Part 44

95 10 6
                                    

Napagdesisyunan na lang ni Athena na huwag nang hintayin si Ken at umuwi na lang sa kanyang condo. Pagod rin naman siya at gusto niya nang magpahinga.

Nakarating siya sa kanyang condo, nag shower siya kaagad at nagpalit sa kanyang pinaka-komportableng pantulog. Plano niyang manood na lang ng Kdrama para maaliw siya buong gabi at hindi niya masyadong isipin ang mga nangyari ngayong araw.

Ilang sandali pa ay narinig niyang may kumatok sa kanyang pinto, hindi na siya nag isip kung sino ang pupunta sa kanyang unit sa ganoong oras, nang buksan niya ang pinto ay

"Ken!"

Bigla siyang niyakap ni Ken ng mahigpit. Hindi na rin nakatiis si Athena kaya niyakap niya rin ang nobyo.

"Namiss kita Love." Sabi ni Ken

"Pasensya ka na Love, di ako nakaabot, sinubukan ko talaga pero pagdating ko tapos -"

Hindi na natapos ni Athena ang gustong sabihin dahil inangkin na ni Ken ang kanyang malalambot na mga labi. Athena gave in, and everything faded away.

They kissed like they hadn't ever kissed before. The next thing she knew, she was lying in bed while Ken was slowly unbuttoning her clothes.

Athena slid her hands inside Ken's shirt and felt his muscles tense. He hurriedly took off his shirt and kissed Athena's neck down to her chest.

"I love you Thena."

"I love you too Ken"

And they both conquered each other's body and soul.

---------

Late nang nagising si Athena, napansin niyang wala na si Ken sa kanyang tabi. Buong akala niya ay umalis na ito para magtrabaho pero nagulat siya nang marinig ang ingay na nanggagaling kusina.

Athena smiled at the thought of Ken being in her home. Iniimagine niya ang future nilang dalawa na nakatira na sa iisang bahay. Ilang minuto din siyang nakaupo sa kama, magulo pa ang buhok at tanging comforter lang ang nakatakip sa hubad na katawan.

Nasa ganoon siyang pwesto nang pumasok si Ken sa kwarto niya. May dala-dalang tray na puno ng pagkain. Habang papalapit si Ken sa kanya ay gwapong gwapo siya sa nobyo. Nakasuot lang ito ng puting t-shirt at naka boxer shorts. Magulo din ang buhok at walang kaano-ano sa mukha.

"Breakfast in bed" masayang sabi ni Ken

"Wow, nag-abala ka pa talaga ha."

"Pasensya ka na, di ako marunong magluto eh. Ito lang ang alam ko." Ang tinutukoy nito ay ang hotdogs at itlog na pinrito niya.

"Sus, eto lang sapat na."sagot ni Athena

Pagkatapos ipatong ni Ken ang tray sa kama ay nagsalubong ang kanilang mga mata. Hinawi ni Ken ang buhok ni Athena at inipit ito sa likod ng kanyang tenga.

"Ang ganda mo" tanging nasabi ni Ken

Kinilig si Athena sa nasabi ng nobyo pero di na ito nagpahalata, bagkus

"Ikaw talaga, napakabolero mo."

"Haha, totoo naman ah! Ang swerte ko, ang ganda ng girlfriend ko." Dagdag ni Ken

"Naku, gutom lang yan Love!"

Masaya silang nagalmusal habang kinukwento nila sa isa't-isa ang mga nangyari habang di sila magkasama.

-----------

"Basta gawin mo yan , dahil kung hindi, sasabihin ko kay tita na kasama ka nina Jake sa hotel."

Kausap ngayon ni Danica ang pinsan niya. Plano niyang siraan si Athena kay Ken kaya kinuntsaba niya ang pinsan para matuloy ang kanyang masamang plano.

When our Worlds CollideUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum