Chapter 28 : Return

4 3 0
                                    

Luna's Point of View...

Palabas pa lang si Mama ng kwarto nakita kong may humarang agad sa kanya, di ko matanaw kung sino pero kinakausap na ni Mama. Siguro si Eli or sila Kurt lang uli.

Makakalabas na ako ng hospital na to, makikita ko na yung labas na puro sa bintana ko lang nakikita.

Ni kahit isang alaala walang pumapasok sa isip ko. Hindi ako pamilyar sa kanilang lahat, siguro pag naalala ko na sila matutuwa sila.

Mukha naman akong may kaya dahil mga kaibigan ko mga ingleshera at ingleshero. Sa kanilang lahat na dumalaw sakin, si Eli at kay Kurt lang ako may tiwalang lubos. Hindi ko alam kung bakit basta magaan kase pakiramdam ko sa kanilang dalawa.

"Luna may tao, kaibigan mo daw siya" sabi ni Mama saka may pinapasok na lalaki.

Matangkad, maputi, matangos ang ilong, may kulay ang buhok, at may tindig sa pagtayo. Bagong mukha at hindi ko siya kilala. Pilit kong inaalala mukha niya perl wala, kahit sa mga pictures na ipinakita nila Kurt at Eli sakin hindi ki makita ang mukha niya.

"Sorry pero sino ka? Wala kase akong maalala" sabi ko at lumapit naman siya saka ngumiti.

"Hi Luna. I'm one of your friends, pasenya na ngayon lang ako naka dalaw. I'm Azriel Luke but you call me Azriel" sabi niya at isa na namang inglesherong kaibigan.

Tumambay naman siya at sinamahan muna ajo sa loob ng kwarto ko habang nag papatay oras dahil umalis si Mama.

Nag kwento na rin si Azriel sakin at nabanggit niyamg kaibigan niya sila Kurt, Mark at Kevin. Nung una nalilito pa ako sa tatlong yun dagil ang tawag talaga nila kay Kevin ay James. Si Eli ang sabi sakin Kevin daw ang tawag namin kay James kaya sinasanay ko na sarili ko.

Nag pakita pa nga ng pictures sakin si Azriel at ilang mga videos nilang apat na lalaki nakakatuwa lang tignan.

Nag tagal siya at nag usap kami ng halos isang oras, bago siya umalis ay may iniabot sakin na box na maliit at sa loob nun may kwintas na susi sa loob. Sabi niya itago ko daw at wag kong ipakita kahit kanino, sabi pa niyang secret na lang kung bakit at iabot ko kay Kevin yun ng palihim.

Hindi na ako umangal ng kung ano pa at umoo naang sa sinabi niya kahit hindi ko sure kung bakit at para saan yung kwintas na yun.

Di na nag tagal, bumalik na rin si Mama kasama si Kurt at Eli, pati na rin si Kevin. May kasama na ring nurse si Mama para daw tanggalin na yung dextrose sakin.

Pagkatanggal lang din ay pinag palit na ako ni Mama ng damit at inantay naman nila ako. Bitbit ni Mark ang gamit ko habang si Kurt tulaktulak ako ng wheel chair. Di naman na to need dahil nakakalalad ako pero sabi niya sumakay na raw ako.

Silang apat ang madalas na bumibisita sakin. Meron ding dalawang lalaki, Marvin att Zebulus ang name nila, kababatang kaibigan daw namin ni Eli.

Pag baba namin ng basement ay nauna agad sumakay si Mama sa kotse ni Kurt. Si Eli naman may dalang motorbike pareho silang dalawa ni Mark. Si Kevin at kotse din ang dala.

Sinabi kong antayin naman nila ako saka ako kumapit kay Kevin para iabot yung boc na bigay ni Azriel sakin.

"What's this?" Tanong niya

"Wag ko daw sabihin sa iba at sayo ko daw ibigay yan" sabi ko at tinignan naman ni Kevin yung laman sa loob, nanlaki pa mata niya bago niya ibalim at itago yung iniabot ko sa kanya

"Sino nag abot sayo nito?" Tanong niya

"Si Azriel, kaibigan natin" sabi ko at mukhang nagulat la siya bago tumango. Bumalik naman ako kala Kurt at sumakay din agad sa kotse niya.

The Dreamers : Unveiling The Shadows :  Luna And Elijah's Path To The TruthWhere stories live. Discover now