01

27 3 0
                                    

Under The CEOs Possession
Chapter 1

[Debt]

Alisha's Point of View

Pagkagising ko sa umaga ay agad akong naglakad at nagtungo sa aming bahay. I am greatly indebted to Nola, sobrang laki na talaga ng naitulong na niya sa akin.

Malayo pa lang ako sa bahay namin ay pinahinto agad ako isa sa aming kapitbahay. Hinila niya ang laylayan ng damit ko. Alam ko namang bagong tsismis na naman ito dahil sa bawat pagdaan ko sa bahay nila ay lagi talaga siyang may baong fresh updates. Minsa nama'y kaming dalawa ni Kian ang ginagawa nilang topic.

“Tungkol saan naman 'yan Aling Mirna?” tanong ko sa kaniya at binawi ang sarili sa kaniyang pagkakahawak.

“May big-time kasing naghihintay do'n sa labas ng bahay niyo! Baka 'yan na ang senyales na yayaman na kayo!” sagot nito

Napairap na lamang ako “magtigil ka na nga diyan sa mga  fake news mo aling Mirna, tsaka ano naman kung may pupuntang mayaman sa bahay namin? 'Di naman mababago niyan ang kamalas-malas kong buhay.” Nagpatuloy na lang ako sa paglakad at 'di siya nilingon pa.

Narinig ko pa ang buntong hininga niya.

Ilang agwat nalang sa bahay ay napahinto ulit ako. Kunot-noo akong napatitig sa iilang magarbong sasakyan na nakaparada sa harap ng bahay namin.

Tinted ang mga bintana nito kaya 'di ko makita kong sino ang nasa loob. Pero panigurado naman akong 'di namin kilala ang taong nasa loob, baka nga na mali lang sa pagparada.

Napailing na lamang ako ay naglakad nalang ulit hanggang sa makarating ako sa bahay namin.

Binigyan ko ng huling tingin ang mga sasakyan at akmang pipihitin na sana ang door knob pero nakaramdam ako ng mabigat na presensya sa aking likuran.

“Are you Mrs. Samson?” Isang baritonong boses na nakapanindig ng aking balahibo ang bumungad sa akin.

Umikot ako upang makita kong sino nagsasalita, but I was stunned. I've seen his face everywhere, kahit mga kabataan o matatanda ay kilala siya. It is none other than, Cleo Luther Baltazar himself.

I composed myself at inayos ang aking postura “yes I am, anong maitutulong ko sa inyo?”

“May nakatira ba ditong nagngangalang Kian Samson?” Napakunot ang aking kilay, anong kailangan nila sa kaniya?

“W-Wala, bakit?”

Nanatili lang siyang nakatitig at tsaka huminga ng malalim, I slowly slipped inside at 'di ko pa lang nasara ng maayos ang pintuan ay binuksan niya ito gamit lang ang isang kamay niya.

”I receive reports that he was here,” sambit nito

Namumuo ang malalamig na butil ng pawis sa aking noo when he pushed me aside at nagtungo sa may salas. Kaya patakbo akong nagtungo sa kwarto dahil alam kong nan do'n si Kian.

Nakita ko kung paano mag-iba ng mukha ni Mr. Baltazar dahil sa mga nagkalat na bote sa salas.

Binuksan ko ang pintuan ng silid namin upang kausapin siya kong ano ang kasalanan niya kay Mr. Baltazar. Pagbukas ko ng pinto ay napatingin siya sa aking gawi.

“Alam ko namang babalik k—” Naputol ang sasabihin niya at biglang napatayo. Ngayon ko lang napagtanto na nasa likuran ko na pala si Mr. Baltazar.

“Long time, no see Mr. Samson.”

Nasa kusina lang ako ngayon, nagluluto. Dahil may seryoso silang pinag-uusapan at 'di ko alam kong tungkol saan. Alam kong seryoso ito at may atraso si Kian sa kaniya dahil sa ekspresyon na pinapakita niya kanina pa lang at hanggang ngayon.

Possession Series 1: Under The CEOs PosessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon