakfast." sagot ni Athena

When our Worlds CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon