Part 6

40 6 0
                                    

"Nandito na ba lahat?" tanong ni Stell sa grupo.

Nagtipon-tipon lahat ng mga staff ng Sb19 sa kanilang dance studio, naroon din sina Lucy at Gino. Si Athena ay mala-late ngayong araw dahil nilagnat ito kagabi. Sinabihan din siya ng mga kaibigan na huwag na munang papasok dahil baka lumala ang sakit nito pero matigas din ang ulo ng kaibigan.

"Ah sir, baka mala-late ho si Athena."

"Bakit daw?" Josh asked

"Naulanan ho kasi kagabi sir" sagot ni Gino

"Sana nagpahinga na lang siya." sabi ni Josh

"Yun di po ang sabi ko sa kanya pero papasok daw po eh."

"Ganun ba? Hingan na lang natin ng mga gamot sa clinic mamaya." 

"Ok po"


Ken was surprised to see Josh being concerned about Athena.  Parati niya rin itong nakikita na naguusap kaya naisip niya na baka may gusto ito sa babae.

Ilang minuto pa ang nakalipas at dumating na rin si Athena. Ibang iba ang ayos nito sa nakasanayang "girlie" na pananamit at palaging nakalugay ang buhok. Ngayon ay pumasok ito sa trabaho ng naka hoodie, loose na pantalon at  nakatali ang buhok. 

"Sorry, I'm late." Athena announced

Pinuntahan ni Josh si Athena at kinamusta.

"Kamusta na ang pakiramdam mo? Sabi ni Lucy may lagnat ka daw?"

"Ok na ho ako, medyo masakit lang ho ang ulo pero manageable naman. May kailangan ho kasi akong kausapin at e-meet today." sagot ni Athena

"Ok, mabuti naman kung ganun. Sige balik na ko dun."

"Salamat Josh."

Umupo nasi Athena at hinanap niya sa kwarto si Ken na nakatingin na sa kanya. Walang expression sa kanyang mukha. Akmang babatiin siya sana ni Athena nang tumayo ito at lumabas ng studio.

"Ay suplado" bulong ni Athena sa sarili

Dala-dala niya ngayon ang hoodie at bag na pinahiram sa kanya ni Ken kagabi. Tinago niya ito sa isang black na bag para hindi makita ng mga usyosong kaibigan. 

"Thena, ok na ba ang pakiramdam mo? tanong ni Lucy 

"Iba ang pormahan natin ngayon ah." sabi naman ni Gino

"Tinatamad kasi akong magbihis eh. pangit ba?" 

"Hindi. Bagay nga sayo eh. Naninibago lang ako sa itsura mo ngayon." sabi ni Lucy


_______


"Yes Marty, ako ang may hawak ng account nila."

"Of course! Pero I'll ask them first kung papayag sila. If ever na game sila na maging cover sa magazine, I'll let you know asap"

Pinuntahan ni Athena ang grupo sa kanilang opisina. Habang sina Lucy at Gino ay hinahanda ang mga documents na kinakailangan para sa trabaho nila. 

Kumatok siya sa bukas na pinto para ipaalam na nariyan siya sa labas.

"Thena, pasok ka." sabi ni Justin

Pumasok siya sa loob ng opisina at namangha siya sa kalinisan sa loob. Tumingin si Ken sa direksyon niya at parang lumiwanag ang kwarto dahil sa mga ngiti nito. Athena has that energy that could brighten anyone's day. She is a carefree and happy woman kaya siguro ang gaan niyang kasama.

"Ah, kausap ko kasi bago lang ang EIC ng Blaze Magazine. Tinatanong niya kung ok ba na mag-interview sila sa inyo."

"Wow! Sa magazine na tayo." excited na sabi ni Stell

When our Worlds CollideWhere stories live. Discover now