20

1 0 0
                                    

Under the CEO'S POSSESSION
Chapter 20

[A Compliment can change someone's Preception]

Huminga muna ako ng malalim saka kumatok sa pinto. May narinig akong yapak sa loob ng office niya at saka biglang bumukas ang pinto.

Bunungad sa akin si Cleo na nakasuot lang itim na t-shirt na hapit na hapit sa kanitang katawan.

“What do you want?” Malamig na tanong nito at tinitigan ako ng mabuti.

Naiilang naman akong napayuko at sinabi sa kaniya ang dahilan ng paghahanap ko sa kaniya.

“Aalis na po kasi si ma'am Aurelia,” sambit ko sa kaniya

He swiftly combed his hair with his fingers that made him look better than seconds ago na halatang stress na stress talaga ang mukha niya kanina.

“And? Tell her to leave if she doesn't have any plans right after your session, I'm still busy right now.”

Napatalon na lamang ako sa gulat ng padabog niyang isinara ang pinto sa harap pa ng mukha ko. Bumuntong hininga na lamang ako at nagtungo nalang sa labas.

Masyadong disrespectful yong ginawa niya kanina pero wala naman akong mgagawa dahil amo ko naman siya.

“Si Mr. Baltazar?” pambubungad na tanong ni Ms. Aurelia ng makita niya akong pababa sa hagdan ng mansiyon.

“Pasensya na po talaga ma'am, pero busy daw siya ngayon,” sagot ko naman sa kaniya. Tumango-tango lang siya as she continues to scan every corner of the mansion.

“Ok, I'll see you tomorrow”

“Hatid ko na po kayo sa labas” I offered

Pero imbis na tanggapin ito, kaniya lang itong ni-decline.

“No, I'm good. My driver's probably waiting for me outside,” sagot niya sa akin.

Gaya ng sinabi niya sa akin ay hinatid ko lang siya palabas ng mansion. Mabilis din naman siyang sinundo ng isang matandang lalake na tila parang kaedad lang din ni Mang Sebastian.

“I'll be on my way” Kumaway lamang ako bilang sagot sa kaniya.

Pagkatapos ay muli naman akong bumalik sa aking ginagawa.

Ang panatilihing malinis ang bawat sulok ng mansiyon, igiban ang mga tanim, maghugas ng plato at tulungan si manang sa pagluluto.

Everything was like the usual.

Ngunit, noong tinawag ko muli si Cleo para magtanghalian ay sinabihan niya lang ako na busy daw siya kaya nais niyang mapag-isa. Bilang respeto naman ay ginawa ko ang kaniyang nais.

Ngunit, hindi ko pa rin siya hinayaang magutom at dinalhan niya ng pagkain.

Dahil maliban sa amo ko siya at siya ang nagpapasuweldo sa akin. Malaki rin kasi ang pasasalamat ko sa kaniya, I am simply showing my gratitude through small gestures, gaya nalang ngayon.

Inilagay ko lang sa isang maliit na tray ang snacks at pagkain niya saka naglagay ng note na isinulat ni manang para sa kaniya.

Pagbaba ko ay mabilis akong nagtungo sa hapag.

Ako nalang din kasi ang hindi pa nakakain ng tanghalian, si manang naman ay nasa kaniyang kuwarto na siguro dahil hindi ko naman siya nakita sa kusina.

Mag-isa lang akong kumakain sa hapag when I suddenly heard a pair of footsteps na pababa sa hagdan.

I was surprise to see that it was Cleo.

Akala ko ba busy siya? May time pa ba siya? He kinda looks stress than I last saw him earlier.

Possession Series 1: Under The CEOs PosessionDove le storie prendono vita. Scoprilo ora