03

20 3 0
                                    

Under the CEO'S Possession
Chapter 03

[First Day]

Third Person Point of View

Napagdesisyunan ni Alisha na maghintay nalang muna sa may bus stop. She badly needed the money kung kaya, hihintayin niya si Baltazar na bumalik sa kaniyang kompanya.

Kinuha niya ang kaniyang cellphone dahil ito ay tumunog. Bumungad sa kaniya ang iilang miss calls galing kay Kian, she wasn't ready to go back. Hindi niya kayang masikmura ang ginawa ni Kian sa kaniya.

Napahinga na lamang si Alisha ng malalim at isinandal ang kaniyang ulo sa pader.

“Ganiyan talaga ang buhay”

“AY KABAYO!” Wala sa sariling napasigaw si Alisha dahil sa biglaang pagsasalita ng matandang lalake sa tabi niya.

“Nakakapagod pero wala kang magawa kundi lumaban.” Nagpatuloy ang matanda sa pagsasalita pero hindi binigyang pansin ni Alisha dahil hindi naman niya ito kilala.

“Ang bata mo pa, kaya lumaban ka ija!” Kunot-noo siyang napatingin sa matanda na ngayo'y nakatingin pala sa kaniya. Binigyan niya lang ito ng naiilang na ngiti at tumingin sa malayo.

Ilang saglit lang ay dumating na ang bus at sumakay na ang matandang lalake dito. Wala sa sariling kinawayan naman ito ni Alisha tsaka niya binawi ang kamay ng mapagtanto niya ang kaniyang ginagawa.

Isang oras na ang nakalipas at may nakita siyang pamilyar na sasakyan napatungo sa building ng Zander. Patakbo niyang sinundan ang sasakyan and sure enough, it stopped outside the building. Iniluwa ni ang isang Luther Baltazar.

She approached the man while gasping for air. Imbis na huminto ay nagpatuloy lamang sa paglalakad ang binata.

“Cleo Luther Zander Baltazar!” sigaw ni Alisha sa kaniya that made everyone stopped on their tracks including Cleo himself.

Napatingin si Alisha sa paligid dahil sa pagbulong-bulongan ng mga tao. Hindi niya alam kong ano ang nagawa niyang mali o kung may nagawa nga ba siyang mali. All she did was mention his name! Anong meron do'n?

Malamig siyang tinignan ni Cleo while his arms are crossed on his chest.

“Follow me,” sambit ni Cleo sa kaniya. Wala siyang magawa kundi ang sumunod na lamang sa kaniya.

All eyes are on her as they walked on the halls, pinagbubulongan siya ng mga tao na tila parang mga bubuyog.

“Bagong salta o bagong sala?” Rinig niyang bulong sa mga nadaanan niyang grupo ng empleyado. The atmosphere becomes so gloomy kahit nan do'n pa lang sila sa main entrance ng building.

Tinitigan niya ang likod ng taong nasa harapan. Sure enough, he gave a chilling and dark aura. He gave off that feeling that he was on top of the chain, that he was powerful than the rest of the man kind. Kahit sa tindig pa lang niya ay mabigat na ang nararamdaman ni Alisha.

Pahinto sila sa harap ng isang elevator na may gold frame at may golden name plate sa tuktok nito na may nakalagay na ‘Zanders’.

Makikisakay na sana si Alisha sa kaniya when was abruptly pushed out by one of his guards.

“Do'n ka,” sambit nito sa kaniya.

Sinundan ni Alisha kung saan tinuturo ng guwardiya. She was flabbergasted to see a flight of stairs na tila bang patungo na sa langit dahil sa taas nito. It was her first time seeing a very long stairway.

Wala namam siyang magawa kundi ang sundin ang utos nila. After all, she was one of those people who belonged to the lowest part of the chain.

The woman flopped down as she reached the highest floor of the building. Kaunti nalang ay malalagutan na siya ng hininga, ramdam niya ang pagod at halos bibigay na ang katawan niya.

Possession Series 1: Under The CEOs PosessionWhere stories live. Discover now