Part 5

49 5 3
                                    

"This way po."

Dinala sina Athena sa conference room ng SB19. Pagpasok nila ay naroon na ang ibang staff ng SB19 pero ang grupo ay wala pa. Pinaupo sila ng receptionist sa kanilang mga upuan at habang naghihintay sila na dumating ang grupo ay inihanda na nila lahat ng mga kakailanganin para sa meeting na iyon. Matagal kasi ang magiging meeting nilang iyon dahil ito ang unang araw kung saan paguusapan nila lahat ng gagawin ng grupo.

"Good morning!" bati ng grupo sa kanilang lahat

Dumating na ang SB19 sa conference room. Nagulat si Athena kung gaano kasimple ang mga ito. Dumerecho sila sa kanilang mga upuan at tumabi si Josh kay Athena. 

"Good morning sir." bati ni Athena kay Josh

"Morning! You can call me Josh. Pangit pakinggan pag may sir eh." masaya niyang sabi

"Ok sir- ay Josh pala, haha" sabi ni Athena

Masayang nagkukwentuhan sina Josh at Athena habang hinihintay na mag settle ang lahat ng tao sa loob ng kwarto.

Si Ken naman ay umupo sa tapat ni Athena. Hindi alam ni Athena kung sinasadya ba niya ito o hindi. Nakikita ni Ken na masayang nagkukwentuhan sina Josh at Athena.

"Ok, good morning guys! Let's start na." sabi ni Pablo

Tumahimik na rin ang lahat at maiging nakikinig kay Pablo.

"As we all know, kakaalis pa lang namin sa agency namin before. Ngayon ay tumatayo na kami sa aming sariling mga paa. Pero syempre, sa dating agency namin ay talents lang kami kaya ang ginagawa namin ay mag perform lang, syempre gumawa ng kanta, choreo at lahat na related sa magiging performance namin. Ngayon na self managed na kami, may mga bagay na hindi pa namin alam at aalamin pa lang. May mga bagay na kailangang gawin when it comes to permits, contracts at processess na hindi pa namin alam gawin kaya nag partner kami sa SMT Events para e-guide kami nila sa transition na ito. Sila din ang mag ha-handle sa pag release ng EP, Concerts, Events at Marketing sa buong era na ito. And habang sila ang nag ha-handle nito ay tuturuan din nila tayo along the way." sabi ni Pablo sa buong team

"Guys?" sabi ni Pablo sabay senyas na sila na ang magsasalita sa harap.

Since Athena is very good in communicating, siya ang inatasan ng mga kaibigan na magsalita sa harap ng grupo at mga staff nito.

"Good morning guys, we are a representative of SMT Events. My name is Athena, this is Lucy and Gino. We will be closely working with you guys on this project and I hope na magkaroon tayo ng good working relationship with each other." sabi ni Athena

"As sir Pablo said, we will be handling almost all of the things related to the release of this EP, as well as your concerts and marketing. We will also process all necessary documents and permits for the said events. Ang poproblemahin niyo na lang is the performance." Athena added

"So, parang nagtatrabaho din kayo dito?" tanong ng isang staff

"Yes, there will be some work na gagawin dito and some in our office. Since part of the contract ang pag tulong sa transition niyo, we will be working with you and teach you proper documentations and permit processing na din. This era will serve as a training ground also for you dahil you will be working alongside with us." Athena answered

Sa buong siyam na oras na iyon ay pinag-usapan nila lahat ng mga gagawin nila sa mga susunod na mga buwan.

"That would be all. See you all tomorrow around 1 pm." sabi ni Pablo

----


Natapos na ang matagal na meeting nina Athena. Nagpaiwan si Athena dahil plano niya munang mag grocery saisang malapit na mall. Alas siete na ng gabi at nagmamadali siyang mamili para hindi siya gabihin. 

When our Worlds CollideDonde viven las historias. Descúbrelo ahora