Part 33

62 8 0
                                    


Natapos na ang concert nila sa Toronto. Buong araw na hindi mapakali si Ken. Gusto na niyang kausapin si Athena pero hindi siya makahanap ng pagkakataon. 

Nagpapahinga na sila ngayon sa kwarto ni Pablo dahil may mga bagay sila na dapat pag -usapan. Nag meeting sila tungkol sa mga future projects at mga invitations ng ibang bansa. Posible din na magkaroon sila ng Asia Tour kaya isa yon sa mga topic na pinag usapan ng grupo.

Pagkatapos ng meeting ay napansin nila na hindi masyadong naguusap si Ken. Parang may gumugulo sa isip nito. Dahil matagal na silang magkasama, alam nilang may problema ito. Hindi si Ken ang type ng tao na mahilig mag share ng mga personal na problema. Kung pwede lang nito solohin, ay sinosolo niya para di na siya maging pabigat sa grupo. Ang problema naman ay kung may gumugulo sa isip niya ay nawawala ang focus niya sa ginagawa lalo na sa mga projects ng grupo. 

"Psst, Ken, bat ang tahimik mo? May problema ka?" tanong ng lider ng grupo na si Pablo

"Ah wala." sagot ni Ken

"Ken, alam namin pag may gumugulo sa isip mo, kaya kung gusto mong e share, ok lang naman. Baka may maitulong pa kami." sabi ni Pablo

"Eto, hula ko lang to ha. Tungkol  ba to kay Athena?" sabi ni Stell

"Oh anong problema? Diba single naman siya?" tanong ni Pablo

Huminga ng malalim si Ken

"Ewan ko sa kanya." 

"Siguro kailangan niyong mag-usap." sabi ni Josh

"Yun na nga eh. Mukhang ayaw. Iniiwasan niya ko."  sabi ni Ken

"Baka di pa ready." sabi ni Justin

"Di ko alam par. Ok lang naman ako. Huwag niyo akong alalahanin. Kung nag-aalala kayo na maapektuhan ang trabaho ko, hindi mangyayari yon."


-------


Kinabukasan:


"Thena sure ka ok ka lang dito?" tanong ni Gino

"Oo naman. bakit?" 

"Syempre baka mahihirapan ka dito." sabi ni Gino

"Naku! Tapos na ang concert, paperworks na lang 'to. At tsaka overnoight lang kayo dun. Diba?"

"Yup, balik din kami tomorrow afternoon."

"Okie dokie! Ingat sila sa inyo!" sabi ni Athena

"Dapat lang!" sagot ni Lucy

Aalis si Gino at Lucy papaunta sa tita ni Gino. Bibisitahin nila ang tita at mga pinsan nito. Hindi pwedeng tatlo sila ang aalis dahil baka may mga kailangang asikasukin, dpat isa sa kanila ang maiiwan. Since gusto rin ni Athen na mapag-isa, siya na lang ang nag offer na maiwan sa hotel.


-----


Anong oras pa lang at bored na si Athena sa kaka scroll sa cellphone niya kaya naisipan niyang umalis ng hotel para kumain at bahala na kung ano ang mangyayari mamaya.

Natapos niya na rin lahat ng paperworks na kakailanganin para sa susunod na concert ng SB19.

Matapos niyang kumain ay nagpasyal lang si Athena sa mga lugar na malapit lang sa hotel na tinutuluyan nila. Doon siya napadpad sa isang bar. Usually gusto ni Athena na pumunta sa mga pubs pero sa araw na iyon ay gusto niyang maiba ang environment na pupuntahan niya. At dahil ayaw niyang umiyak ay naisipan niyang pumunta sa isang sikat na club na malapit lang naman sa kanilang hotel.

When our Worlds CollideWhere stories live. Discover now