Part 3

44 8 1
                                    

Bumalik na si Athena sa kanilang mesa. Si Ken naman ay dumerecho na kina Stell. Paupo pa lang si Athena nang hinila siya ng kaibigang si Lucy.

"Aray naman!" sabi ni Athena

"Bes, anong nangyari, kwentuhan mo naman ako, dali!" sabi ni Lucy

Dali dali namang si Gino lumapit sa dalawa. Bago magkwento si Athena tungkol sa nangyari, she glanced at Ken's table and there she saw Ken, looking at her. Dali daling siyang yumuko at nagkunwaring nagche-check ng cellphone. Ilang sandali pa ay tumingin siya ulit sa mesa nina Ken at ganoon pa rin, tumitingin pa rin si Ken sa kanya.

Hindi siya sigurado kung sa kanya ba ito nakatingin kaya tumingin siya sa paligid kung may tao pa bang iba maliban sa kanya. Baka kasi mapahiya naman siya ulit, sabihan pa siyang assuming.

Wala siyang makitang tao na posibleng tinitignan ni Ken kaya sa huling pagkakataon, para makasiguro, ay sumulyap siya uli kay Ken. And this time, nakangiti na ito sa kanya na para bang naaliw ito sa ginagawa niya.

So, nasisiyahan siya na parang mukha akong tanga? ganun?

"Hoy Athena Marie! Ano na?" sabi ni Gino

"Mamaya na! Nakakahiya oh!"

"Hay naku! Ang damot damot naman ng beshy ko!"

"Maya-maya na nga, kasi kitang kita tayo na pinaguusapan natin sila." sabi ni Athena

"Mag-order na nga tayo" dagdag pa ni Athena

Tinawag agad ni Gino ang waiter at nag order.

Napaisip siya sa nangyari kani-kanina lang. Kilala niya ang SB19 pero di tulad ng ibang fans ay wala siyang alam sa grupo maliban na lang sa iilang kanta na narining niya sa Youtube at Spotify. Hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na usisain ang grupo sa internet. Parte pa naman yun ng trabaho niya, na maging updated sa lahat ng aspeto ng entertainment at business.

Ilang sandali pa ay hindi na siya ginugulo ng mga kaibigan tungkol sa nangyari sa CR. Ang pinaguusapan na nila ngayon ay ang nangyari kanina sa opisina nila. Na kay Myra in-award ang project with Kathy Bernardo.

"Hay naku sis! Ilang gabi ko rin yun pinagpuyatan. Sipsip din kasi yang si Myra eh!" sabi ni Lucy

"Ang sabihin mo, napapa-papel kay ma'am. Akalain mo, ang pangit-pangit ng plano nila. Hindi maha-highlight ang beauty at elegance ni Kathy B."

"Ay true ses!" sabi ni Athena

Masaya silang nagku-kwentuhan at nag-iinuman hanggang sa tipsy na silang tatlo.

"Teka, ayaw ko nang uminom, baka malasing ako eh!" sabi ni Athena

"Ako din, baka pagalitan na naman ako ni Mildred (nanay ni Lucy)" 

"Oh sige, mag bill-out na lang tayo. Pero dapat kwentuhan mo kami sa nangyari sa inyo ni Ken sa CR." sabi ni Gino sa malakas na tono

Dali-daling tinakpan ni Athena ang bibig ng kaibigan at sumulyap sa mesa nina Ken. Doon niya nakita na nakatingin ang tatlong lalaki sa kanya. Athena nodded her head as if asking for apology. And mumbled 

"Sorry, sorry"

Binilisan nila ang pag bill-out at dali-daling lumabas. Hindi na lumingon si Athena.


---


"Ken, hindi siguro sila makapaniwala na nandoon ka kasama niya sa CR." sabi ni Justin

"Malamang, ikaw ba naman makulong sa CR kasama ang isang singer, siguro masisiyahan ka rin."

"Naks, singer! Yabang!" tukso ni Ken

"Hindi, nagulat kasi siya na may lalaki sa loob ng ladies room. Hindi pa nga niya ako nakilala kaagad eh." paliwanang ni Ken

Tumingin siya sa mesa kung saan nakaupo sina Athena at nakita niyang may naiwan na gamit sila sa mesa. Tumayo siya at tinignan ang naiwang gamit. Isa itong folder na may pangalan ng kumpanya kung saan nagtatrabaho sina Athena. Nakilala agad ni Ken ang kumpanyang iyon. Kaya kinuha niya ang folder at hinabol si Athena baka maabutan pa niya ito.

"Hoy Ken!" sigaw ni Stell pero di ito pinansin ni Ken.


------


"Bye Thena! Mag-ingat sila sa'yo!" sabi nina Gino at Lucy.

"Talaga!" sagot naman ni Athena habang tumatawa.

Sabay sina Gino at Lucy uuwi dahil malapit lang ang subdivision nila sa isa't-isa.

Maaga pa naman at malapit lang ang condo niya sa lugar na iyon kaya napagdesisyunan niyang mag book ng sasakyan. Habang kinukuha ang cellphone sa bag ay naalala niya ang folder niya.

"Oh shit!"

Dali-dali siyang lumakad pabalik sa bar na pinuntahan nila, nagda-dial siya telepono para tumawag kay Lucy. Itatanong niya kung nasa kaibigan ang folder. Baka kasi nadala niya ito. 

"C'mon Lucy, pick-up!"

Hindi sinasagot ni Lucy ang kanyang telepono kaya dinayal niya ang number ni Gino nang makabangga siya kay Ken na mabilis ding lumalakad. Hindi nila nakita ang isa't-isa. Natumba si Athena sa sahig.

"Aray naman po kuya, dahan-dahan naman po. Ang liit kong babae oh." sabi ni Athena habang pinapagpag ang dumi sa damit.

"Sorry di kita nakita" sabi ni Ken

Napapikit si Athena. Pamilyar na pamilyar ang boses ng lalaki. Kilalang kilala niya kung sino ito.

"Kung minamalas ka nga naman oh!" sabi ni Athena sa sarili

"Okay ka lang?" tanong ni Ken

Mabilis na tumayo si Athena at nagpanggap  na okay lang ito para makaailis na siya sa harap ni Ken. Wala na talaga siyang mukha na maipapakita dito. Sa lahat na lang ng pagtatagpo nila ni Ken ay katawa-tawa siya.

"Ay ok lang. Sorry di kasi ako tumitingin." Nakayuko lang si Athena

"I believe this is yours?" sabi ni Ken at pinakita niya ang folder 

"Ay oo! Thank you thank you! Naku yari ako neto sa boss ko if mawala ko to. Oh siya mauna na ko. Salamat!

"Teka miss -" sabi ni Ken

Umalis na agad si Athena. Hindi na niya hinintay na makapagsalita pa si Ken. 

Kung sa sa bagay, wala namang saysay na makilala pa siya nito. Isa lang siyang ordinaryong empleyado habang si Ken ay isang sikat na PPop Idol. At wala namang pagkakataon na magkikita pa sila ulit.






When our Worlds CollideWhere stories live. Discover now