Chapter 4 : Enrollment

23 10 0
                                    

Luna's Point of View...

1 Month after...

Card releasing ngayon at kasama ko Mama dito sa school, sa dati naming room. Wala si Eli kaya kami rin ni Mama ang kukuha. Wala rin kase si Tita mag kakasama ata sila, may family bonding, sana all.

Ngayon may kung ano ano lang innanounce yung previous adviser namin. Di na ako nakinig saka nag phone nang nag phone.

Bukas flight na ni Gelo at Alex papuntang Canada, and syempre andon kami para mag hatid kasama sila Zeb at Marvin.

I was chatting with Eli, talking about random shits habang nakikipag daldalan din sa gc namin. Bored na ako, at gusto ko na naman matulog.

After this card releasing, ay diretso enroll naman kami. Cant wait matapos tong araw na to.

"Mama wait lang" paalam ko kay Mama saka lumabas ng room at pumuntang cr na nasa kabilang building pa.

Mukhang tapos na mag release yung ibang section dahil wala nang tao sa ibang mga room. As I get to the bathroom pumasok agad ako ng cubile doing my busness.

Mukha namang may mag inang pumasok ng cr saka sila nag talo sa loob ng cr.

"Ano ba naman tong grade na to! tignan mo naman napaka baba! Kaya ako pumayag na mag pa transfer ka sa school na to dahil sabi mo you'll do better pero mukhang kalandian lang naman ang ginagawa mo dito! Mas bumaba pa ang grades mo dito last year! nag kulang ba kami ng papa mo sayo?!" bulyaw ng magulang and i start to hear some sobs.

"Sorry Ma, nahihirapan pa ako mag adjust please wag mo na ako ibalik sa school na yun please and wag mo muna sabihin kay Papa" iyak naman nung anak and I kinda know that voice pero di ko maalala kung sino.

"Manahimik ka, malalaman to ng papa mo, nakakahiya ka, ibinigay namin lahat sayo, wala kang hingi na hindi namin binigay, matinong pag aaral gusto naming hindi mo pa magawa!" sigaw ng nanay and the next thing i heard is a slap, surely she slapped her daugter.

"Grades pa to ng nasa section 2 ha? May isang subject ka pa na bagsak buti naka usap ko ang teacher mo! Mukhang puro kalandian lang ang inatupag mo dito! Diba kabigan mo sila Luna?! Sila Elijah?! ano napag iiwan ka na! bakit hindi mo sila gayahin! May utak! ikaw ang utak mo nasa talampakan!" hiyaw pa kaya nagulat ako.

Kilala kami? wala naman kaming ibang kaibigan ni Eli. Could this be Sandra?

"Tumataas dugo ko sayo! Umuwi ka mag isa!" thats all i heard bago may narinig akong nag walk out and someone walk into one of the cubicle. I grab that chance para lumabas ng cr saka tumakbo in different way. I looked back and Mama ni Sandra nakita.

Sandra did transfer to our school last 2 year, sa Athena High talaga siya nag aaral but she didnt tell us what's her deal at kung bakit siya nag transfer sa school namin kahit na matagal na namin siyang kilala.

Pag balik ko ng room, hawak na ni Mama report card namin ni Eli, pag tingin ko, almost the same lang grades namin. Merong may mas mataas sakin meron din sa kaya example yung sa English literature namin, 98 lang ako siya 99. Yung Math namin, 99 ako 98 siya.

Naalala ko naman si Sandra, ano kaya grades don bat naman galit na galit mama niya sa kanya. Sakto nag chat si Eli kaya agad agad ko ring sinabi sa kanya.

 Sakto nag chat si Eli kaya agad agad ko ring sinabi sa kanya

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.
The Dreamers :Unveiling The Shadows : Luna And Elijah's Path To The Truth Book 2Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin