Part 30

73 9 3
                                    

May dalawang araw pa sila sa Washington bago sila pumunta papuntang Canada kaya wala silang ibang ginawa kundi ang magpasyal maliban kay Athena na may hangover ngayon.

"Sige na Thena! Sumama ka na saamin. Uminom ka lang ng gamot. Sayang naman ang punta mo dito kung mananatili kalang dito sa kwarto. Tapos ano? Magmumukmok ka dito?"

"Di ko talaga kaya, itulog ko lang muna to. If ok na ko mamaya, susunod na lang ako sa inyo."

Umupo si Lucy sa tabi niya, nag-aalala kasi siya sa kaibigan.

"Sure ka ba ok ka lang dito?" tanong ni Lucy

"Oo naman, sure ako, huwag na kayong mag-alala, hangover lang to."

"Oh sige alis na kami ha. Pag may kailangan ka, o gustong kainin, tawagan mo lang kami ha."

Ngumiti si Athena, hinawakan ang kamay ng kaibigan at nagpasalamat.

"Thank you sa inyo."

------

"Hoy Ken! Gumising ka na!"

Naiingayan si Ken kay Stell kaya kinuha niya ang isang unan para takpan ang kanyang tenga. Kinuha naman agad ito ni Stell.

"Pinapasok kita dito sa kwarto dahil sabi mo hihiramin mo lang ang sapatos ko. Hindi para gisingin mo ko." sabi ni Ken

"Eh, gising ka na eh. Ano hindi ka ba sasama?"

"Hindi. Gusto ko pang matulog."

"Bahala ka, tawagan mo lang ako mamaya pag gising ka na. Thanks sa shoes!"

"Oh" Ken answered while half asleep

Umaga na nang nakatulog si Ken. Hindi maalis-alis sa isip niya si Athena. Nagtataka siya kung bakit apektadong apektado siya pagdating sa dalaga. Sa ikli ng panahaon na pagkakakilala niya kay Athena ay lubusan ng nahulog ang kanyang loob. Hindi niya naman mainitindihan kung bakit. Nagdududa pa siya sa sarili kung gusto niya ba ito? O naaawa lang siya sa dalaga.


------


Hapon na nang nagising si Athena. Mabuti-buti na rin ang pakiramdam niya pero gutom na gutom ito kaya naisipan niyang kumain sa restaurant ng hotel.

Pagpasok na pagpasok niya sa restaurant ay nakita niya agad si Ken na kumakain. Nakita din siya ni Ken at kumaway ang binata. Kumaway din siya at lumakad papunta sa mesa ni Ken.

"Hindi ka umalis?" tanong ni Athena kay Ken

"Hindi eh. Kakagising ko lang." sabi ni Ken

"Same. Pwede umupo?" tanong ni Athena

"Oo naman. Kamusta na ang pakiramdam mo?" 

"Ok na 'ko, salamat."

Sumenyas si Athena sa isang waiter para umorder.

Patuloy lang si Ken sa kanyang pagkain habang si Athena ay nag so-scroll sa kanyang cellphone. Ini-stalk pa rin ang boyfriend sa social media. Nagulat siya nang biglang kinuha ni Ken ang kanyang cellphone.

"Ken!"

"Di ka ba napapagod?"

"Napapagod saan?"

"Sa gingawa mo? Stalk ka ng stalk tapos, iinom ka at iiyak, tapos hangover sa umaga."

"Eto naman, parang di mo napagdaanan 'to."

"Hindi talaga! Sinasayang mo lang ang oras mo dyan Athena." sabi ni Ken

When our Worlds CollideWhere stories live. Discover now