Part 43

98 10 4
                                    

Simula nang nagkabati sina Ken at Danica ay sumasama na ito palagi sa grupo. Hindi naman nila pwedeng itaboy ito dahil supplier nila ang pamilya ni Danica sa kanilang lights and sounds.

Araw na ng homecoming concert ng SB19 at naghahanda na ang lahat. Umaga pa lang ay naroon na ang grupo at buong staff nila sa venue. Habang inihahanda ang mga susuotin nila mamaya ay tinawagan ni Ken si Athena na hanggang ngayon ay nasa cebu pa rin

"Love? Anong oras ka uuwi para ipapasundo kita." Sabi ni Ken

"Love pasensya ka na ha, delayed kasi ang flight namin. Huwag mo na akong ipasundo. Kaya ko na ang sarili ko."

"Ha? Bakit daw delayed?"

"Hindi ko alam love. Pero huwag kang magalala, darating ako."

"Ken! Puntahan mo daw si Pablo!" Sigaw ni Justin

"Love, tawag na lang ako ulit ha. Puntahan ko muna si Pablo." Sabi ni Ken

"Ok, love."

------

"Miss, naka dalawang palit na kayo ng oras ng flight. Ano ba talaga ang rason bakit delayed? Kailangan ko na kasing makauwi ngayon sa Manila."

"Pasensya na po maam, nagkaroon po kaso ng issue sa earlier flight at nagkaroon po ng maintenance issue kaya po na delay. Sorry po talaga." Sagot ng airline crew

"Paano yan? Anong oras ba ang flight miss? Importante kasi to eh."

"Wala pa pong advice galing sa office maam."

Ilang sandali pa ay tumawag ulit si Ken

"So love, ano na ang balita?"

"Wala pang advice galing sa airline Love eh, baka matatagalan pa." Sagot ni Athena

"Paano yan? Baka di ka na makapunta sa concert?"

"Kaya nga, sorry talaga love." Sabi ni Athena

"Ok lang, huwag na nating ipilit, ang importante safe ka."

"Sorry, love ha. Pipilitin ko talagang makapunta. "

"I mean, it would be nice if you were there, but if wala talaga, ok lang love. Don't worry." Sabi ni Ken

------

At nangyari nga ang kinakatakutan ni Athena. 8:30 ng gabi ang flight nila at mukhang hindi na siya makakaabot sa concert ng SB19. Kung makaabot man ay patapos na ito.

Hindi na nakapag usap pa sina Ken at Athena dahil busy na ang binata sa paghahanda sa kanilang concert.

At dahil wala nang magagawa si Athena ay matyaga siyang naghintay ng flight nila.

-------

"Guys! Ready na in 10 minutes!" Sigaw ng staff

Pinapunta sa silang lima sa backstage at habang nagihintay ng cue biglang dumating si Danica.

"Guys! Good luck sa inyo!" Masiglang sabi ni Danica

"Thanks, Dan" sabi ni Justin at Stell

Hindi pinansin ni Ken si Danica at hindi iyon nagustuhan ng dalaga. Kaya nilapitan niya si Ken.

"Good luck, Ken."

"Thanks." Ken said coldly

"Btw Ken, where's your girlfriend? Hindi ko siya yata nakikita dito?"

"She won't make it. Delayed ang flight niya. Now, if you excuse me."

Lumayo na si Ken sa kanya. The more Ken avoids her, the more hate she feels toward Athena.

When our Worlds CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon