Part 35

69 9 4
                                    

May meeting ngayon ang SB19 kasama ang kanilang mga staff para sa mga susunod na mga events na gaganapin pag-uwi nila sa Pilipinas. Hindi kasama sina Athena sa meeting dahil ang pagtatag concerts lang at promotion ang kanilang hina handle. 

Seryoso ang lahat sa meeting maliban kay Ken na walang ganang makinig. kung hindi ito maglalaro sa kanyang cellphone ay mag da-drawing ito sa kanyang ipad.

Sa isang bahagi ng kanilang meeting ay may isang event sila na kailangan ang tulong nina Athena kaya pinatawag sila ni Pablo nagbabakasakalaing maturuan sila ng tatlo.

Nang dumating sina Athena ay doon na nabuhayan ng loob si Ken to the point na parang nagpapasikat na ito sa dalaga.

"Good morning!" Bati ni Athena sa grupo

Nakaguhit naman ng napakagwapong ngiti sa mga labi ni Ken. Halatang nasayahan ito sa presensya ni Athena.

"Pasok kayo." Sabi ni Pablo

"Pinatawag ko kasi kayo dahil magpapatulong sana kami sa inyo. Alam namin di na to kasama sa pinag usapan natin, pero baka maturuan niyo lang kami kung papaano." Dagdag ni Pablo

"Oo naman. Kayo pa ba? Ano ba yun?" Sabi ni Athena

Habang itinuturo nina Athena ang proseso sa staff ay hindi maalis alis ang tingin ni Ken kay Athena. Mas tumitindi pa ang paghanga niya sa dalaga habang nagsasalita ito.

Natawa naman sina Stell sa kinikilos ni Ken na kani-kanina lang ay wala itong ganang makinig sa kanila.

Pilit na tinatago nina Athena at Ken ang mga nangyayari sa kanilang dalawa pero halata pa rin ito sa mga tao sa paligid nila lalo na sa mga kaibigan nila.

Pasimpleng binabantayan ni Lucy at Gino sina Ken at Athena. Pakiramdam nilang nagkakamabutihan ang dalawa pero hindi pa sila sigurado kaya nang matapos ang meeting ay kinausap ng dalawa si Athena.

"Teka, teka, teka nga beshy!" Tawag ni Gino kay Athena

Lumingon naman agad si Athena

"Umupo ka nga dito kailangan nating mag usap ng masinsinan sister!" Sabi ni Lucy

Pinaupo ni Lucy si Athena

"Tungkol saan?" Nagtatakang tanong ni Athena

"Anong tungkol saan ang pinagsasabi mo? May kailangan ba kaming malaman?" usisa ng kaibigan

"Kailangang malaman sa ano?" pagmamaangan ni Athena

"Kay Ken, kanino pa ba?"sabi ni Lucy

"May something sis eh, hindi lang namin alam kung ano. Kayo na ba?" tanong ni Gino

"Hindi pa noh! Saan mo naman nakuha iyan?" sabi ni AThena

"Hindi pa? Hindi pa daw Lucy." sabi ni Gino

"Aminin mo nga saamin beshy. Ano ba ang nangyayari sa inyo ni KEn? Kitang-kita namin kanina kung paano kayo magtitigan. Aminin mo!" sabi ni Lucy

"OK fine. Hindi pa naman sure pero sabi niya gusto niya daw ako." sabi ni Athena

"What?! Kelan niya lang to sinabi? tanong ni Gino

"Nung umalis kayo, basta!" sagot ni Athena

"Wow sissy! Ang haba na hair mo! ABot hanggang Canda!" sabi ni Lucy

Nasiyahan ang mga kaibigan ni Athena na nagkakagustuhan sina Athena at Ken pero makikita ni Lucy sa mga mata ni Athena na parang hindi pa ito lubusang masaya.

"May problema ba?" tanong ni Lucy

"Wala naman. Naisip ko lang kasi na baka nararamdaman lang to ni Ken dahil lang sa magkasama kami parati. Alam mo yun? Paano kung hindi na tayo nagtatrabaho sa kanila? Paano kung babalik na tayo ng Pinas?"

"Bakit ganyan ka mag isip?" sabi ni Gino

"Diba dapat sa ngayon ay inienjoy mo ang moment? Pero naiintindihan kita, alam kong natatakot kang magmahal ulit. Pero what if this time, nasa tamang tao ka na? At kung hindi mo to isusugal ay baka ma miss mo ang opportunity" dagdag pa ni Gino

Hindi mawala sa puso ni Athena ang takot. Siguro dahil na rin sa pagtataksil na ginawa ni Jeff sa kanya kaya takot siyang pumasok sa isang relasyon. Lalo na sa isang Ken Suson ng SB19, ang sikat na Ppop band member ng Pilipinas. Nag-aalinlangan siyang makipagmabutihan sa binata dahil natatakot siyang masaktan. 


------


Habang inaayos ni Athena ang kanyang mga gamit ay nakatanggap siya ng text mula kay Ken. Tinatanong siya kung ano ang gagawin niya mamaya at kung ok na mag-coffee silang dalawa.

Biglang lumakas ang pagtibok ng puso ni Athena, kahit anong deny niya sa nararamdaman ay hindi niya maitago ang galak na makita si Ken.


-----


Ilang minuto ding naghintay si Ken kay Athena sa labas ng hotel. Hindi niya maintindihan ang pagkabalisang nararamdaman. Hindi naman siya ganito dati pero pagdating kay Athena ay iba ang alon ng emosyon na nararamdaman niya.

Maya-maya pa ay nakita niya na si Athena na naglalakad papunta sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay pakiramdam niya ay parang naroon siya sa isang libro kung saan parang huminto ang mundo sa paligid nila.

Matagal ding inasam ni Ken ang sandaling iyon. Hindi niya inakala na sa kay Athena pala niya mahahanap ang kaligayahang inaasam-asam niya. Siguradong sigurado na si Ken na gusto niya si Athena at handa siyang maghintay gaano man katagal para sagutin siya ng dalaga.

Nagkakahiyaan silang dalawa sa mga sandaling iyon. Ito ang unang pagkakataon na magda-date silang dalawa. Kahit na ilang beses na silang nagsamang dalawa ay ito ang una at opisyal na date nila.

"Hello." bati ni Athena

"Hi." bati din ni Ken na parang nahihiya

There's a bit of awkwardness upon seeing each other pero nawala rin ito matapos ng ilang minuto. 

Sa isang coffeeshop sila unang pumunta. Mayroong napakandang view ng lake at bukid kung saan sila nakapwesto. Athena took a sip of her coffee and lovingly enjoyed the view. 

"Ganda ng view noh?" sabi ni Athena

Ken agreed while looking at Athena

"Oo, sobrang ganda."

Naging masaya ang araw na iyon para sa kanilang dalawa. Nagkaroon sila ng pagkakataong makilala ng lubusan ang isa't-isa, wala ding humpay ang tawanan at kulitan. Simula nun, ay masasabi nilang nagkakamabutihan na nga silang dalawa. 

Matapos ang kanilang pamamasyal ay naisipan nilang tumambay sa isang restaurant sa gilid ng beach kung saan matatanaw nila doon ang paglubog ng araw.  

Habang tinatanaw ang sunset ay lumalamig na rin ang simoy ng hangin kaya napayakap si Athena sa sarili. Nakita iyon ni Ken at dali-daling hinubad ang suot-suot niyang jacket para ipatong sa balikat ni Athena.

"Thank you, Ken." sabi ni Athena

"Walang anuman." sagot ni Ken

"Alam mo, kahit anong ganda ang sunset, hanggang ngayon ay nalulungkot pa rin ako sa tuwing nakakakita akon niyan. Pero lagi kong inaalala ang sinabi mo saakin dati. Iniisip ko lang na darating din ang panahon na magiging maayos ang lahat."

Hanggang ngayon ay hindi pa rin kinakausap si Athena ng pamilya niya. Kaya kahit gaano man kasaya na nakasama siya sa US tour ng SB19 ay may kulang pa rin sa puso niya. Siguro ang magandang nangyayari lang ngayon sa kanya ay napapasaya siya ng mga kaibigan niya at ang pagmamabutihan nila ni Ken.

Hindi maitatanggi na pinapasaya siya ngayon ng binata. Pero ang kaba sa puso niya ay hindi pa rin mawawala. Nariyan pa rin ang takot na baka masasaktan lang siya ulit. Pero handa na siya ngayong sumugal dahil may tiwala siyang hinding hindi siya kayang saktan ni Ken. Alam niya, dahil iyan ang nararamdaman niya sa tuwing magkasama silang dalawa. 

Alam niyang poprotektahan siya ni Ken, alam niyang mamahalin siya nito at pasasayahin kaya handa siyang sumugal. 



When our Worlds CollideWhere stories live. Discover now