08

13 3 0
                                    

Under the CEO's Possession
Chapter 8

[Someone?]

Alisha's Point of View

Napatingin ako sa cellphone na nasa aking tabi. Halos mapatalon ako sa aking kama dahil alas otso na ng umaga, panigurado ngang wala na si Mr. Baltazar sa baba at baka mapagalitan ako ni manang.

Hindi na ako nag-abalang maligo pa at nagbihis na lamang.

As expected sa pagbaba ko, wala na akong nakitang Cleo. Nagtungo ako sa kusina para sana simulan ang trabaho at tumulong kay manang. But I stopped halfway when someone called me galing do'n sa ikalawang palapag.

Tumingala ako upang makita kung sino ang tumawag, but unexpectedly, it was Cleo himself.

Nakakrus ang dalawang braso sa kaniyang harapan habang nakasuot ng suit. I can hear him tapping his shoes on the wooden floor above.

Takte! May kasalanan pa naman ako sa kaniya kagabi. Huhuness

“P-Po? N-Napatawag po kayo?” Nanginginig kong tanong sa kaniya

I was only working under him for 2 days, baka nga bawiin niya yung kontrata at paalisin ako. Sa labas ay pangiti-ngiti lang ako, pero sa kaloob-looban ay halos maiihi na ako dahil sa kaba.

“Why aren't you changing? Magbihis ka! Bilisan mo!”

“O-Opo! Ito na po!”

Mabilis pa kay flash akong napatakbo sa aking kwarto at nagbihis ng panglabas kahit na hindi ko naman alam kung saan ba talaga kami pupunta. Hindi na rin ako naliligo dahil paniguradong nagmamadali na rin ang isang 'yun.

Tumingin na muna ako sa aking sarili sa salamin. Nakasuot ako ng maong, puting t-shirt na pinaglumaan lang ng aking mga kaibigan, puting sapatos na napaglumaan na rin at nakamessy bun lang ang aking buhok habang dala-dala ang string bag na may papel, ballpen, pitaka, pabango.

Paglabas ko sa kwarto ay hindi ko na nadatnan si Cleo. Bumaba ako at nakita ang driver niyang naghihintay sa akin.

Patakbo akong nagtungo sa labas at agad na pumasok sa nakabukas na pintuan ng sasakyan. Pagtingin ko sa aking tabi ay biglaan akong namutla ng makita ko siyang sobrang lapit sa akin.

“What are you doing here? Aren't you supposed to be sitting beside the driver? Doon ka,” aniya

Hindi na ako pumalag pa at pumunta sa tabi ng driver. Nagulat nga ako ng mag-spray siya ng mamahaling pabango dahilan ng pag-ubo ko. Sobrang tapang ba naman ng pabango na 'yun tapos ako ito na may allergic rhinitis.

”It smells” I consciously sniffed myself, hindi naman siguro ako ganoon ka baho para mag-spray siya ng ganoon ka daming pabango. In fact, I smell great despite not being able to take a bath! Sigurado, namimilosopo 'to.

It took us about half an hour hanggang sa makarating kami sa kaniyang kompanya.

Lalabas na sana siya but he took a glance on what I wore.

“Are you seriously going to wear that?” tanong niya

“W-Wala na kasi akong i-ibang susuotin,” sagot ko naman na pawang katotohanan lang.

Huminga siya ng malalim at inutusan ang kaniyang driver na magdrive patungo sa isang lugar na hindi ako pamilyar.

Seriously though? Gaano ba talaga ka strikto 'yan kompanya nila? Wala namang masama sa kasuotan ko, sadyang nasa may-ari lang siguro ang problema! Nakakainis na ha!

Possession Series 1: Under The CEOs PosessionUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum