Part 50

47 6 9
                                    

"Whatttt?!" Tannong ni Lucy sa kaibigan

"Kakasabi nga lang sis diba? sabi ni Gino

"The nerve! Jusko! Napakawalang hiya! Siya na nga tong nang iwan, tapos siya pa tong nag-gagalit galitan." dagdag ni Lucy

"Ikaw ang iniwan besh?" sabi ni Gino kay Lucy

"Mare naman! Kanino ka ba kampi?! Iniwan na ng kaibigan mo tapos hahayaan mo lang na tratuhin ng ganun?!"

"Wait na lang kasi natin ang susunod na kabanata. baka lang kasi nagulat yong isa."

"Naku sissy ha, di porket bias mo si Ken eh pwede niyang ng gawin yun kay Athena."

"Hindi naman sa ganun. Syempre ilang taon din silang di nagkita. Baka lang naman hindi alam ni Ken ang gagawin. Bigyan mo naman ang tao ng benefit of a doubt." sagot ni Gino

"Hindi ko lang maintindihan kanina eh, parang may ikinagagalit siya saakin eh. Diba dapat ako ang magagalit sa kanya?" sabi ni Athena

"Hay naku, sumasakit ang tyan ko sa inyo." sabi ni Lucy

"Gutom ang tawag diyan sis. Tama na kasi sa fasting2x, hindi ikaw si Heart Evangelista." biro ni Gino

----------------------

"Ok! Good take! Good take!"

Naroon ngayon sa studio si Ken at ang kanyang handler.  Mayroon silang photoshoot na kakailanganin para sa mga marketing collaterals nila tulad ng posters, billboard at para sa social media postings, habang si Athena naman ay nasakabilang kwarto lang nag iinstruct sa team ng mga gagawin para sa project na ito.

Mayroong malaking bintana kung saan makikita nila ang isa't isa ngunit sa pagkakataon ito, ay hindi sila nagkikibuan. Mayroon pagkakataon na nahuhuli nila ang isa't isa na nagsusulyapan pero hanggang lang doon.

Maya-maya pa ay pumasok ang handler ni Ken para ipaalam kay Athena na tapos na ang binata at handa na itong magpa measure para sa stylist. Lumabas naman agad si Athena sa studio.

"So, how was it?" tanong ni Athena sa team

"Everything is doing well! Kuhang-kuha!" sabi ng photographer.

"Good, uhm, shall we proceed to Miko Salamanca for the measurements and fitting?" tanong ni Athena, referring to Ken pero sa handler siya tumitingin dahil na-a-awkward siyang kausapin si Ken.

Ken seems unapproachable at the moment so Athena had no choice but to talk to his handler. Hindi sila magkasabay pupunta sa stylist na si Miko. Magkikita na lang sila doon sa shop ng stylist.

"Sige po, I'll see you there." sabi ni Athena

Hindi naman gaaano kalayo ang shop ni Miko Salamanca kaya nag taxi na lang si Athena papunta doon. Inalok din siya ng handler ni Ken na sumabay na lang sa kanila pero tumanggi si Athena. Ayaw niyang malagay silang dalawa ni Ken sa alanganin na sitwasyon.

Nang makarating sila sa shop ng stylist ay may inaasikaso pa itong kliyente kaya naghintay pa sila ng konti. Habang nakaupo sila at naghihintay ay may tumawag sa handler ni Ken kaya kailangan niyang lumabas. Naiwan sa receiving area si Athena at Ken.

Naku, bakit ka naman umalis Ate. 

Hindi nagkikibuan ang dalawa. Tanging ang tunog ng aircon lang ang naririning nilang dalawa. 

Ken, as always looked so stiff and arrogant. Looking at him, you may feel like he doesn't care about everything around him. Pero hindi iyan ang pagkakakilala ni Athena sa binata, he may look like it but the truth is, Ken is very observant. Kitang kita niya lahat, mararamdaman niya lahat. 

When our Worlds CollideOù les histoires vivent. Découvrez maintenant