Part 13

58 6 3
                                    

"Ewan ko nga sa'yo ang hirap mong kausapin."

Agad-agad naman umalis si Athena. Hindi pa siya nakakalayo nang may sinabi si Ken. Hindi niya ito masyadong narinig kaya lumapit siya dito

"Anong sabi mo?" tanong ni Athena

"Sabi ko, ang kape mo."

Athena just rolled her eyes, took her coffee, and left. 

------

"Girl, tumawag dito si Andrei, ok na daw ang pictures pero very tagal daw e upload."

"Huh? paano yan, kailangan na ng producers 'yan by 5 pm."

"Kaya nga, yan din ang sinabi ko, pero they said na pwede sanang ipa deliver pero they wont take that risk."

"Sige puntahan ko si Pablo."

Kumatok siya sa opisina ng grupo. Binuksan naman agad ni Justin ang pinto.

"Thena, naparito ka?" tanong ni Pablo sa kanya

"Ah, yung pictures niyo kasi ready na.."

"That's good.!"

"They are emailing it now kaso tagal daw i upload kahit na compressed na ang files. If hihintayin natin baka di na makaabot sa deadline"

"Ganun ba?"

"Yes, sabi nila pwede naman nila ipa-rider yung USB pero they wont take that chance and we need to submit them before 5."

"May maisa-suggest ka ba na pwedeng gawin?"

"Yes. That's why I'm here. Itatanong ko sana if pwede akona lang ang aalis, ako na lang ang kukuha doon."

"Paano?" tanong ni Justin

"Mag-aangkas ho ako."

"Ha? Ihahatid na lang kita." Josh offered

Biglang tumayo si Ken. Hindi siya papayag na si Josh ang hahatid kay Athena kaya nagkunwari siyang may pupuntahan.

"Ako na, paalis naman ako eh."

"Ha? Aalis ka? Ba't di namin alam yun?" tanong ni Stell

"Ewan ko, nagsabi naman ako kanina na uuwi ako ng maaga ah."palusot ni Ken

 "Tsaka diba Josh, ere-record mo pa yung line mo  pang voice-over mo?" dagdag niya

"Ay oo Josh, kailangan na yun." sabi ni Pablo

"Ay oo nga pala. Sorry Thena ha."

"Naku, huwag na kayong mag-abala, kaya ko na po 'to." sabi nI Athena

"Mas mabilis kung sasama ka sakin. Pagkuha mo ng USB, diba ihahatid mo pa sa producer?" sabi ni Ken

"Oo."

"Edi ihahatid na kita. Hindi mo mahahatid ang USB kung tatayo ka lang diyan." sabi ni Ken

Nag-isip pa si Athena ng ilang beses kung sasama ba siya o maga-angkas na lang.

"Sasama ka ba o hindi?" tanong ni Ken

"Sige na thena, sumama ka na lang kay Ken, para mahabol natin ang deadline." sabi ni Pablo

"Promise di kita tutuksuhin." biro ni Stell

-----

"Seatlbelt"

Kinuha ni Athena ang seatbelt at ikinabit niya agad ito.

"Uy Ken, hinay-hinay lang ah. Sasama pa ko sainyo sa America"

When our Worlds Collideحيث تعيش القصص. اكتشف الآن