04.

18 3 0
                                    

Under the CEO'S Possession
Chapter 4

[A CEO's Possession?]


Alisha's Point of View

Maaga akong pinauwi ni Mr. Baltazar but he advised me to pack my things as someone will fetch me the next morning, siguro isa sa mga tauhan niya.

Pagdating ko sa bahay I was relieved seeing that no one was home. Walang taong puro reklamo, it was all silent. Pabagsak akong umupo sa sofa, I just want to rest, like rest permanently 'yung may kasiguradohan talagang wala ka ng stress o problema na matatanggap.

Tinignan ko ang bawat sulok at napawi ang aking ngiti dahil sa mga nagkalat na bote ng alak sa sahig at iilang  balot ng chichirya saka mga damit.

Ilang sandali lang akong umalis tapos madadatnan kong ganito na ang itsura ng bahay ko.

Napabuntong hininga na lamang ako at sinimulan ng linisin ang kalat. Halos isang oras kong nilinis ang bawat sulok ng aking bahay. Pagkatapos ay tumingin-tingin ako ng pwedeng makain. Napangiwi ako dahil halos paubos na ang pang-isang buwan kung stock ng pagkain, iilang de lata nalang ang na rito.

Nakalimutan ko pa lang mamili ng stock kanina, I was so overwhelmed with what happened instantly.

I decided to go out and feel the fresh air as I walked to the grocery store. Hindi naman gaanong malapit at hindi rin naman gaanong malayo, katamtaman lang talaga 'yung haba ng nilalakad ko.

Pagpasok ko pa lang ay bumungad sa akin ang malamig na simoy ng hangin na galing sa air conditioner. Nginitian pa ako ng guwardiya bago ako tuluyang makapasok sa loob.

I just picked canned goods that could last for a month, mga chichiryang maliit lang ang salt or msg concentration tsaka iilang canned na softdrinks.

Napatingin ako sa isang section ng refrigerator na may naglalamang iilang brands ng inumin, but I was hesitant to take one.

But at the end, I didn't get any of it. Mas iniisip ko ang magiging kapakanan ni Kian, that he should stop drinking and should have a regular diet hindi 'yung puro chichirya nalang.

Nagtungo na ako sa cashier kung saan binayaran ko ang aking mga pinamili. Lahat ng binili ko ay sakto par sa isang buwanang stock. I smiled when I realize that there were only few people na nasa loob ng grocery store na ito.

“Ma'am, 3,459 po,” sambit ng cashier

Kinuha ko ang aking pitaka at napagtantong may 3K na lamang ako.

“Ma'am, pwede po bang kuhanan ko nalang po ng ibang items?” Nahihiya kong tanong sa kaniya

“Pwede naman po, saan po dito?”

Tinuturo ko ang iilang chichirya sa aking harapan, but a  man suddenly handed his credit card and said, “its on me miss.” Ba't parang pamilyar 'yung boses?

Tumingin ako sa kaniya and he greeted me with a huge smile plastered in his face.

“Fancy seeing you here,” nakangiting sambit nito

I knew it! It was Helios!

“Great to see you rin sir,” sambit ko

Right now I didn't forgot to use honorifics dahil isa rin naman siya sa boss ng kompanyang pinagtrabahuan ko ngayon. Of course, not as an employee but his brother's assistant or perhaps, alipin ng kapatid niya.

Hinintay ko talaga siyang matapos sa pagbayad ng kaniyang binili.

He only bought few cans of beers at iilang rice meals. It is my first time seeing a rich man like him na walang kaarte-arte. Maybe he was the exact opposite of his brother?

Possession Series 1: Under The CEOs PosessionWhere stories live. Discover now